"Hindi." Sinabi ko sakanya pagkatapos ko syang itulak palayo saaken.
"Hindi moko naiintindihan Bella... pagkatapos mawala ng nanay ko.. itinurin akong batang hindi karapat dapat sa mundo nato...Ikaw... ikaw lang ang unang tao na nag bigay saken ng pagmamahal na katulad ng binigay saken ng nanay ko." Sabi nya saaken...
"Ginawa kolang yung kailangan kong gawin... bakit mo ipinaghahalo ang pagsasalamat mo at ang pagmamahal mo? Imbis na mag pasalamat ka saaken. Baket biglaan mo akong hinalikan??" Tanong ko sakanya. Sa aking galit habang nagsasalita.. napatayo ako habang nagsalita sakanya.
Sabi ko. "Naiintindihan ko... kinailangan mo ng pagmamahal.. pero simpleng tulong lang ang ginawa ko... nag alala ako. Kaya ginawa ko yun. Pasensya na kung iba ang naisip mo." Bago pa sya makasalita, umalis ako ng kwarto at tumakbo palabas ng mansion.
Ng nakalabas na ako ng mansion. Na bangga ko nanaman yung morenong lalaki. Si Dave...
Ng mabangga ko sya... nagalit ulit sya katulad nung nabangga ko sya nung una kaming nagkita.
"Naalala na kita. Ikaw yung bagong kasambahay na nakabunggo saaken diba?? Ikaw den yung nagtatrabaho doon sa cafe na pinupuntahan ko palagi." Tanong nya saaken.
"Sorry pero hindi po ako katulong...." sagot ko sakanya.
"Edi... bakit ka nasa loob ng mansion nung araw nayun??" Tanong nya saken.
"U-uhh... kasi po..." napatagal ang pag isip ko ng rason...
"Di mo na pala kailangan sagutin yun.... alam ko na..." sabi nya saaken. "Sa susunod. Tumingin ka sa dinadaanan mo. Ayaw ko ng mabangga mo ulet ako." Dagdag nya sa sinabi nya.
Nang tumalikod sya nagsalita ulet ako.
"Wala kaming kahit anong relasyon. Hindi na kita mababangga. Kasi hindi na ako babalik sa bahay nato." Pagkatapos ay umalis na ako at naglakad pauwi.Pag uwi ko ay ganun parin katulad ng dati.... si mommy nagpapahinga at si kuya ay nasa trabaho nya ulet... napansin ko.. simula nung nagkabitakbitak ang family namen... hindi na kami masyado nag fafamily bonding... puro nalang trabaho.. trabaho.. trabaho.. para lang makapagbayad ng bills at maka bili ng mga kailangan...
Umupo ako sa aking kama... at hindi ko manlang namalayan.. napahiga at nakatulog na pala ko..
Kinabukasan nagising ako ng maaga... naligo. Nagbihis. At nag ayos na ako. Pagkatapos pumunta na ako sa coffee shop ng tito ni Kuya Calvin.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa cafe...
"BB! Naks naman! Ang aga mo ah!" Sigaw ni Kuya Calvin habang nakangiti.
"BB? What's the meaning of this? May boyfriend kana?" Narinig ko na boses galing sa likod ko.
Pagkalingon ko nakita ko ulet sya. Si Arthur...
Napatitig lang si Calvin sakanya at tumingin sya sakin na parang nagtataka sya kung anong nangyayari.
"Ilang taon kna ba? Wag mo sabihin ang bata bata mo pa may boyfriend kana agad!" Sigaw nya saakin. Dahil sa sobrang lakas ng sigaw nya.. napatingin lahat ng costumer sa cafe.
Hinawakan ko yung isang balikat ni Arthur . "Uhmm.. Arthur... can you sit down for a bit please?"
Pinaupo ko sya sa isang table kung saan nakaupo si Calvin sa tapat nya.
Si Calvin naman nakatingin lang sya Kay Arthur habang iniinom nya yung Frappuccino nya.Tumayo nanaman si Arthur at tumingin ako sakanya. Yung titig na nagsasabing [makuha ka sa tingin. Umupo ka ngayun na.]
Napatitig sya at sinabi nya saken. "M-mag oorder po ako..." habang nakatungo.

YOU ARE READING
BB: Happy - A Messed Up Cinderella Story
Teen FictionLumipat ng bahay si Bella Brionne bago mag end ang summer at nag expect sya na mamumuhay sya ng simple. Pero nag iba yun nung lumipat sya ng bahay. Nalaman nya na may makikilala syang mga lalaki dahil sa bahay nayun, at ang mga lalakeng yun ang mag...