“We learned not to meet anymore, we don't raise our eyes to one another. But we ourselves won't guarantee what could happen to us in an hour.”
—Anna Akhmatova, The Complete Poems of Anna AkhmatovaAlam ni Akira na sa pagkakataong tumapak siya sa kinaroroonan ng kanyang kapatid ay magiging magulo ang payapa niyang buhay. Ngunit ang hindi niya alam ay kung papaano nga ba ito gugulo.
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago nilingon ang kanyang kasintahang si Xander. May munting ngiti na nakahugis sa kanyang mapupulang labi na siyang ikinagaan ng loob kahit papano ni Akira.
"Pumasok na tayo?" hindi niya napigilan na magpakawala ng isang mahinang halakhak dahil sa paraan ng pananalita nito. Masasabi niyang kahit ilang taon niya pa itong turuang magsalita sa sariling wika ay di mapagkakailang ang tono ng kanyang pagbigkas ay walang wala kumpara sa kanya.
"Xander, you don't have to force yourself, you know. And, yeah. Come on. Amira's waiting for us already," tugon nito pagkatapos nitong tumawa nang mahina. Tumango lamang si Xander bago nito kinuha ang kanyang nanlalamig na kamay at saka tinungo ang madilim na pasilyo ng ospital.
Mag-dadalawang na taon nang hindi nakikita ni Akira ang kanyang kambal. Pagkatapos niyang malaman ang balak nito ay agad siyang lumipad patungong Amerika at doon ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral kasama ang kasintahan niyang si Xander.
Mabibigat ang bawat hakbang na pinakawalan ng magkasintahan. Pareho lamang sila ng nararamdaman; parehong nanabik, natatakot, at inuusig ng kuryosidad bago pa man sila makarating sa pinaroroonan ng receptionist.
"How can I help you both, Ma'am and Sir?" magalang ang pananalita ng babae na sa tingin nila'y nasa edad nang 25 o 26 ngunit bakas sa mukha nito ang antok at pagod sa maghapong trabaho.
"I'm here for my sister," panimula nito. "I'm Akira Kristen Park, Amira's twin sister."
Bumilog agad ang pares ng mata ng receptionist lalo na nang mapansin niya ang pagkakapareho sa taong nabanggit nito. "Ay Ma'am, you do look gorgeous like your sister. She'll be glad to see you both here."
Muntik na niyang malimutan ang isang bagay; ang isa sa pinakaimportanteng rason kung bakit ngayon niya lamang ulit mabibisita ang kanyang pinakamamahal na kapatid pagkatapos ng dalawang taon na lumipas.
"Ah, thank you for the compliment miss. Pwede mo na ba kaming dalhin sa kanya or at least assist us?" nanlaki panandalian ang mga mata ng babae bago ito tumango at nagsalita.
"Follow me," walang lingon-lingon itong tumayo at tinungo ang elevator na hindi nila agad napansin dahil natabunan ito ng mga nagtataasang halaman. Nang magbukas ito ay dali-daling pumindot ng iilang numero ang babae bago hinarap ang magkasintahan. "Pag nakarating na kayo sa 8th floor ay dumiretso lamang kayo ng lakad. Pag dating ninyo sa dulo ay lumiko kayo pakaliwa. Naroon ang opisina ni Doktora Villanueva at ituturo niya sa inyo ang kinaroroonan ni Amira."
"Sige, sige. Maraming salamat sa iyong mga tulong Miss...?" Hinayaan niyang nakabitin ang kanyang pangungusap at tinitigan ang babae habang hinihintay itong magsalita at dugtungan ang kanyang sinabi.
"Miss Sandy. Walang anuman."
"Oh, nice name. Thanks again, Sandy," si Xander na ang tumugon bago maingat na hinila si Akira papasok sa elevator. Nagulat man ay hindi niya ito pinahalata at sumunod na lamang bago niya ginawaran ng isang ngiti si Sandy.
Nang tuluyan nang magsara ang elevator ay hinarap niya ang kanyang kasintahan na mukhang may iniisip na malalim. "What was that, Xan?"
"Huh? What?"
"That stunt you pulled there. You acted weird for a bit earlier." Umiling lamang ito but Akira knew better. "Ngayon ka pa maglilihim sa akin?"
Agad na napailing ang binata bago ito tumugon. "There's just something about that girl. I mean. I have a bad feeling about h—" bago pa nito matapos ang kanyang sinasabi ay biglang tumunog ang elevator na nagbabadya na pupwede na silang lumabas.
BINABASA MO ANG
Renaissance; Rebirth || fil, editing
Misteri / ThrillerEditing. Date Started: December 7, 2013 Date Started to Edit: December 27, 2015 Finished: Mystery / Thriller #638-#548