sorry medyo late ang post ng update :))
eto na po.. marami lang talagang ginawa :))
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 18
LUCKY
RODNEY’S POV
Ilang araw nang malungkot si holly. Yah, nanliligaw parin ako sa kanya pero bakit parang hindi siya masaya? Ganun ba kalakas ang pagkakatulak ko sa kanya at hindi na siya makabalik pa sa akin ng buong buo? Oo araw araw kasama ko siya,pero feeling ko she’s physically present but mentally absent.. waaaahhhh RENZ dinala mo na ba ang puso ni holly?
“rodney please, nasaan ba kasi si renz?” ganito kami araw araw. Kukulitin niya ako kung alam ko ba kung nasaan si renz. Kung hindi ko nga lang mahal tong taong to, malamang iniwan ko na to sa kalsada. Napahinga nalang ako ng malalim at tinignan siya. “seriously holly, hindi ko talaga alam.” And that, i left her.
Isang linggo na ang nakalilipas pero puro renz nalang ang bukambibig niya. Naiinis ako sa sarili ko. i always blame myself kasi iniwan ko siya. Napunta ako sa soccer field. Nagpapractice ang soccer team at naupo ako sa grass at nanuod sa kanila.
Ano bang meron si renz na wala ako? Ano ang nakita ni holly sa kanya? Ganito din ba si holly nung patay na patay ako kay bridgette. Ang hirap pala.
“ang lalim naman ng iniisip mo.” Napatingin ako sa nagsasalita. Si bridgette pala. I smiled at her.
“si holly ba?” i nodded. Narinig ko siyang nagbuntong hininga.
I feel great kasi nandito ang mga kaibigan ko. hindi nila ako iniiwan. Kami ni bridgette? Walang awkardness sa aming dalawa. Palagi niya akong dinadamayan sa tuwing may problema ako, expecially with holly.
Ilang minutong walang nagsasalita sa amin then finally, she broke the ice.
“minsan kailangan mo siyang pakawalan.” Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa malayo.
“anong ibig mong sabihin?” she smiled at me at nagkatinginan kami. “alam mo rodney, may mga bagay na akala natin sa atin na, pero hindi pa pala. Minsan kailangan mo itong pakawalan para malaman mo kung para sa iyo ba ito.”
Napaisip ako sa sinabi ni bridgette. Kanina pa siya nakaalis pero, tulala parin ako doon at nag iisip.
Ano ba ang kailangan kong gawin holly?
BRIDGETTE’s POV
Nakita ko na naman si rodney na malungkot. Ganun ba talaga kapag nagmamahal ka? Titiisin mo ang lahat ng sakit? Di ba para ka namang tanga nun? Kasama ba talaga sa pagmamahal ang pagiging tanga?
BINABASA MO ANG
WATCH OUT! MS. MAN HATER (WHEN THE CASSANOVA MEETS THE MAN HATER)
General Fictiona casanova is born to make a man hater fall. will he succeed or it will turn out the other way around? isama pa ang magulong love story ng barkada... successful kaya ang story nila pati na ang story ni author?? wahahahah XD