Nagulat na lamang si Danica nang makarinig ng malakas na kalabag ng pagbukas ng pinto. Napatigil siya sa pag-aayos ng gamit niya at napatingin sa may pintuan ng bahay niya at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita si Edward na papasok na ngayon. Kaagad siyang napatayo sa inuupuang sofa.
"Anong ginagawa mo rito sa bahay ko?!!!" malakas na sigaw na tanong ni Danica kay Edward. Napansin niyang namumula ang buong mukha nito at pasuray-suray na naglalakad palapit sa kanya. "At ang lakas pa ng loob mong pumunta rito ng lasing!!!" sigaw pa nito.
Parang walang narinig si Edward sa mga sinabi niya. Patuloy pa rin ito sa paglapit sa kanya habang nakatingin ang mga mata nitong namumungay at namumula dahil sa kalasingan.
Mas lalong nagulat si Danica ng bigla siyang hawakan ni Edward sa magkabilang balikat niya.
"Ano ba?!!! Bitawan mo nga ako!!!" malakas na sigaw ni Danica sabay piglas pero hindi siya nakawala sa mga hawak ni Edward dahil sa higpit ng hawak nito sa kanya.
"Mahal na mahal kita Danica! Please! Huwag mo namang sanang gawin ito sa akin! Huwag mo akong iwan nagmamakaawa ako!" nagmamakaawang sabi ni Edward.
"Ano bang mahirap initindihin sa sinabi ko, Edward? Tapos na tayo! Hindi na kita mahal kaya dapat lang na tapusin ko na ang kung anumang meron sa ating-"
"Hindi!!!" malakas na sigaw ni Edward. "Hindi pwede! Mahal kita at hindi ganun kadali na pakawalan ka! Pitong taon... halos pitong taon kitang minahal at hanggang ngayon ay patuloy na minamahal kaya hindi kita pakakawalan!" mariing sabi pa nito.
"Pwes ako hindi na kita mahal. Ilang beses ko pa bang dapat iyong sabihin sayo, huh? Lumiit na ba lalo ang kakarampot mong utak para hindi mo na maintindihan ang mga sinabi ko? Hindi na kita mahal kaya dapat na hiwalayan-"
Hindi na naipagpatuloy ni Danica ang sasabihin ng bigla siyang sunggaban ng halik ni Edward sa labi. Nagpupumilit ito na iparamdam kay Danica ang matindi niyang pagmamahal.
Todo naman ang iwas ng mukha ni Danica para hindi siya mahalikan ni Edward.
"Ano ba?!!! Tigilan mo na ako!!!" sigaw nito.
"Hindi kita titigilan! Mahal kita at hinding-hindi kita titigilan hangga't hindi ka bumabalik sa piling ko. Please! Bumalik ka na sa akin. Sige, kahit na may relasyon na kayo ng bago mo, sige lang ituloy mo lang basta huwag mo lang akong iwanan!" nagmamakaawang sabi nito. Kahit lasing ay nakikita pa rin dito ang sobrang sakit na nararamdaman dahil sa ginagawang ito sa kanya ni Danica.
"Pwede ba! Bakit ko naman gagawin iyon gayong ayoko na sayo! Mas masaya na ako sa kanya at hindi ko na kailangan pa ang isang kagaya mo kaya please lang-"
Mas lalong nagpumilit si Edward na mahalikan ang labi ni Danica. Nasa espiritu siya ng alak at kahit na alam niyang mali ang ginagawa niya ngayon, wala na siyang pakiealam. Ayaw niyang iwan siya ni Danica. Hindi niya kakayanin.
"Ano ba Edward! Tumigil ka na!!!" malakas na sumigaw si Danica na pilit nagpupumiglas.
Patuloy pa rin sa ginagawa si Edward. Pinipilit pa rin niya na halikan si Danica.
Hindi na nakapagpigil pa si Danica. Buong lakas niyang itinulak si Edward para tigilan na nito ang ginagawang pamimilit na paghalik sa kanya.
Pero sa malakas niyang pagtulak na iyon ay hindi sinasadya na bumagsak ito ng sobrang lakas at tumama pa ang ulo sa edge ng mesa na nasa gitna ng living room.
"Oh my god!!!" gulat na gulat na hiyaw ni Danica at napatakip pa ng mga kamay sa bibig. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin ngayon kay Edward na nakahandusay na sa sahig at duguan ang ulo. Mukhang napalakas ang tama sa ulo ni Edward kaya nagdugo.
BINABASA MO ANG
Angelo's Revenge (M2M Romance Drama)
RomanceSYNOPSIS: Gusto ni Angelo ang maging pari. Gusto niyang mapaglingkuran ang Maykapal sa pamamagitan nang pag-aalay ng buong sarili niya dito. Ngunit magigimbal ang mundo ni Angelo sa isang balitang yayanig sa kanya at magiging mitsa nang pagtalikod n...