CHAPTER 3

3 0 0
                                    

KYLA DIMACULANGAN

Kyla gising na tanghali na papasok kaba ha Kyla.
Gising neto sakin

Opo ta papasok po ako .

"Sumunod ka nalang sa baba mag almusal kana " sabi nito sakin

'Opo mag hihilamos lang muna po ako . Sabi ko

Pag ka tayo ko may nakita akong babaeng nakatayo sa harapan ko at tila suot suot niya ng kwintas ni lola ko OMG natakot ako bigla sa nakita ko bigla kong napapunas sa mata ko at pag ka dilat ko ? Wala na yung babae at wala narin yung kwintas ni lola sa table ko kasi yun nilagay katabi ng lampshade kahapon ng gabi . Pero bakit ganun nawala na hala! Aatakihin ako sa takot ay!

May biglang kumatok sa Pinto ng kwarto . At si tita luisa yun at bigla kong binuksan at sabi niya sakin " kyla namumutla ka ata ? Para kang nakakita ng multo" sabi neto sakin. "Hindi ta wala to napuyat lang ako kahapon kaya ganto yung muka ko" palusot na sabi ko . Ay syasya halikana sa baba nag hihintay na yung pagkain doon . Aya nito sakin. "Sige ta "

Nakapasok nako hinatid pako ni tita sa school naka kotse pa ay afford! Yayamanin.Pero hindi ko talaga malimutan yung nakita ko kanina sa kwarto tila gunugulo parin sa isipan ko na nakita ko yung babae na yun . Paano naman kasi First time kong makakita ng kaluluwa at di ko inakala na suot suot niya pa ang kwintas ni lola at bat nasa kanya yun e. Nasakin yun kahapon ng gabi.

Nang pumasok nako sa room nag titinginan nanaman ang mga kaklase ko sakin. Naalala ko yung sabi ni tita sakin na wag pansinin baka naiingit at nagagandahan lang sakin yung mga yun. Di kalayuan nakita ko na ang aga pala ni Nicolas pumasok dahil nauunahan niya pako pumasok samanthalang dati ako yung nauuna pumasok ngayun tanghali nako pumasok. Siguro ngayun lang to mangyayari na late ako ng 2 minutes. Sa pag pasok. Pero hayaan na. Di nayan mauulit

Nag lelesson na kami sa chemstry ang sungit naman ng teacher namin. Ilang minuto na ang lumipas at bigla akong na patingin sa Bintana at may napansin akong may naka tayong bata doon sa labas at nakatalikod at bigla akong napatingin kasi dalawang bata at nakatalikod pa ? E. Nag taka ako dahil di pwede di outsider tsaka batang mga di dito nag aaral.

Ilang minuto ay bigla akong tinawag ni Ms. Genny .

"Miss Dimaculangan what are you doing" tanong neto sakin

"Wala po ma'am " sagot ko

"Are you sure ? You look like see a Ghost on the window ? Did you see ba ? Tanong ulit neto sakin

" hindi po ma'am hindi po ako nakakita . Inaantok lang po siguro ako kasi kakabasa po ng libro. Palusot na sagot ko.

Nag bell na at nag labasan narin kami at nagulat ako biglang may tumawag sakin na " Miss Dimaculangan" at humarap ako pagkakita ko si ma'am Genny pala ang tumatawag sakin. At bigla akong pinalapit at pinapunta sa room niya at may sasabihin daw siyang importante. Q

Kaya agad agad akong pumunta pag katapos kong mag recess sabi niya sakin.

Ms. dimaculangan may tatanong sana ako sayo at may sasabihin rin na napaka importante . Sabi neto sakin habang nakaupo ako .

"Ano po ba yun ma'am sagot ko.

"Okay lang ba ? Tungkol ito kay lola mo ? Sabi nito sakin

"Po ? Bakit niyo po kilala si lola ko . Padabog na sagot ko sa kanya

"Di mo lang siguro natatanong mag kaibigan kami nang lola mo mula pag kabata at mula nong tumanda kaso nga. Pumanaw na siya at iniwan nako. Napansin ko kasing kamukang kamuka mo siya at kakilos laging tahimik, laging tulala, di maingay at di masyado magulo. Pero pag nasa ibang lugar yun si lola mo nako! Daig pa ang aso sa sobrang ingay. Pero kahit . Ganun yun mahal na mahal ko ang lola mo.nong pumanaw nga siya halos maiyak iyak ako dahil di ko inakala na iniwan nako ng best bff ko mula pag kabata.

Laking gulat ko na siya pala ang kaibigan ng lola ko kaya pala ay madalas na ikinukwento ni lola yung kaibigan niya sakin pag nasa labas kami ng bahay niya pag nag memeryenda kasi kami ni lola sa bench kami sa labas.

Ah, ganun po ba ? Di ko po kasi alam na kaibigan kayo ni lola kasi ikinukwento po niya kayo sakin pero hindi niya po mabanggit yung pangalan niyo kasi po sabi niya malalaman ko rin yun pag pumanaw na siya . O kaya po kung mabubuksan ko daw po ang nag lalaman ng kanyang mahalagang gamit or yung kwintas daw po. Sagot ko

Biglang nanlaki ang mata neto sakin at para bang gulat na gulat nong nalaman ang tungkol sa Kwintas.

"Ang kwintas ? Patanong na sagot neto.

"Opo alam niyo po ba kung saan to nakatago ? Tanong ko

"Alam ko man ang lugar pero ayukong mabuksan mo ito dahil delikado ito para sa edad mo siguro ay oras na para bumalik ka sa iyong room time na kaya balik na bilis sagot nito na mabilis.

"Pero ma'am di niyo po ba sasabihin ? baka po makatulong ako sa problema ni lola ngayun? Tipid na tanong ko.

"Bumalik kana sa room mo ms. Dimaculangan at wag mo nakong tawaging ma'am pag sa labas lola nalang .sabi neto sakin.

"Sige po ma'am ay este lola !

" hay nako kylaa balik na bilis makulit na bata .

" sabay takbo ko sa labas kasi time na nga e.





HARMONY NECKLACE Where stories live. Discover now