Kabanata 12: Proposal

3.9K 78 4
                                    






This is it!

Whoaah! Kinakabahan ako. Ang lakas nga ng kabog ng puso ko.

Napatingin ako sa relo ko. Alas 9 na ng gabi pero wala pa sya. Usapin namin alas otso. Sinadya kong mauna dito sa restaurant nina Brent at Alex para makasiguro na ayos na talaga ang lahat.

"Gabriel Jake De Jesus, can you please calm down. Kami ang nahihilo sayo sa paroo't parito mo. Para kang pusang hindi maihi." bulyaw ni Alex.

Geez! Anong magagawa ko, sa hindi ako ma-relax eh. At isa pa kabado talaga ako. Tsaka bakit nga ba hindi pa sya dumarating.







"Uy mga bro, mag ready na kayo papasok na si Dane" malakas na sigaw naman ni Justin.





Pigil hininga ako ng matanaw ko sya. Napakaganda nya talaga sa suot niyang tube dress na pink na hindi man lang umabot sa mga tuhod nya! Napatingin ako sa mga kaibigan kong titig na titig din kay Dane. Parang gusto kong magwala at pagdudukutin ang mga ng mga walang hiya kong kaibigan. Wala silang karapatang titigan ang Love ko!




Ehem! Sinadya kong tumikhim ng malakas para makuha ko ang atensyon ng mga ugok kong kaibigan. Oo nagseselos ako! Gusto ko ako lang ang titingin kay Dane.

"Bawal titigan ang future wife ko, mga ugok! "

"Hoy! Gab, huwag kang mag-assume agad-agad. Di ka pa nga nagpo-propose dyan." - Alex

"at mas lalong hindi ka pa nya sinasagot" - Brent

"May chance pa na maagaw ko sya sayo"- Justin

Naaasar na binigyan ko sila ng masamang tingin.

At pwede bang ipa-salvage ko sila ngayon din mismo!

Sinimangutan ko lang sila. Panira ng mood eh.

***

Halos mapigil ko ang hininga ko ng tuluyang makalapit si Dane sa akin ng nakangiti.

"kuya" sabay halik sa pisngi ko. "asan ang food, nagugutom na ako!" hyper na tanong nya.

Napailing na lang ako. Ang takaw nya talaga.

Hinila ko sya at dinala sa table na nakalaan para sa amin.

"wow! Ang daming pagkain. Paborito ko pa lahat".

Agad siyang umupo. Hindi man lang hinintay na ipaghila ko sya ng upuan. Babaeng to talaga!

Nilagyan ko na lang ng pagkain ang pinggan nya. Nag-umpisa na syang kumain ng hindi man lang ako inaalok. Ni hindi nga nag thank you eh. Napasulyap ako sa kabilang table kong saan nakaupo ang mga kaibigan ko. Gusto ko silang bigwasan ng makita kong pinagtatawanan nila ako.

Itinaas ko na lang ang middle finger ko sa kanila, yong hindi mapapansin ng Love ko.


"hmmm.. "kuya" bat hindi ka pa kumakain?

Sa wakas napansin nya rin.

"Tingnan pa lang kita love, busog na ako."

"hmmmp. Bolero ka,kumain ka na nga lang". Sabay lapit nya ng kutsarang hawak nya sa bibig ko, na agad ko din namang tinanggap.

Magana kaming kumain.

*****

Nang matapos kaming kumain niyaya ko syang sumayaw. Binigyan ko ng go signal ang mga kaibigan ko na i-play na ang paboritong kanta ni Dane.

Mahal Kita Kuya! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon