Piano

57 0 0
                                    

Felicia's POV

Naupo ako sa may damuhan may puno kasi dito dahil may garden yung school namin pipikit na sana ako ng may biglang nalaglag na papel kinuha ko iyon at binasa

"I love you"

"Huh? Ano ba to?" tumingin ako sa paligid kung may tao pero wala naman akong nakita na tao kaya umalis nalang ako baka mamaya pinagttripan pala ako eh.

--The Next Day--

*Bell*

"Yes! Uwian na!" Agad akong tumayo at naglakad papuntang music room bukod kasi sa garden madalas akong tumambay sa music room dahil mahilig ako tumugtog ng piano pero noong nasa pinto na ako may naririnig akong tumutugtog pinakinggan ko iyon pero biglang tumigil kaya pumasok ako sa loob at nakita ko si Caith ang long time crush ko! Classmate ko siya for 5 years straight kaya naman kilala niya ako.

"Uhm"

"Oh nandiyan ka pala Felicia"

"Marunong ka pala magpiano"

Tumawa siya bago nagsalita

"Oo" tapos nginitian niya ako Please Wag kang ganyan natutunaw ako!

tinap niya yung upuan signal na pinapaupo niya ako sa tabi niya at lumapit naman ako.

"Tumugtog ka please" nagulat naman ako sa request niya di ko alam na alam niya pala na marunong ako mag piano kaya pinagbigyan ko siya.

Tinugtog ko yung River Flows in You

*clap* *clap* *clap*

"Ang galing mo naman pala eh" tuwang tuwa siya ah! Natawa nalang ako sa sinabi niya

"Sige Caith una na ako ah may klase pa ako eh" kinuha niya ang gamit niya at umalis

Natulog muna ako dahil 1 hour pa bago ang uwian kaya naman pag gising ko may nakalagay na note ulit sa piano kinuha ko yun at binasa

"You never fail to make me smile"

Sino kaya yung naglagay nun? Hay Bahala na!

After nun Ilang buwan na ang lumipas at palagi kaming nagkikita ni Caith sa Music Room napagalaman ko rin na siya yung naglalagay ng notes at matagal ng kami! Nandito ako ngayon sa coffee shop na paborito naming tambayan may sasabihin daw kasi siya sa akin.

"Felicia"

"Oh nandiyan ka na pala"

"I won't make this long aalis na rin ako"

"Bakit? May problema ba?"

"Gusto kasi nila mom na mag aral na ako sa States"

"Okay lang yun bakit ka ba bothered?"

"Di ko kaya ng Long Distance Felicia mahihirapan tayo pareho"

"So anong ibig mong sabihin?"

"Mag break nalang muna tayo Felicia" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis siya at naiwan naman ako dun na nakatulala.

After 10 years..

Felicia's POV

"Ma'am may nagpabigay po invitation daw"

"Invitation saan?"

"Sa kasal Ma'am at hinihingi pa na ikaw ang tumugtog ng wedding song nila"

"Ah Sige Kailan ba yan?"

"Sa susunod na araw na po Ma'am"

"Ah Okay Salamat"

--On the day of the Wedding--

Nagsimula na akong tumugtog ng piano at Lahat sila ay tumayo halatang halata na masaya yung dalawang ikakasal at masakit naman sa part ko Bakit? Ang lalaking ikakasal ay ang lalaking mahal ko

Bakit?

Bakit kailangan maramdaman ko yung ganitong sakit?

Napatigil ako sa pagtugtog tulo lang ng tulo ang luha ko napatingin ako sa kanya kay Caith gulat na gulat siya.

"Felicia!" At sa puntong iyon tumakbo na ako palayo, Palayo sa sakit na nararamdaman ko Sana..Sana nga.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon