TRES

6.6K 172 21
                                    


Magkatapat na nakaupo sa isang pandalawahang mesa na nasa bandang dulo sa loob ng isang restaurant sila Angelo at Danica. Parehong nakatingin sa isa't-isa. Walang alam ang kuya niyang si Edward na kakausapin niya ang dati nitong kasintahan.

"Marahil, kilala mo na ako, Ate Danica," aniya ni Angelo. Siya ang unang nagsalita at bumasag sa katahimikan.

Ngumiti si Danica. "Yah, I know you. Ikaw ang kapatid ni Edward na magpapari. Lagi ka niyang ikinekwento sa akin at pinapakita pa ang mga pictures mo. At masasabi kong masyado kang gwapo para maging pari. Sayang."

"At ano namang sayang doon?" nagtatakang tanong ni Angelo. Hindi kasi niya makuha ang sinabi nitong sayang.

"Sayang ang lahi. Ano ba?" maarteng wika ni Danica. Hindi niya akalain na parang baligtad yata ang mga inilarawan ng kuya niya sa kanya tungkol kay Danica. Masama mang manghusga pero sa tingin niya, hindi naman ito mabait, maarte pa nga. Mukha ring hindi ito maalaga.

'Inalagaan ba talaga niya ang Kuya ko?' sa isip-isip ni Angelo. 'Bakit parang kabaligtaran siya ngayon sa mga paglalarawan ni Kuya tungkol sa kanya?'

Ngumiti na lamang ng maliit si Angelo na nakuha na ang ibig sabihin ng dating kasintahan ng kapatid.

"Anyway, ano bang kailangan mo at gusto mong makipagkita sa akin ngayon, Father Angelo?" tanong ni Danica. Nagtataka din siya sa biglaang pakikipagkita ni Angelo sa kanya.

Magsasalita pa lang sana muli si Angelo nang biglang nagsalita muli si Danica.

"Don't tell me... pati ikaw ay ipipilit mo pa rin sa akin na makipagbalikan sa kapatid mo? Alam mo, ilang beses ko nang sinabi sa kuya mo na ayoko na. Huwag na niya akong ipilit na ipasok sa relasyong naming wala ng pagmamahal. Siguro naman alam mo na siya na lang ang nagmamahal sa aming dalawa."

"Hindi 'yan ang sasabihin ko sayo," aniya ni Angelo na ikinatigil sa pagsasalita ni Danica. "Hindi ko ipipilit sayo na makipagbalikan ka sa kuya ko kasi kahit naman gawin ko iyon, walang mangyayari. Tama ba ako?" sabi pa nito.

Nag-smirk si Danica.

"Oo. Wala ng mangyayari."

Bumaba ang tingin niya at napabuntong-hininga si Angelo.

Muling tiningnan ni Angelo si Danica.

"Gusto ko lang malaman mula sayo, bakit ganun-ganun na lang na itapon mo ang kuya ko? Parang wala kayong pinagsamahang dalawa. Ganun na lang ba kadali sayo na isawalang-bahala ang mga alaalang pinagsamahan ninyo? Mga pagmamahal na inialay ninyo sa bawat isa?"

Ngumiti nang nakakaloko si Danica.

"Gusto mo bang malaman ang totoo Father Angelo?" tanong niya. "Sige, simple lang naman ang sagot diyan sa tanong mo. Dahil nakakita ako ng mas higit sa kanya. Higit na mas gwapo, mas matipuno at higit sa lahat, mayaman. Mayamang-mayaman na kahit kailan ay hindi magiging ganun ang kapatid mo," sabi ni Danica. "Kahit na ilang taon pa siyang magbungkal ng semento at magpatong-patong ng hollow blocks, hinding-hindi niya maaabot ang bago kong minamahal ngayon."

Masama mang magalit pero hindi napigilan ni Angelo. Pinipigilan niyang magalit. Kumukuyom pabilog ang mga kamay niya na nakatago sa suot niyang damit.

"Sa totoo lang, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lamang siya at kaya kami tumagal ng maraming taon kasi, hindi ko pa nakikita ang lalaking mas hihigit sa kanya pero ngayong nakita ko na, syempre hindi ko na iyon pakakawalan pa," nagmamalaking sambit pa nito na lalong ikinagalit ni Angelo.

Angelo's Revenge (M2M Romance Drama)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon