「ALLUSIA」
Umupo ako sa may damuhan at saka tumingin sa langit. Kanina pa natapos 'yung practice ko kasama 'yung mga liberators pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-desisyon kung sino ang pipiliin ko.
"Una sa lahat, hindi kailangan mag-harutan, mag-ligawan, at tumawa ng tumawa."
Naalala ko 'yung sinabi ni Exton kaya napangiti naman ako ng bahagya. Ewan ko pero parang medyo natuwa naman ako doon sa sinabi niya. Nag-seselos kaya siya kay Steph?
Ipinikit ko ang mga mata ko at saka humiga sa damuhan. Sino ba dapat ang piliin ko sa kanilang lima?
Una, si Steph ba na... kaya akong turuan kung paano pumatay ng isang tao mula sa malayo? Kung pipiliin ko siya mas magiging madali ang pagkamatay ng mga magiging target ko.
Pangalawa, si Hermy ba na... sobra sa katalinuhan. Hindi ko nga maintindihan 'yung mga sinasabi niya sa akin kanina dahil hindi maabot ng IQ ko. Ano kaya ang IQ nung batang 'yon?
Pangatlo, si Azmarie ba na... ano ba ang tamang word? Err... may pagka-liberated? Kakayanin ko bang magsuot nung mga damit na ginamit namin kanina? Huhu, hindi ko yata keri 'yun.
Pang-apat, si Chase ba na... kailangan magpaka lasing muna bago sumabak sa laban? Kapag siguro siya ang pinili ko, hindi ako ako mamamatay dahil sa laban dahil baka sa sakit sa atay ako mamatay. Hays.
At panglima, ang pinakahuli sa pag-pipilian ko, si Ext― Aish!
Bumangon ako sa pag-kakahiga ko dahil nako-confuse na ako. Ang hirap naman ng sitwasyon ko ngayon. Dapat siguro mag- eni mini mo na lang ako para mas-
"Allusia?" Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko 'yung boses ni Kuya Xerxes. Hala siya! Baka pagalitan niya ako kasi nasa labas pa ako. Wah! Sana naman hindi.
"B-bakit?" Nakita ko na naka kunot 'yung noo niya pero ngumiti din siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Gabi na ah. Bakit nandito ka pa?" tanong niya sa akin kaya naman napakamot ako ng ulo ko.
"Uhh... May iniisip lang. Hehe." Alanganing sabi ko sa kanya. Lord, gabayan niyo po ako kung sakali man na pagalitan niya ako. Huhu.
"Let me guess..." nag-isip siya saglit at saka tumingin sa akin na may kasamang nakakalokong ngiti kaya napalunok ako. Ano kaya ang iniisip niya? "Iniisip mo ba si Exton?" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Si Exton?!
"H-hindi ah!" sabi ko sa kanya kaya natawa naman siya ng bahagya sa rekasyon ko. Napa-pout naman ako. Bakit niya ba na nasabi na si Exton ang iniisip ko? Hindi naman- well, kasama din siya sa iniisip ko pero... Hindi lang siya ang iniisip ko!
"Hmm, okay. But can I ask you a question?"
"Nag-tatanong ka na, eh." Tinignan niya ako ng masama kaya napalayo naman ako sa kanya. Waaah! Sorry po! Huhu. Mahirap nga palang pilosopohin si Kuya Xerxes dahil para siyang mangangain ng tao sa mga tingin niya. "A-ano... hehe. S-sige ano ba 'yun?"
Huminga siya ng malalim at tumingin sa langit, "Pwede bang si Steph ang piliin mo?"
"Ah 'yung lang pala eh. Sige si Ste―Ano?! Bakit?!" tinakpan niya 'yung mag-kabila niyang tainga dahil sa pag-sigaw ko at tinignan ako ng masama kaya naman nag-peace sign ako sa kanya.
Pero... bakit niya sinabing si Steph ang piliin ko?
"It's just that... a-ah paano ko ba sasabihin 'to?" Napakamot siya ng batok habang nag-iisip, "It's because Steph have my trust. Sa kanya ako may tiwala na matuturuan ka niya ng maayos." Eh?
![](https://img.wattpad.com/cover/49278334-288-k655251.jpg)
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Mystery / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...