Nung una ko silang nakita

14 1 0
                                    

Ako si Bella Brionne, 18 years old, at currently experiencing poverty.
Why?
Kasi my mom is a filipino housewife and my dad is an American doctor.
Nag divorce silang dalawa at sumama ako kay mommy kasama ang kuya ko.
Ang panganay namin na kuya at ang bunso naming kapated na babae ay sumama kay daddy sa America.

So anyways, ngayun nag eempake ako dahil lilipat kmi sa mas maliit at mas murang bahay.

Kumatok si Kuya
*knock knock*

"BB?"

Aww i forgot to tell you. BB is my nickname. Since na yun ang initials ko, nasanay silang lahat na yun ang itawag saakin.

"Bakit kuya?" Tanong ko pagkatapus ko buksan ang pinto ko.

"Ok na lahat? Andun na yung truck para makalipat na tayo."

"Ah. Etong mga pictures nalang. Paki baba na yung ibang box."

"Sige" binuhat ni kuya ang mga box ko pababa.

Inimpake ko na mga picture frames sa kwarto at nilagay ko sa box.
Binuhat ko na yung box at bumaba ng hagdan.

Sa sobrang laki ng box dko masyado makita yung hagdanan, kaya dahan dahan ako humakbang.

Pero sumobra ako ng isang hakbang kaya nadulas yung paa ko. Sa sobrang bilis. Napapikit nalang ako.

"Uy!" Sinabi nang narinig kong boses... nang marinig ko yun dumilat ako. Wow. Nasalo pala ako.

Nino? Ni Calvin Santos. Best friend ko? Hinde haha. Best friend ni kuya.
Highschool palang magkaibigan na sila so parang kuya ko naden sya.

"BB! Ok kalang?" Tanong nya sakin.

Tumayo ako ng maayos at sumagot ng
"Ayos lang hahaha. So ano di moko tutulungan?"

"Hahahaha kapal ah! Akin na nga!" Kinuha nya saken at pumunta sya dun sa truck.

Pumunta muna ako sa kitchen para uminom ng tubig at sumunod papunta sa truck.

nakita ko siya kausap si kuya.

"Salamat ah. Tatlo nalang kasi kami magkakasama. Kaya kailangan ko talaga ng tulong." Sinabi ni kuya kay Calvin.

"Okay lang yan Steve, pano nyo mababayaran yung upa sa bahay pati yung mga gastusin nyo?" Tanong ni calvin.

"Si mommy masama pa pakiramdam pero siguro babalik sya sa pagiging teacher, tatanggapin parin daw naman sya nung school natin dati.
Ako naman nagna-nightshift sa mcdo. Si BB naghahanap ng matatrabauhan para daw kahit papano sya na bahala sa mga kailangan nya."

Sabi naman ni Calvin "ay pre kung trabaho para kay BB gusto mo i-apply ko sya sa Coffee shop ni Tito? Alam ko naghahanap sya ng makakatulong sa counter pati sa kitchen eh. Marunong ba si BB ng ganun? Malapit lang den naman yun sa lilipatan nyo."

"Ay oo pre! Tinuruan sya ni mommy dati! Salamat talaga ah." Sagot ni kuya.

"Wala yun pre."

Fast Forward~

Tapos na ako mag unpack ng mga gamit ko at naka ayos na lahat dto sa kwarto ko. Maliit lang yung bahay pero may kanya kanya kaming kwarto.

Si mommy at si kuya tapos naden kaya hapon kami natapos mag ayos ng bahay.

Si mommy nagpahinga na pagkatapos kumain tas si kuya nagpahinga ng saglit at umalis papunta sa trabaho nya.

Nag hugas ako ng pinggan at umakyat ng hagdan.

Sa dulo ng hagdan ay may nakasabit na picture nameng tatlo. Pag lumingon ka sa kanan, sa gilid ng picture namen, ay pinto ng kwarto ni kuya. Sa kanan naman ng pinto ni kuya ay ang pinto ng kwarto ni mommy. At sa tapat ng pinto ni mommy ay ang pinto ng kwarto ko.
Parang maliit na iskinita ang nasa tapat ng mga kwarto namin, kaya ang pagbukas ng pinto ay paloob ng kwarto.

BB: Happy - A Messed Up Cinderella StoryWhere stories live. Discover now