"BB." Narinig ko habang nananaginip pa ako.
"BB!!!!" Lalong lumakas yung boses.
Nalaman ko ginigising na pala ako ni kuya."Huy! Malelate kana! 8am to 8pm ka diba? Habang summer pa bawal ka mag half day!" Sabi saken ni kuya.
Pagtingin ko sa cellphone ko 7:30 na...
Bumangon ako at nag shower ng mabilis.
Pagkatapos ko magbihis bumaba ako.
"BB si mommy nagluto ng pagkain bago sya umalis kanina. Kumain ka muna." Sabi saken ni kuya.
Pag baba ko nang hagdan may naghihintay pla saken sa baba.
"Good morning BB~ kain na! Papunta naden ako kila tito kaya sabay na tayo." Nginitian ako ni Calvin.
Napangiti ako at sumagot ng "onti lang kakainin ko bka malate ako. Ayaw ko mapagalitan."
"Di ka papagalitan ni tito nuh~ kaibigan kita eh."
Kaibigan... hahahahaha yun pla tingin nya saken.
"Ayaw ko nga ng magkaibigan lang tayo eh." Nasagot ko sakanya.
"H-ha?? " napakamot si Calvin sa batok nya.
"Pwe dati kapated tawag mo saken ngayon kaibigan nalang? Ang harsh ayaw na nga kita maging kuya!" Dinagdag ko... phew... bakit ba kasi lumabas pa sa bunganga ko yun..
"Hahahaha.... sorna... e-edi mas lalong hindi ka papagalitan dba? Hahaha" sagot nya saken.
"Mali parin yun. Kawawa naman si Margaret kung ako palaging late tapos sya ang aga nya."
"Hahaha ang bait mo naman pala. XD"
"Ewan ko sayo. Tapos nako kumain. Kung magtatagal ka pa dyan mauuna nako byee~" kinuha ko bag ko at naglakad papunta sa pintuan.
"BB! Wait lang sabay na nga tayo eh!" Kinuha nya bag nya at sumunod saakin.
Fast forward~
Nasa cafe na ako at ang daming tao. Kaming dalawa ni Margaret hingal na hingal kaya pati si calvin at si tito ken tumulong naren.
Maya maya may pumasok na isang lalaki.
"Welcome to Kennedy's coffee shop" nagsalita si Margaret.
Nang makita koyung pumasok bigla akong nagtago sa likod ng counter, umupo ako para hindi ako makita.
"Good morning. Pa order ng green tea latte and a fresh bagel please." Narinig ko na sinabi nya.
"Thank you for ordering sir." Sagot ni Margaret habang nakangiti.
Ilang minuto nakalipas...
"Bella... anong ginagawa mo dyan?" Tanong saken ni Margaret.
"Ha? Ah.. kasi ano... may hinahanap lang ako na nahulog ko sa sahig hahahaha..." sagot ko sakanya habang ninenerbyos.
"Hanapin nalang naten mamaya. Pakiserve to sa costumer." Utos sakin ni Margaret. Diko sya kaya tanggihan. Kaya lumapit nalang ako dun sa lalaki.
Sino yung lalaki?
Yung moreno na nabangga ko kagabi... nandun sya sa table number 2.. nagtatype sa laptop nya..
Huminga ako ng malalalim at lumapit sakanya kasama ang kanyang mga inorder.
"Here is your order sir. Enjoy." Sinabi ko sakanya ng nakatingin ako sa gilid para di nya makita muka ko.
"Ah thank you-" napatingin pa sya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/85881923-288-k136599.jpg)
YOU ARE READING
BB: Happy - A Messed Up Cinderella Story
Novela JuvenilLumipat ng bahay si Bella Brionne bago mag end ang summer at nag expect sya na mamumuhay sya ng simple. Pero nag iba yun nung lumipat sya ng bahay. Nalaman nya na may makikilala syang mga lalaki dahil sa bahay nayun, at ang mga lalakeng yun ang mag...