CHAPTER FOUR

16 2 0
                                    


Pagkalabas ko sa clinic ay dumiretso na ako sa apartment namin ni Gai, nahimatay lang daw ako dahil sa kinakabahan ako sa mangyayari sa akin. Naparusahan na yung girls na nangt-gera sa akin.

Maliban dun sa leader nila, yung super ganda, mala super model ang ganda... 

Nakatingala ako sa maulap na langit, ano kaya ang ugali ko ngayon kung hindi nangyari ang aksidenteng yon? 

Paakyat kami ng baguio buong pamilya, sumama sina Gai at ang mama niya. 

Ikinuwento sa akin ni Mama iyon. 

Ang sabi niya ay naaksidente kami at nahulog sa bangin. Nasa front seat kami ni Gai kaya daw nabagok ang ulo naming dalawa, and my Daddy passed away because he's the driver. 

Pero kahit anong kwento sa akin ni Mama about the past, wala pa ring bumabalik sa memories ko. Hay! 

"Ah!" napatili ako dahil may nambasa saakin. Her smiling eyes flashed because of her genuine smile. Binelatan niya pa ako. 

"Hoy! Bakit ka nambabasa?!" inis kong sabi sakanya. 

"Ang asim kasi ng kili kili mo, ang lakas pa ng loob mong mag sleeveless!" 

"Grabe! Kaliligo ko lang kagabi, ah!"

"Bleh! Maasim!"

Hinabol ko siya at hindi na kami natapos mag dilig ng halaman. 

Ang sayang bumalik sa pagkabata, lalo na kapag kasama mo ang bestfriend mo.

Natigilan kami nang may bumusina sa harap ng bahay. 

Nagkatinginan kami ni Gai at naglakad paounta sa gate.

"Sino po sila?" tanong ko. Pero walang sumasagot. Hinawakan ni Gai ang braso ko at umiling. 

Nagulat kami at napatiling impit dahil sa hinampas ang gate namin.

"Ano ba?! Wala kaming pera dito!" 

"Alam ko!" 

Nagkatinginan kami ni Gai sa sumigaw sa labas, agad naming binuksan ang gate. 

"Tristan!" niyakap namin ang gagong lalaki na mahilig manakot.

"Ang gwapo ko naman! Dalawang sexyng babae ang yumayakap sakin habang basang-basa!" sabi niya at niyakap kami pabalik.

"Saan ka galing?" tanong ko. 

"Sa Manila, nag-audition ako sa IMG models, nakuha ako. At shoot kami ng 3 months! Ang daming sexy at magaganda!" kwento niya.

Hinampas naman ni Gai ang braso ni Tristan. "Hoy! Ang kuya mo?"

"Uhm..." kinamot ni Tristan ang batok niya. Alam ko nang may mali sa gesture na iyon ni Tristan.

Tinignan ko ang bestfriend ko. Yumuko siya at halatang malungkot. 

"I'm going to confess you something." aniya. Tinignan namain ni Gai si Tristan. "K-Kuya Jake is having an affair with our manager." nangnginig na sambit ni Tristan.

Tumulo ang luha sa mata ni Gai at tumakbo siya papasok ng apartment naming dalawa. 

"Bes!" tawag ko sakanya. 

"Clay." natigilan ako sa pagtawag ni Tristan sa palayaw ng second name ko, Mika Kleo.

Liningon ko siya.

"Please comfort her." aniya. "I'm afraid that she might never flash those smiles kapag kasama natin siya." 

Tumango ako. "Umuwi ka na. Mag-ingat ka, okay? I love you." hinalikan ko ang pisngi niya.

"I love you too.... Clay." aniya.

It's normal na mag-I love you ka sa isang taong imprtante sa buhay mo, Tristan is one of the most bes bestfriends I've ever met. 

Hinintay kong maka-alis ang sasakyan ni Tristan bago ako pumasok ng bahay.

"Bes?" binuksan ko ang kwarto namin dalawa. Nakita ko siyang nakayakap sa tuhod niya at humihikbi. Fuck you Jake. 

Hinaplos ko ang likod niya at niyakap siya. "Bes, hindi mo siya deserve. Sobrang ganda mo para sakanya." kino-comfort ko siya na may halong jokes. I just want to see her smile.

"Ang asim mo." biro niya at tumawa siya, pero tuloy pa rin sa pag-iyak. 

"Alam ko." pinunasan niya ang luha at sipon niya gamit ang damit niya. "Ew."

"Ew ka jan." tumawa nanaman siya habang umiiyak.

"Bes, labas tayo bukas ng sunday?" tanong ko sakanya. "Bibili tayo swiss knife nang mataga natin yang ex mong malandi." 

"Ibigti na lang kaya natin." tinignan niya ako at sabay kaming tumawa. "Yaan mo, bukas makalawa, nakamove-on na ako. Maghahanap ako ng pogi." 

"Sige, game ako jan." 

All About HER : The Pabebe DiariesWhere stories live. Discover now