December 07, 2013
Chapter 1
“Shete! Sakit ng ulo ko! Kainis naman oh!” Anong oras pa lang dada ng dada na naman si madir dear ko. Palagi na lang ganyan ang eksena sa bawat araw na binigay ng Diyos sa akin.
Nga pala ako si Vida Frio Dizon Arriolla, an ordinary girl with a normal lifestyle, the description would be promdi. Hindi ako kagaya ng ibang babae na puro pagpapaganda at pagpa-pacute ang alam sa buhay. Mas gusto ko pang magkulong sa bahay buong araw at magbasa ng mga libro. Hindi rin ako mahilig na bumili ng mga damit. Pag pumupunta ako ng bayan sa bookstore agad ang punta ko para maghanap ng interesting na libro. I prefer romance, fantasy, historical, adventure and erotica.
Makabagon na nga at baka balikan pa ako ni madir dear ko.
“Anong ulam Ma?”ako
“Magdildil ka ng asin, letse! Palamunin ka pa rin hanggang ngayon.
Kelan mo ba balak maghanap ng trabaho ha?
Aba’y mag-iisang taon ka ng graduate.
Anong silbi na pinag-aral ka naming ng tatay mo kung magiging palamunin ka habang buhay.”Si madir ko na high blood na naman.
“Oo na po, maghahanap na mamaya.
Punta ako ng Alfonso para maghanap ng trabaho.
Pero bago yon Ma, pakain mo nga muna ako. Hehehe!” Si ako na pampalubag ko sa akin madir.
“Hala sige! Lumamon ka na nga.” At lumayas na si madir para magpunta sa kanyang work.
At ako naman ay lumamon na at pagkatapos ay gumayak para maghanap ng work.
Pasa dito ng resume, pasa doon, kung saan saan na ako ng pasa ng resume sa nakalipas na anim na buwan pagka-graduate ko.
Hanggang ngayon wala pa rin tumatawag sa akin.
Sabagay sino nga ba naman ang kukuha sa isang katulad ko. Hindi na nga maganda hindi pa marunong mag-ayos.
Anyways maya na ang kwento ayokong magself pity at baka maiyak ako. Hanap muna ng work at baka umepekto ang taglay kong kapangitan.. Hahaha jowk lang. Hindi naman ako sobrang pangit. Ordinary lang talaga ang fez ko? hahaha
“Ay! Karamba, Natnag diay lateg na!*”Biglang akong natigil sa pagkukwento.
“Walang hiyaka namang paso ka? Anong ginagawa mo at bigla ka na lang nalaglag sa harap ko?! Hindi naman kita inaano ha?! Kung ano-ano tuloy nasabi ko. Bwiset! Makaalis na nga.”Sabi ko sa paso.
Tumingala ako para malaman kung saan nanggaling ang mahiwagang paso na gumambala sa akin ng--------
(Oh la la…… Yummy! ) Napanganga ako sa aking nasilayan. Siya na ang pinaka gwapong papable na nakita ko balat ng mother earth.
Dug dug dug dug………… sabi ng puso ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at parang sasabong na sa tindi ng emosyong nararamdaman ko ngayon. Na love at first sight ako sa kanya.
Nakakapanlambot ng tuhod ang titig niya. Oh! Those deep set eyes na may violet na kulay.
Violet eyes!?..... Isa lang ang taong kilala kong may ganoong mga mata.
Bigla akong nanigas sa lamig ng pagtitig niya.
Hindi maaari ito. Ayoko na siyang makita pa. Kailangan makaalis na ako dito.
Binilisan ko na lang ang mga hakbang ko para makaalis sa lugar na iyon.
Sana hindi niya ako namukhaan.
Bakit siya andito? Bakit kailangan ko pa siyang makita ngayon. Ngayon pa na unti-unti na akong nakakabangon sa nangyari noon?...
---------------------------------------------------------------------
Hapon na. So far may dalawang sure na makukuha ako. I hope na bago matapos ang linggong ito may work na ako.
Kabagot kaya sa bahay. Kesa naman nandoon lang ako nagpapataba. Mas maganda na ang may pinagkakaabalhan. Kahit na ba hindi ko na mapapanood si Kang Chi. Bibilhin ko na lang CD at magmamarathon ako mamaya. Ha ha ha…….
Tuluyan ko ng iwinaksi sa isipan ko ang nangyari kaninang umaga.
--------------------------------------------------------------------
Nandito na ako sa palengke. Ha ha ha…..
Dito ako bibili ng CD. Mura lang kasi tinda dito kasi pirated mga tinda nila. Iyon lang kasi kaya ng budget ko. Bibilhin ko na rin sana iyong When a Man Falls In Love pero wala pa daw silang stock…… Well, my next time pa naman.
Uwi nan g makarami sa panonood….
Movie Marathon! Here I come………………….!