Chapter 4 - Good looking bastard

695 23 0
                                    

CHAPTER 4 - Good looking bastard

"Who's that guy anyway?" Tanong sakin ni Luke matapos kong magamot si Mr. Thief/Savior.

Ito kasi ang hiningan ko ng tulong para mailipat ito rito mismo sa sarili kong bahay ng hindi nalalaman ng mga magulang namin. In vulnerable state naman ito dahil sa sugat niya sa paa kaya tiwala akong hindi ito makagagawa ng kalokohan...sa ngayon.

Kung magkagipitan man, hindi ako magdadalawang-isip na makipaglaban ng patayan sa kaniya. I know not just those basic in self defense. Honestly saying, black belter ako sa taekwondo noong nasa college pa lang ako and I am maintaining my training until now. Regular member ako ng isang exclusive taekwondo gym dito sa Maynila at hindi basta-basta ang mga nagiging sparing partner ko roon. With my healthy lifestyle and extensive workout regularly, I can say that I have the enough strength, agility, speed, stamina and endurance to protect myself alone.

"He's the one who saved my sister's life from an incident a week ago. I can't bring him to a hospital due to a confidential reason. Huwag mo ng itanong 'yung iba pang detalye. Basta 'yun na 'yun."

Nakikita ko ang pagdududa sa mukha nito ngunit hindi niya na rin ako inusisa pa. Hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa masamang parte ng lalaking ito dahil alam kong mag-aalala lamang siya ng husto. Knowing Luke, possessive at lubos nitong iniingatan lahat ng taong mahalaga sa kaniya at malinaw sa akin na isa ako sa mga taong iyon dahil halos kapatid na ang turing niya sa'kin kagaya ng sa kuya ko.

"I doubt if I let you stay here with this guy. Una, dahil hindi maganda ang kutob ko sa kaniya at pangalawa, will you feel comfortable?"

I just give him an assuring smile.

"Don't worry, you're my trainor when it comes to kicking someone's bad ass right? I'll be alright, promise. Sige na, ihatid mo na si Maddy pauwi dahil baka hanapin na siya nina Mama."

He just replied his okay saka ito lumabas kasama ang nakasimangot kong kapatid.

Gusto kasi nitong magpaiwan. Bagay na hindi naman maaari. Ano na lamang ang irarason namin sa bahay kapag nagkataon? Hindi pa man ngunit nakikinita ko na ang pagwawala ng aming ina sa oras na malaman nito ang kababalaghang ginagawa namin ni Maddy. Sana naman ay gumaling na ang dumuhong ito bago pa kami mabuking.

I roam my eyes around my house. Mabuti na lamang at dalawa ang kuwarto rito na pawang nasa second floor. May mga ininstall din akong ilang safety features gaya ng thief alarm sa buong kabahayan at voice recognition password sa front door at backdoor. This two storey concrete house was my reward from my father after I passed the board exam to become a license doctor just like my mother. Hindi lang basta pasado dahil isa rin ako sa mga nanguna sa lahat ng nakapasa. Two years ago lang nang makalipat ako rito. Siniguro muna kasi ng mga magulang ko na handa na talaga ako para humiwalay sa kanila. Tutol pa nga noong una si mama ngunit napapayag ko rin ito sa pamamagitan nang mahaba-habang paliwanagan at sa pagkumbinsi rin dito ni papa.

Matapos kong pasadahan ang aking bahay ay ang nahihimbing ko namang pasyente ang aking pinagmasdan. Ngayon ko lamang napansin ang itsura nito. Palibhasa ay ngayon ko lang din ito natitigan ng husto sa malapitan.

"Tsk! May ibubuga ka rin pala pagdating sa mukha." Bulong ko sa sarili ko.

Maganda kasi ang hubog ng mukha nito. A perfect foreign look. Sa bagay, Australian fugitive nga pala ang ama nito kaya may halong banyaga ang itsura niya. Mayroon itong strong feature at prominent jaws, lalaking-lalaki ang dating at itsura. Malalantik ang pilik mata, matangos ang ilong at may maumbok at makurbang mga labi. Bahagya nga lang maputla dahil siguro sa ilang dugong nawala rito. Tan ang kulay ng balat niya. Halatang sunog sa araw ngunit bumagay naman sa kaniya. Mayroon din siyang magandang pangangatawan. Natural ang pagkakahubog ng abs, biceps at triceps nito. Plus pa ang factor na matanggkad ito.

Ba't di kaya naisipan nitong maging macho dancer na lang sa club kaysa magnakaw. Eh mukha namang bebenta siya. Baka nga maging blockbuster pa ang pila sa kaniya. Mag-ayos lang ito ng damit puwedeng- puwede na. Medyo gusgusin kasi ang pananamit nito na halatang kung saan lang nasipat.

As I continue staring on his naturally handsome face, every Info's about him flash back.

Manolo Ruco Villanueva Francisco.

Wala na bang ihahaba pa ang pangalan niya?

Makailang ulit ko pang binanggit sa aking isipan ang pangalan niya hanggang sa mabuo ko ang dalawang salita. Ma, mula sa una niyang pangalan na Manolo at Ru naman, mula sa second name niyang Ruco. In short...Maru. Mas maiksi, mas madali at mas angkop sa kaniya. Puwede rin kasing sabihin na galing ito sa salitang, 'MAnduRUgas'.

"Hoy Maru! Naniniwala akong lahat ng tao ay may itinatagong bait kahit pa sa kasulok-sulukan ng buto nito! Sana lang, mali ako at tama si Maddy pagdating sa pagkatao mo."

Iyon lang at iniwan ko na ito para tunguhin ang sarili kong silid at magpahinga.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa nakagugutom na amoy ng pancake.

Pancake? Ba't amoy pancake?

Napabalikwas tuloy ako ng bangon at patakbong binaybay ang hagdan pababa. Nagulat na lamang ako ng makita ang nakatalikod na dalagitang babae na naka-pigtail ang buhok at nakasuot pa ng apron. May inaayos ito sa dining table sa kusina.

"Maddy?"

Anong ginagawa nito rito sa ganito kaagang oras?

"Good morning ate! I already prepare the breakfast!" Masiglang bati nito sa'kin.

"And what do you think you're doing here? Baka ma-late ka sa school mo."

Nag-cross arms naman ito sa harap ko.

"Ate, it's only six in the morning. Did you forget, friday ngayon kaya nine pa ang pasok ko. That means, I still have time to prepare for a breakfast. Look, I cook strawberry pancakes, baked mac and blend freshly squeeze lemon juice."

Is she really my sister? Kailan pa nagkusa sa paghahanda ng almusal ang kapatid kong ito?

"Okay."

Iyon na lang ang nabitawan kong salita. I'm still in shock with her sudden change. Uupo na sana ako ng pigilan pa ako nito.

"No! Not there ate! Diyan uupo si Kuya Ruco! Doon ka na lang sa kabilang upuan. Ako kasi mauupo sa tabi niya."

Nagtataka ko naman itong tinaasan ng kilay saka lumipat ng upuan.

"Okay ka lang ba, Maddy?"

Nakangiti naman itong tumango sa akin. Ganadong-ganado ito habang inihahanda ang mga plato at basong gagamitin. May pa-humming- humming pa ito't pasayaw-sayaw ng bahagya.

Weird.

Maya-maya lang din ay may bulto na ng lalaking pumasok sa kusina. Pareho pa kaming natulala matapos makita ang isa't isa.

"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ko?" mapag-akusa nitong tanong sa akin.

Wow ha! So ako pa talaga ang lumalabas na stalker dito?

Pretty Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon