Chapter 2 - Erick Rivero

42 3 3
                                    

"Darating din saakin,

Malilimutan kita.

Subukan mong pilitin,

Baka nga di tayong dalawa."

- Meron nang Iba by Silent Sanctuary

Maaga pa nga, naisip ni Roxanne habang nakatingin sa labas, wala pa masyadong tao dito sa cafe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Maaga pa nga, naisip ni Roxanne habang nakatingin sa labas, wala pa masyadong tao dito sa cafe. Napangiti si Roxanne at umupo sa pinakagilid na upuan. Inalis niya ang headphones at tiningnan niya yung orasan. 7:30 AM.

"Hi Roxy," sambit ng isang babae sabay upo sa tabi ni Roxanne. Tiningnan niya naman ito at nginitian. Isang magandang babae, medyo maiksi ang buhok, lampas lang ng konti sa balikat. Halos lahat ata ng customers sinundan siya ng tingin. Maganda kasi talaga eh.

"Ye bakit ang aga mo yata. Diba ikaw lagi ang late satin?" nakangiting tukso niya sa napakagandang babaeng to. Nagkibit balikat naman ang babae.

"Ewan ko nga. Maaga ako nagising ngayon eh," sagot naman ng babaeng tinawag ni Roxanne na Ye. At napataas kilay ni Ye pagkakita sa tasa na hawak ni Roxanne.

"Isang cup lang. Grabe naman kayo sakin, bantay sarado," sabi naman ni Roxanne sabay pout pa. May rule kasi si Roxanne na as much as possible, di na siya magkakape or at least isang cup a day na lang. She's so addicted kasi sa coffee, nakakatatlong cup lang naman siya sa isang araw nung high school pa sila.

"Oh my gosh! Althea Ayesha Naz! Anong nakain mo? Ang aga mo!" Nakarinig sila ng sigaw mula sa pinto ng coffee shop. Buti na lang at konti pa lang ang mga tao dito. At hindi din naman napagalitan yung babaeng sumigaw dahil anak ito ng may-ari ng coffee shop. Napatingin sila dito, isang babaeng matangkad. Mahaba ang buhok na medyo kumukulot sa dulo. Wavy hair. Unang tingin pa lang, halatang anak-mayaman.

"Kailangan i-full name talaga ako, Sabrina Samantha Ayala?" maarteng sagot ni Ayesha at napatawa na lang si Roxanne. Madalas mag-artehan at mag-away ang dalawang kaibigan niya. Pareho naman kasi sila makulit, dadagdagan pa ni Roxanne, kaya madalas sila maingay. Nasanay na lang ang mga tao sa paligid nila.

"Isa na lang kulang," bulong naman ni Roxanne.

"Sorry, late ako. Traffic," biglang may nagsabi. Napatingin sila sa bagong dating. Mukhang stressed na stressed agad kahit ang aga pa. Si Sabrina naman ay masiglang lumapit sa bagong dating at niyakap pa ito. Napaismid naman si Roxanne.

"Oh? Bree, i-full name mo din si Nikki-baby," komento ni Ayesha. Benelatan lang siya ni Sabrina. Natawa na lang si Roxanne sa pagiging isip-bata ng kaibigan niya.

"Monique Sharlene Magayanes?" Si Roxanne na lang ang nagsabi ng buong pangalan ng bagong dating na babae kaya natawa naman si Ayesha. Magsisimula na naman ang bangayan nila Ayesha at Sabrina. Si Monique madalas tahimik lang habang si Roxanne ang dumadagdag pa sa gulo.

Please Don't Go (Slayers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon