Chapter 3

3 0 0
                                    

December 7, 2013

Chapter 3

Niam… Niam… Niam….

Nom…. Nom… Nom….

Tshalap….

“Dahan-dahan naman ang pagkain. Hindi ka naman nagmamadaling umuwi sa lagay na yan? Hindi pa nga tayo nakakapagkwentuhan.”sabi ni Bien habang nakatitig sa akin.

Lamon lang ako. Sarap kasi ng pagkain nila dito. Tsaka susulitin ko na ang libre niya baka hindi na maulit………

Sa wakas tas na ako kumain.

“Ano na? baka gusto mo pa ng dessert? ” tanong niya ulet

“Oh sure! Gusto ko nito!” sabay turo sa menu.

Pagkaalis ng waiter…

“Musta ang life? Tagal mong hindi nauwi dito sa atin? Five or six years ata? Dali na, magkwento ka na. ” tanong ko agad kay Bien

“Dalawang taon lang naman. Ikaw nga itong bigla na lang nawala nung huling uwi ko dito. Tsaka saan ka na nagtatrabaho ngayon?”sagot niya sa akin

“Hahaha… Iyon ba?! Nagbakasyon lang naman ako sa isang kamag-anak sa Maynila. Isang taon lang iyon noh. Tsaka rumaket ako para may pang enroll ako. Alam mo naman sa hindi sapat iyong sweldo ni madir sa work niya.” mapait akong napangiti. Ayaw ko ng maalala ang mga nangyari ng nawala ako ang isang taon.

“ Diyan nga pala ako sa Munisipyo nagtatrabaho. Sa may Senior Citizen ako. Hahaha encoder nila ako.

Teka nga ikaw tong dapat nagku-kwento , ba’t napunta sa akin ang topic.

Magkwento ka na kung anong nangyari sayo sa nakalipas na dalawang taon.?” Balik tanong ko kay Bien.

“Noong huling uwi ko dito, katatapos lang ng graduation namin. Sayang nga at hindi kita naabutan. Andami ko pa namang uwing pasalubong para sa’yo.” Bien

“Ugok! Ba’t kasi hindi mo inagahan ang uwi o di kaya nagmessage ka man lang sana sa Facebook na uuwi ka, para sana nakuha ko mga pasalubong ko.

Nga pala! Pasalubong ko, wag mo kalimutan ha!” ako

“Oo, nasa bahay, pupuntahan sana talaga kita bukas sa inyo para ibigay mga pasalubong ko.

Mabalik tayo sa kwento ko. Nag-stay lang ako ng 1 linggo dito, tas bumalik din lang ako ng Cebu. May offer na kasi sa akin iyong kompanyang pinag-ojtihan ko. Ngayon, Manager na ako sa company namin.”

“Naman! Ikaw na talaga ang mayaman.”

“Anong mayaman sinasabi mo dyan. Hindi porket manager, mayaman na ako. Madami kaya akong binabayaran. At sa pinag –iipunan ang future nating dalawa. ” nakangiti pang sabi ni Bien

Bigla kong nalunok kinakain ng dahil sa sinabi niya.

“A-anong sabi mo? Paki-ulit nga? Anong future-future ang sinasabi mo diyan.” Bigla kong sabi sa kanya..

“Wahaha… Mukha mo Vidz!. Laugh trip!.....” makatawa naman toh wagas..

Kainis naman oh!

“Sige tawa ka pa! Alis na nga ako! Salamat sa libre!”sabay tayo na ako para umuwi.

“Toh naman, di na mabiro.”sabay hila sa kamay ko. Kaya napaupo ulit ako sa upuan.

“Che! I hate you!”inis kong sabi sa kanya

“Ikaw naman, nagpapalapad lang naman ako ng papel sa’yo. Pero Vidz, kung saka-sakali ba, may pag-asa ako sa’yo?” seryosong tanong niya.

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang natanong iyon sa sarili ko. Kung saka-sakali may pag-asa ba siyang makapasok sa puso ko.

Well, I’ll cross the bridge when I get there sabi nga nila. Di ganun din gagawin ko. Sa ngayon, enjoy muna kung anong meron.

Hindi pa kasi ako totally nakamove-on sa nangyari.

“Hindi ko alam. Bakit meron ka bang HD sa akin?” sabi ko sa kanya

“Dati pa kaya. Ngayon mo lang nahalata? Manhid mo naman Vidz. Ikaw kaya ang First Love ko.” Sabi niya ng sersoyo.

“Seryoso ka ba diyan sa mga pinagsasabi mo?” hindi kasi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya. Halos di nga niya ako kinikibo noog high school kami. Tapos ngayon, tsaka niya sasabihin sa First Love niya ako.?!

“Seryoso ako. Isa ka kaya sa dahilan kung bakit ako umuwi dito sa atin.”-siya

“Huh!?” hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nagugulat talaga ako.

“Liligawan kita Vidz, kahit ayaw mo.

Matagal na sana kitang gustong ligawan.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob at tsaka may napatunayan na ako sa sarili ko.

Liligawan na talaga kita two years ago, pero mukhang hindi pa talaga iyon ang tamang panahon.

Sa tingin ko, ngayon na.”

Wala na akong masabi siya na talaga…. Siya na ang may mahabang speech…

“Alam mo bang bago ako umuwi dito, humingi muna ako ng sign kay God. Hindi naman ako nabigo.” Seryoso talaga siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa bawat mga salitang lumalabas sa kanyang mga labi.

“Eh diba may work ka?” tanong ko sa kanya.

Ang lapad naman ng ngiti niya

“Iyon ba? Kaya talaga ako umuwi dito kasi magtatayo ang company namin branch sa may Alfonso.

Ako ang magsusupervise.

Doon na rin ako naa-sign kaya hindi na problema ang long distance relationship….”-  ^______^ makangiti naman toh wagas talaga.

“Hmp.. Ewan ko sa’yo. Ikaw naman mahihirapan. Sinasabi ko na sa’yo hindi pa ako ready sa isang relationship noh.” Totoo namang hindi pa ako ready.

“Ah ok!” tumingin siya sa relo niya. “Gabi na pala! Tara na. Hatid na kita sa inyo.” Yaya niya sa akin.

At umuwi na kami….

Sakay ng jeep….

Lakad…. Lakad  sa may kanto papasok sa amin ng biglang siyang mag salita.

“Sunduin kita bukas sa trabaho mo. Magde-date tayo!?” Ngiting-ngiti siya.

Haha kilig naman ako konti sa kanya….

Saktong nasa may tapat na kami ng bahay namin.

“Uwi ka na nga. Bye!” pagtataboy ko sa kanya. “Ingat ka!”

“Geh! Good night.” Tas tumalikod na siya at naglakad papuntang sakayan ng jeep.

What a day talaga. Makatulog na nga…..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OVER YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon