What Hurts The Most

48 0 0
                                    

Lia's POV

"Lia Sige na please! Pumayag ka na!"

"Lei wag ka ng makulit hindi nga"

"Sige na nga! Alis na muna ako ha may ipapasa pa akong project"

"Okay!" Napabuntong hininga nalang ako habang pinapagmasdan siyang papalayo, Alam niyo ba yung feeling na nandiyan siya pero di mo maabot abot dahil may iba siyang mahal? Ako pala si Lia at si Lei naman ang bestfriend ko ang taong nagmamay-ari ng puso ko.

Pumasok na ako sa klase at di rin nagtagal ay uwian na

"Lia!"

"Oh Ano nanaman Lei?"

"Hatid na kita?"

"Wag na Lei Kaya ko na" Ang hindi ko lang kaya ay indain ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Dali na!"

"Bakit di mo ihatid si Samantha? Siya ang girlfriend mo."

"Yun nga eh, Nag-away kami kaya kailangan ko ng tulong mo"

"Hay Sige na nga pero may libreng pagkaing kasama to ah!"

"Oo na po Ma'am takaw" pinisil niya ang ilong ko at tumawa siya

"Ouch Masakit ah!" pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon na kasama kita pero iba ang nasa puso't isipan mo. Ano na naman ba itong pinasok mo Lia! Pero ganun talaga mahal mo kaya di mo maaayawan eh

"Hoy Lia! Tara na" Nauna na siyang maglakad papunta sa kotse niya at sumunod na lang ako at pumunta kami sa mall.

"Ano gagawin natin dito?"

"Edi tulungan mo akong bumili ng sorry gift"

"Ahh Okay" pumasok kami sa mga boutiques at kung ano ano ang pinasukat niya sa akin at sa wakas nakapili siya ng isang white dress at bumili din ng heels.

"Tapos na ba Lei? Gutom na talaga ako" natawa siya sa sinabi ko at pinisil nanaman ilong ko aba't nakakailan na to ah kung di ko lang to mahal baka nasipa ko na to!

"Last na to Lia promise tapos kakain na tayo"

"Sige na nga" pumasok kami sa isang jewelry store at bumili ng necklace at sa wakas pumasok kami sa isang Italian Restaurant at kumain.

Pagkatapos ay hinatid niya na ako sa bahay

"Thank You talaga Lia! Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka"

"Talaga lang ha?"

"Oo naman! Bestfriend kita diba? Para na tayong magkapatid" tumawa ako sa sinabi niya

"Sige na Lei umuwi ka na"

"Okay Good Night! Love you Bes!" kinawayan ko nalang siya hangga't makalayo na siya at doon na tumulo Ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Lia bakit pa kasi sa dinami dami ng magugustuhan mo bestfriend mo pa?!" pumasok na ako sa loob at natulog.

Weeks went by at sinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral para malimutan ko ang sakit na ito. Iniiwasan ko din si Lei dahil kung patuloy lang kaming ganun parang pinatay ko nalang din ang sarili ko.

•BOOG BOOG BOOG BOOG•

"Saglit" binuksan ko ang pinto at ang bumungad sa akin ay isang lasing na Lei

"Hoy Lei!"

"Ano ba Lia Wag ka sumigaw!"

"Paano ako hindi sisigaw eh kalagitnaan ng gabi kakatok ka sa pinto ko lasing ka pa!" Isasarado ko na sana ang pinto pero naharangan niya iyon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon