Chapter 3 - BioKid

48 3 2
                                    

Sa gilid ng mga mata tinitignan kita.

Kahit saglit lang matanaw ang iyong mukha.

Nakakainis ka kahit walang ginagawa

Para akong natunaw

-Gilid by Moonstar88

-------

[Roxanne Gabrielle Moselle]

[Roxanne Gabrielle Moselle]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa, promise. Kanina ko pa rinig bulong-bulungan here sa CSB3. May gwapo daw eh. Transfer student?

Eh jusko, dalawang taon na ako dito sa College of Science, wala pa akong na-encounter na gwapo galing sa Bio dept. No offense naman, pero kung gwapo kasi ang labanan, siguro sa CENG ang madami?

Eh kasi pag sinabi mo kasing galing CS, haggard na usually mga students eh. As in walang nang pake kung nagsuklay ba or what, basta papasok at magla-labworks, mage-exam. Repeat until graduation.

I mean, meron naman mangilan-ilan na gwapo. Dito sa Chem, meron kaming senior na gwapo eh, pinanglaban pa nga sa Mr & Ms CS last year, pero not really gwapo, more like, maputi kasi si Kuya Tyrone kaya gwapo?

Sa Bio, hmm ang madami dun magaganda eh, pero gwapo? Nah. Never seen one and maniniwala lang ako kung makakita ako. Haha.

Sa CSIT dept, pwede pa. I mean, hello, andun si Jacob Alvarez, leader ng Players, matangkad, may itsura, masungit lang tingnan.

Mga ganong levels dapat para maniwala ako na gwapo yung transfer student dyan sa Bio.

"Uy narinig mo ba?" tanong sakin nung isa kong blockmate. Parang alam ko na to ah. Tinulungan niya ako dalhin yung lab equipments galing sa room 201 pabalik sa instru room.

Kakatapos lang ng Anachem lab namin at potek, pagod na ako agad huhu. 6 hrs sa lab, buhay pa ba?

"Yung gwapo sa Bio?" tanong ko habang nakapila kami, madami na din pala natapos sa experiment nila ah. L

Kamusta naman kasi yung backtitration ko na kailangan pa ata ng isa pang backtitration para pumasa.

Ugh anyway, tiningnan ko yung blockmate ko, na ka-partner ko din sa klase na to, tumango at lumapit pa sakin.

"Sabi nila matangkad, tapos gwapo daw," bulong niya sakin.

"Hay naku, Prins, nakakita ka na ba ng gwapo galing Bio?" tanong ko naman. Nanlaki naman mata niya sa likod ng eyeglasses niya tapos parang pinapatahimik ako. Problema neto?

Paglingon ko, ayun, grupo ng Bio students, papasok sa Microbio lab. Ewan ko kung narinig nila ako, at wala din akong pake.

At ewan ko ba, matunog talaga kung sino man na student na yun. Sus. Papaniwala sila dun. Malamang, new face kaya gwapo tingnan.

Please Don't Go (Slayers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon