◑ Part 52 ◐

13K 445 150
                                    

Dedicated to churchcrush

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Thats our Jiro and Lance ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○


Jiro's POV

"Kung mahal mo talaga ko, dapat maging proud ka sa magulang mo na ako ang boyfriend mo.." ang mga nasabi ko.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila. Sasabihin na namin ang kung anong meron samin. Kailangan na eh, habang may oras pa..

Tinignan ko si Lance, at nakita kong kanina pa siya nakatitig sakin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pangamba at pag-aalala.

Ramdam ko din ang panginginig niya. Kanina ko pa kasi hawak yung kamay niya. Hindi ko kasi siya binitiwan magmula sa kwarto ko hanggang makarating kami dito. Ang gaan kasi sa pakiramdam pag hawak ko siya. Parang ligtas ako, parang hawak ko na yung napakagandang mundo.

"Hawakan mo lang yung kamay ko, magiging okay din ang lahat, pangako ko yan sayo.." pagpapakalma ko ulit dito.

Pagkasabi ko nun, tumingin siya sa bahay nila at bumuntong hininga. Naramdaman ko ang pagkapit ng mahigpit ng kamay nito sa kamay ko. Tinignan niya ulit ako saka tumango.

Lumapit ako sa kanya para halikan siya.

"Tara na, baba na tayo.." saad ko.

Sabay kaming bumaba ni Lance. Nasa tapat na kami ng gate. Saktong lumabas naman ang katulong nito na may dalang plastik ng basura, nakita niya kami at agad na pinagbuksan ng gate.

"Magandang Tanghali po sir.." bati ng katulong nila.

"N—Nandyan ba sina Mommy't Daddy?" kinakabahang tanong ni Lance.

"Ah nandyan po, nagtatanghalian po." sagot nito. "Kumain na po ba kayo? Tara mga hijo kain na kayo dito.." aya naman nito. "Tapon ko lang 'to.."

"Sige po.." saad ni Lance. Tinignan niya ko.

"Ready?" tanong nito. Mukhang di na siya kabado..

Mukhang bumaligtad yung sitwasyon ah.. Ako naman ngayon yung kinakabahan dito.. Actually kanina pa ko kinakabahan, nagtatapang tapangan lang ako..

"Ikaw?" balik tanong ko.

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon