Chapter5-Bestfriend

40.6K 539 49
                                    

Salamat po sa paghihintay! Pasensiya kung ang tagal kong mag-edit. Nakokornihan kasi ako sa mga pinagsususlat ko at the same time natatawa, hindi ko akalaing nagawa kong magsulat ng ganito kakorning bagay! Hahahahaha! xD 

Enjoy Reading! =)

===================================================

Chapter5—Bestfriend

—Joanna’s POV—

“Dahil ano?!”

 

 “DAHIL INIWAN MO AKO!” napatigil naman ako dahil sa sinabi nito.

Dahil sakin? Ako pa ang may kasalanan? Alam kong magiging rebelde ito sa pag-alis ko pero, pero hindi ko naman akalaing ganito ang mangyayari sa kanya. Hindi ko akalaing magiging ganito sya kalala! Bigla akong nakonsensya sa pang-iiwan dito.

 “So… sor—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla ako nitong niyakap.

“Nagbalik kana, sawakas nandito kana ulit.”  bulong nito habang nakayakap pa rin sakin ng mahigpit, yung yakap nito ay yung tipong ayaw na akong pakawalan.

“Yeh, Im back. Pasensiya kana kung masyadong matagal.” Ginantihan ko ang pagyakap nito sakin.

Naramdaman ko ang bahagyang pag-iling nito. “Ang mahalaga nandito kana.” sabi nito habang nasa leeg ko ang mukha nito, ramdam ko ang pag-amoy nito sakin. “Hindi pa rin nagbabago ang amoy mo.” Bahagya naman akon g nailang. Ang awkward ng feeling ko, dati naman niyayakap din ako nito pero bakit ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko? Siguro dahil namiss ko lang ito. Tsk. Baka nga namiss ko lang ito.

*Cough*

Bigla akong napalayo kay Mark,  nakalimutan kong may ibang studyante pa nga pala dito tapos nagyayakapan  kami! Napatingin ako sa kanila, nakatingin lang silang lahat samin. Ehh?! Kahiya! >_____<

 Ang tahimik kasi nila kaya agaw pansin  yung lalaking umubo. Nagsitinginan naman yung ibang studyante sa studyanteng yon pagkatapos ay pinagsasapok ito.

“Panira ka ng moment, Fre!”

“Oo nga!” Pagsang-ayon naman nung iba.

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER (AVAILABLE NOW IN DREAME)Where stories live. Discover now