===ASH GYPSY LEE===
"Miss Ash, tawag po galing po sa Mommy niyo." Natigil ako sa pagkain nang dumating yung maid namin na dala yung wireless telephone.
I sighed.
"Hello?" Walang gana kong sagot.
"Happy birthday anak! Sorry kung wala kami diyan ngayon ng Daddy mo ha? Busy lang talaga kami sa work. Don't worry we'll make it up to you once we got home, okay? Natanggap mo na ba yung gift namin? I know you'll like it. Take care Ash. We love you!" Yeah right. Hindi man lang ako inantay sumagot at binabaan na ako. Nagpapasalamat pa rin ako at naaalala nila na birthday ko. Mommy ko yung tumawag. Sanay na akong ganyan sila. Hindi ko sila nakakasama tuwing birthday ko. Ang huling kaarawan ko na nakasama ko sila if I am not mistaken was 10 years ago. Why? Business. And I don't really understand as to why they still need to keep on working when in fact, we can already live a hundred years or more with all the riches we have. Hindi sa pagmamayabang pero totoo ang sinabi ko. But to tell you honestly, I'm not happy with this kind of life. And you already know why.
"Miss Ash?" Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako habang tinitingnan yung telepono na hawak ko. Napatingin ako sa maid sa harap ko at inabot yung telepono.
"Pakibalik na lang ha? Salamat." Nginitian ko na lang siya. Paalis na siya nang may maalala.
"Ah Miss Ash, 30 minutes na lang po pala before yung pasok niyo" Sabi niya saka umalis na. Tiningnan ko yung wristwatch ko, 7:00 na at 7:30 ang klase ko!
"Oh crap!" Hindi pa ako tapos kumain pero tumayo na ako at nagmamadaling nagtoothbrush. Pagkatapos ay tumakbo ako palabas ng bahay.
"Good morning po Miss Ash" Bati ng driver pagkakita sa akin saka binuksan yung door ng kotse.
"Ma..gandang uma..ga din po... sa inyo. Tara na po." hiningal ako sa kakatakbo dahil masyadong malawak yung bahay namin. Pumasok na rin si Mang Benjie sa sasakyan at nagsimula nang magmaneho papunta sa school.
I'm Ash Gypsy Lee by the way. As of today, November 27, I am already 18 years old because it's my birthday as I've mentioned earlier. Only child ako. I'm currently studying at Heritage University, a private school. My course? Fashion Designing. Hindi ba halata? I cannot blame you kasi hindi naman ako palaayos. Nerdy glasses, messy hair, baggy shirt, sneakers, yeah, that's how I style myself. Hindi naman sa ayaw kong mag-ayos pero tinatamad lang talaga ako. Oo, sa lahat ng tamad, ako na yata ang pinakatamad dahil pati pag-aayos ng sarili eh kinatamaran ko na rin. Cool ko noh? I know right! Kaya magtataka pa ba kayo kung sinabi kong never pa ako nagkaroon ng boyfriend? I don't care kung ako na lang ang may ganitong case ngayon, NBSB. At least one of a kind diba? Haha kidding aside, do you wanna know the reason why up until now, I haven't gotten any boyfriend yet? It's because I am in love with----
"Miss Ash andito na po tayo. Antayin ko na lang po kayo mamaya sa parking area." Nagulat na lang ako na nakatigil na pala yung kotse sa harap ng school gate.
"Sige po. Thank you po." Sagot ko saka lumabas ng kotse.
I entered the premises of school. As expected, marami ng estudyante dahil 10 minutes na lang before start ng klase.
"Hi Ash!"
"Good morning classmate!"
"Hello Ash!"
At marami pang iba. Nagtataka siguro kayo kung bakit kilala ako dito noh? Kasi panget ako? Nah! Kasi maganda ako? Mas lalong hindi! Asa naman kayo. That's because best friend ko lang naman---