CHAPTER 1: Finding U.V Pen

93 0 0
                                    

On the next day:

10:30A.M. habang naglalakad ako sa hallway sa Building B, Saktong tumunog ang bell at naglabasan lahat ng estudyante,  may nalaglag na notebook na kulay itim. "Miss! Miss!" hindi ako narinig ni Ate.. Hala ang dami ng tao, hindi ko na siya nakita pa! Hindi siya katangakran, balingkinitan ang katawan, katamtaman ang kulay, pero ang lakas ng dating niya sa akin,kaso hindi ko nakita ang kanyang magandang mukha... ^_^

Paano na yan, hindi ko maibabalik eto sa kanya at hindi ko siya kilala.. Dahan dahan ko tiningnan ang itim na notebook at napansin kong wala itong nakasulat maliban sa initial na S.S.

"Sino kaya ang nagmamay-ari ng notebook na ito?".

01:30PM

kriiingg! Kriing! 

Ayan labasan na at buti na lang wala kaming assignment sa accounting, medyo hirap ata ako doon. Kaso etong Literature ang nagimbak sa akin ng madaming trabaho, nakaka inis -_-.

Habang nag-aayos ako ng gamit ko, nalaglag ko ang notebook na itim. Sinuri ko itong mabuti. Hindi ko malaman kong may nakasulat eto, napansin ko lang noong hinawakan ko ang bawat pahina may mga makakapa ka na sulat kamay.

May naiisip akong paraan! :)

Di kaya ginamitan eto ng Magic pen, yung ballpen na invisible pero pag inilawan mo ng U.V magiging visible na ang mga makikita mo! Oo nga!

Saan ba ako makakabili nun, oha! sa National bookstore sa tabi lang ng school meron doon mabibilhan! Teka uwian na namin tamang tama..

Habang patakbo na ako sa National Bookstore, may nabangga akong babae. "Ay sorry miss!" nakuu naman naka-abala pa ako. Mukhang pamilyar yung babae na nakabangga ko. Hmm.. Ay oo nga pala, yung pinunta ko dito ^_^.

"Miss meron ba kayong  ballpen na nagiging invisible na may ultra violet?" "Ay sorry po, wala na po, saktong sakto naubos ang last stock namin kabibili lang nong babae naka banggaan niyo kanina". Sabi ni Ate.  Ay nakuu po sayang di bale hahanap na lang po ako sa iba ^_^ salamat po! 

Pumunta na ako ng starmall at pumunta sa Office Warehouse bilihan ng ballpen, wala. Pumunta na ako ng SM Megamall, WALA pa din. Pumunta na ako sa SM Centerpoint, WALA pa din.. 

Pagod na pagod na ako, ipagpapa bukas ko na lang muna eto.

Pagka uwi ko, direcho na ako sa kama at pagod na pagod na ako..

THE BLACK NOTEBOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon