===ASH GYPSY LEE===
Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang ipakilala sa amin ni Hunter si Irene. At simula nun, hindi ko na sinasagot mga tawag niya at kahit magreply sa mga texts niya, hindi ko din magawa. Napagdesisyunan ko kasing iwasan muna siya. Ramdam ko pa din kasi 'yung sakit eh. OA na kung OA pero wala kayong magagawa dahil hindi naman kayo 'yung nasaktan. Mabuti na lang at andiyan si Phoenix na siyang kasama ko magmula pa kahapon. Buong araw kaming nagbangayan ulit. Oo, nagbangayan talaga. Parang normal na sa amin yung ganyan. Kahit papaano nakakalimutan ko si Hunter dahil sa presence ni Phoenix. Nagpapasalamat---ay hindi na pala.
"Gypsy!" Biglang pumasok si Phoenix sa room ko na hindi man lang nag-abalang kumatok. Umupo siya sa tabi ko sa kama. Naka-indian sit kaming dalawa. Tsk! Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ka ba marunong kumatok? Bigla-bigla ka na lang pumapasok. Paano na lang kung nagpapalit ako? Bastos ka talaga!"
"Eh hindi ka naman nagpapalit eh! Tsaka ako pa talaga ang bastos? Eh ikaw nga nakita mo 'yung hot kong katawan nung isang araw diba? Yieee!" Bigla ko na naman naalala 'yung isang araw. Namumula na naman ata ako. Tsaka anong sabi niya? Hot daw? Hot ba yun? Hahaha! Oo, hot nga talaga. Ay ano ba yan? Wala akong nakita!
"W-wala naman a-akong nakita nun eh." I looked away para hindi niya makita 'yung pamumula ng mukha ko. "B-bakit ka ba nandito? Anong kailangan mo?" Iniba ko na topic para di na niya ako asarin.
"Ah oo nga pala hehe. Ang galing mo mag-iba ng topic hahaha! Pero sige..ano.. itatanong ko lang sana kung may naisip ka na para sa wish mo. Ano na? Meron na ba?" Excited niyang tanong. Eto na naman siya eh. Kahapon pa niya ako kinukulit tungkol dito eh wala pa naman akong maisip.
"Wala pa akong maisip. Atat lang?" Inirapan ko siya.
"Eh nag-iisip ka ba naman? Baka si Hunter na naman laman ng isip mo." Nagpout siya.
"Aray! Gypsy naman eh! Ano na namang kasalanan ko?" Binatukan ko kasi siya.
"Nagtatanong ka pa! Ang sabi mo 'wag ko na siyang iisipin tapos pinaalala mo naman. And may I remind you that I'm still your master kaya umayos ka."
"Oo na! Ano na nga kasi wish mo?" Nakasimangot na siya ngayon. Natutuwa ako dahil naiinis siya hahaha!
"Wala pa nga diba? Ang hirap naman kasi niyan. Isa lang ang pwede. Ang dami ko kayang gustong matupad sa wishes ko."
"Pumili ka na lang kasi ng isa sa mga 'yun."
"Eh ang hirap nga pumili eh. Bakit ba parang atat na atat ka? Kahapon ka pa ah."
"Para matulungan na kitang matupad yun at nang maging genie na talaga ako. Sige na kasi."
"Bakit excited kang maging genie?" Tanong ko ulit.
"Eh bakit ka ba tanong ng tanong?"
"Sagutin mo na lang kasi. Bakit nga excited kang maging genie?"
"Sigurado ka bang gusto mong malaman?" Tiningnan niya ako na parang nagdududa. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya nagpatuloy siya. Nagsigh muna siya bago nagsalita. This time, seryoso na siya. "Alam mo kasi, hindi lang kayo ang may mga pangarap sa buhay. Kami din meron. Oo, ang isang soon-to-be genie na tulad ko ay may wish din. The only difference is that we only have this one and only dream. It is the only yet our biggest dream. And that is to become a genie. At pag nangyari 'yun, magagawa na namin 'yung main purpose namin. 'Yun yung matulungan kayong matupad 'yung mga pangarap niyo." Then, he gave me a warm smile.
![](https://img.wattpad.com/cover/10418559-288-k460704.jpg)