Her first relationship didn't really work the way she dreamt it to be. He left her for someone else.
So when she met someone who made her felt the same way she felt with her past love, she was afraid. Afraid that he would also let her go.
She just...
2 months. 2 months na din pala yung lumipas. At sa loob ng 2 months na yun, wala, umiyak lang si Roxanne. Ang bobo diba? Sobra. Pero nasaktan siya eh. May karapatan naman siguro siya umiyak.
Napabuntong hininga na lang siya at napatingala sa langit. Walang masyadong ulap. Kitang-kita ang bughaw na kulay ng langit. Nasa parke siya ngayon malapit sa bahay nila. Nakaupo sa may swing.
Napasimangot pa si Roxanne ng naramdaman niyang may nakatayo sa tapat niya. Napatingin siya dito at nanlaki ang kanyang mata. May lalaking nakatayo sa harap niya. Matangkad at cute. Maputi tapos medyo malaki ang mata nito. Yung buhok nito na ay nakatayo, naks, halatang madaming gel ang inaksaya. Nakablack-shortsleeves shirt, black pants tapos bluish na rubber shoes. Airmax. Iba din, papayaman.
"Hi Gab, orenmaniya(1)," nakangiting sambit ng lalaki.
Si Roxanne naman ay nakatingin padin sa lalaki. Di niya alam ang sasabihin. Napatayo siya at niyakap ang lalaking iyon. Napangiti naman ang lalaki at niyakap din siya.
"Halatang namiss mo ko," tukso ng lalaki na sinagot naman ni Roxanne ng tulak. Tinulak niya yung lalaki palayo sa kanya.
"Gago kang kwago ka. Umuwi ka na pala, di ko man lang alam," naiinis na sabi ni Roxanne. Lumawak naman ang ngiti ng lalaki at ginulo ang buhok ni Roxanne.
"Surprise?" nakangiting sabi ng lalaki at umirap na lang si Roxanne sa kabaliwan ng lalaking to.
"Lokohin mo lelang mo, Joseph Kevin Llan. Galit ako sayo," inis na sabi ni Roxanne habang inaayos yung buhok niya. "Best friend mo ko pero di ko man alam na uuwi ka na pala dito galing South Korea? Nakakainis ka," saad niya pa at tiningnan si Joseph Kevin ng masama na ikinatawa lang naman ng huli.
"Ang ganda mo padin. Bagay sayo ang blonde na color sa buhok," komento ni Joseph Kevin at nagkibit balikat naman si Roxanne.
"Alam ko JK. Di mo na kailangan na sabihin. Maganda talaga ako," seryosong sabi ni Roxanne na ikinatawa ni Joseph Kevin.
"Ang lakas. Yan namiss ko sayo eh. Yung angas at yabang," natatawang sabi ni Joseph at inakbayan si Roxanne. "Alam mo bang umuwi ako para sayo?" biglang sabi ni Joseph at napatingin naman sa kanya si Roxanne. "Last last month kasi may tumawag sakin. Grabe yung iyak. Eh may promise ako na kailangan tuparin, diba?" nakangiting sabi ni Joseph.
"Kapag may nagpaiyak sayo, sabihin mo lang, uuwi ako."
Napataas naman kilay ni Roxanne. "Ahh umuwi ka para sakin. Kaya pala 2 months ago pa ako tumawag, ngayon ka lang dumating JK-owl," sabi ni Roxanne at tumango-tango pa. Halatang nag-iinis.
"Eh syempre nag-asikaso pa ng papers. Dito na din ako mag-aaral ulit, Gab," sagot naman ni Joseph Kevin. Napangiti naman si Roxanne. Tumalon-talon pa siya. Halatang masaya siya eh.
"Jinja-gi? Jeongmal jinga-gi(2)?" excited na sabi ni Roxanne at napatawa naman si Joseph.
"Ang alam ko kasi, ako yung umalis for Korea 3 years ago. So bakit ikaw ang nagKo-Korean ngayon?" natatawang puna ni Joseph. Natawa din naman si Roxanne.
"Ako pa ba?" sagot ni Roxanne at hinigit ang kamay ni Joseph. "Lika. Libre mo ko ice cream," masiglang na sambit ni Roxanne at napangiti na lang si Joseph Kevin.
Ice cream. Wala talagang nagbago sa best friend niya. Bossy padin at mahilig padin sa ice cream.
-----------------------------------
"Oh, ayan na ah. Nilibre na kita. Wag ka na magtampo sakin ah," sabi ni Joseph habang kumakain sila ng ice cream.
Umupo sila sa may stage. Sa mismong stage sa may parke napili ni Joseph umupo. Sa gitna pa, kaya agaw pansin silang dalawa.
Tumango lang si Roxanne na tuwang-tuwa habang kumakain ng mango flavoured ice cream.
"Bakit parang di ka naman broken-hearted?" biglang sabi ni Joseph Kevin na nakapagpatigil kay Roxanne sa pagkain.
Napatingin siya sa best friend niya at napanganga. Napagtanto naman ni Joseph Kevin na mali ang sinabi niya. Magsasalita na sana siya pero naunahan na siya ni Roxanne.
"Oh, talaga? Di na halatang iniiyakan ko padin si Erick?" gulat na tanong ni Roxanne.
"2 months na. Uso move on, Roxanne Gabrielle," puna ni Joseph at sinamaan naman siya ng tingin ni Roxanne.
"Ang kapal mo. Eh ikaw? Nakamove on ka na ba doon sa Koreanang iniwan ka?" pang-iinis naman ni Roxanne.
Nagkaroon kasi si Joseph ng girlfriend nang tumira siya sa South Korea. Ngunit naghiwalay din sila dahil umuwi dito sa Pilipinas yung babae.
"Filipina siya, Gab. At hindi, mahal ko padin si Ella. Kaya nga ako nandito eh, para hanapin siya," nakangiting sagot ni Joseph at binato naman siya ni Roxanne ng tissue na hawak niya. At napasimagot dahil ubos na ice cream niya.
"Sabi mo para sakin kaya ka umuwi. Eh para pala to dun sa Koreanang yun eh," reklamo ni Roxanne na ikinatawa ni Joseph.
"Diba pwede na kayong dalawa ang dahilan ng pag-uwi ko? Para sa best friend ko at para sa true love ko," sagot ni Joseph. Pinatong naman ni Roxanne yung dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ni Joseph.
"Joseph Kevin Llan, habang tumatagal, lalo kang kumokorni," pag-aasar niya sabay tawa at takbo palayo. "Libre mo ko isa pa," sigaw ni Roxanne na nakapila na sa ice cream cart. Natawa na lang si Joseph. Namiss niya tong baliw na babaeng to, kahit papano.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.