Ako si Neil Fernandez ng Grade 7, pilot section. Normal akong tao, may kaibigan kahit konti, may mababait sakin, wala akong kaaway, at matataas ang grades ko. Ayos na sana ang normal at payapa kong buhay, kung hindi lang ako isang pangit at matabang tigyawat na tinubuan ng mukha.
.
.
.
Tick..... Tock...... Tick...... Tock...... Tick....... Tock.....
.
.
KRIIIIIIING!!!
.
.
.
Mula sa malawalking dead naming classroom, naresurrect ang lahat ng narinig namin yung bell, isang hudyat na tapos nanaman ang isang araw sa paaralan.
"Neil! Tara punta ka muna sa bahay ko! Tapusi natin yung project sa science." Sigaw ni Ella nang nakalabas ako ng skul.
"Tara tara." sagot ko ng lumapit sya sakin.
Girl best friend ko si Ella, maganda sya, matalino, medyo may kaliitan, mapayat ( not to mention sexy ), maputi at makinis ang balat, at higit sa lahat, maganda ang ugali niya.
Simula ng una ko syang nakita ng Grade 4, naging kaibigan ko na siya hanggang ngayon.
Ang masaklap, sa tatlong taon na iyon, halos sampu na ang mga naging ka relasyon niya. Ang nakakainiss pa don, ako ang kandungan niya pag nakikipag break na. At sa mga naging karelasyon niya, waka ni isa ang naging 3 months pa niyang boyprend.
Oo, crush ko siya, hinahangaan kang naman, kase ayokong mainlove sa kanya, lalong ayokong masaktan dahil sa pag ibig, at pinaka ayokong mangyari ay ang maputol itong pagkakaibigan namin, kaya hanggang ngayon, wala pa din akong move para manligaw.
.
.
.
Nakapunta kami ng bahay niya, na medyo malapit lang naman sa skul.
"Oi, dala mo yung art materials?"tanong ko.
"Oo naman, bat hinde?"
"Tara matapos na, nang makauei ng maaga."
"Sige sige, tara magawa na."
.
.
.
Natapos yung pangit naming project finally! Medyo maganda, oraganized, maganda yung presentasyon, ayos lang yung content, at may mga designs, kaya eto, tapos na yung master piece na sketch at essay tungkol sa utak ng tao.
"Oi uwi nako" pagpapaalam ko.
"Teka teka, may papakita pa ko sayo."
Interesado ko sa ipapakita niya, una dahil chat ito sa Fb at pangalawa, dahil chat ito sa Fb. Lumapit ako.
"Ano ba yan?" Tanong ko.
"Chat namin ng crush kong Grade 8 , ambait at ang sarap niyang kausap."
"Crush nanaman!?! Mag aral ka muna!"
"Mag aaral nga, ayaw naman ata niya kong ligawan ehhhh, bahala siya sa buhay niya"
"Ano bang pangalan ng lalakeng yan?"
"Sya yung pinakasikat at gwapo sa Grade 8, siya si Blue."
