December 7, 2013
Prologue
Knock.. knock… knock…
Pumasok na ako sa loob.
Umupo ako sa harapan niya.
“Matulog ka na. Tatapusin ko lang itong mga documents na kailangan bukas sa meeting bukas.” Sabi niya ng hindi tumutingin sa akin.
“We need to talk. A serious talk.” Walang paligoy-ligoy na sabi ko sa kanya.
“About what? Is it important, if not we’ll talk about it tomorrow.”
“I want to talk about it right now.” Mariing sabi ko.
Napakunot noo siya at nag-angat ng tingin.
“Ok! Speak up.” Sabi niya.
“I want you to stop seeing Belle!”
“I can’t. Please understand! Kailangan niya ng karamay. I need to be there for her.”
May munting kirot akong nadama sa puso ko.
“My God! Ano sa tingin mo ang ginagawa ko. Wala na akong ginawa kundi ang intindihin ang sitwasyon mo.” Histerikal kong sabi sa kanya.
“Siya lang ba ang may kailangan sa’yo. Ako? Sa tingin mo ba hindi kita kailangan.”
“Wala na akong ginawa kundi ang magparaya.”
“Look at me right now. Ang tingin ko sa sarili ko ngayon parang isang batang umaamot ng konti atensyon mula sa’yo. Na hindi naman dapat. I am your wife.”
“Ako dapat ang inuuna mo, hindi ang iba. Sinasaktan mo na ako.”may pumatak ng luha sa mga mata ko. Pilit kong wag humagulgol sa harap niya.
“I’m sorry! Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. Just bear it for a while. After this, magiging maayos na ang lahat.” Tumayo siya at niyakap niya ako.
I really miss him so much. Ngayon ko lang ulit niya ako niyakap ng ganito kahigpit.
Napaiyak na ako ng tuluyan. Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong yakap.
“Ayos ka na ba?
Stop crying ok!
I love you. Always remember that.” Pagkasabi niya, hinalikan niya ako ng napakasuyo.
Mahal na mahal ko siya at sana pagkatapos ng lahat ng ito pwede na kaming bumuo ng masayang pamilya at magkaroon ako ng happy ending………………….