Chapter 18 - Confession of feelings

501 18 0
                                    

CHAPTER 18 - Confession of feelings

"Pasensya ka na. Dito lang kita sa karnabal nadala. Can't afford ko pa kasi 'yung sa mga mamahaling amusement park." Hinging paumanhin ni Maru habang naglalakad-lakad kami.

Matapos kong kunin ang bulaklak kanina, lumapit na siya at kaswal lang kaming nagngitian. Without saying any words, we treat each other as if nothing happens. Namasyal pa kami, naglaro sa mga games dito sa karnabal at sumakay sa mga rides. Hindi na nga namin namalayan na lumubog na pala ang araw dahil sa labis na pagkalibang. Gaya ng dati, we share laughers, corny jokes, nonsense talks and even baloneys. Kung gaano kami ka-close bago ang mga nangyari nitong huling buwan. Freeing ourselves and forgetting all the problems and stresses even for a moment.

"Anong pasensya? Ang saya kaya. Ngayon na lang ulit ako humalakhak ng ganoon kalutong at kalakas. Simple pero masaya. Best day ever kaya salamat dahil nakarating ako rito dahil sa tupak mo." Muli kaming nagtawanan dahil sa biro ko. "Nga pala, saan ka natulog kagabi? Alam mo bang napuyat ako sa kakatanghod sa pinto hanggang umaga? Tinanghali tuloy ako ng gising kanina at hindi na umabot sa duty ko." Biglang bago ko sa paksa.

"Diyan lang."

"Anong diyan lang? Saan? Sa kalsada? Santisima ka! Paano kung nadesgrasya ka?" Sunod-sunod kong tanong dahil sa pagkagikla.

"Desgrasya? Seryoso ka alindog? Buong buhay ko kaya nakikipagpatentero na ko sa lansangan. Kahit nga nakapikit kaya kong mag-parkour exhibition sa kalye," pagyayabang naman nito.

"Tss, kahit na. Ang desgrasya hindi mo masasabi kung kailan tatama. Kahit nga mga propesyonal na sa larangan ng sports naaaksidente pa," litanya ko rito.

"Ayan ka na naman sa panenermon mo. Ano ka, pari? Saka may kasalanan ka pa kaya sa'kin tapos dinadagdagan mo na agad," reklamo naman nito.

"Kanina pa kaya ako nagso-sorry sayo, hindi mo lang pinapansin kasi silent mode ka. Ikaw nga diyan, wala akong narinig sayo maski isang sorry. May sinabi ka rin kayang masama sa'kin. Hinusgahan mo ako nang walang kahit anong basehan."

"Kaya nga sinuyo kita kanina diba? Dinaan ko lang sa kilos at hindi sa salita. Eh di ba nga sabi mo, action speaks louder than words. Sinunod ko lang," pagtatanggol nito sa sarili.

Inirapan ko na lang ito at hindi na umimik pa. Nang makakita ng upuan ay naupo muna kami roon para magpahinga. Sandaling katahimikan ang namayani sa'min hanggang sa basagin iyon ni Maru.

"Pero alindog, puwede ko bang malaman ang dahilan?"

"Dahilan?" takang tanong ko.

"Kung bakit bigla mo na lang akong iniwasan? Hindi ako manhid para hindi makaramdam. Bago pa 'yung isang linggo mong hindi pag-uwi, may kakaiba na sa'yo. Nitong huling buwan lang, pansin kong ilag ka sa'kin. Iniiwasan mo ko sa hindi ko malamang rason. Hindi naman tayo ganoon dati. Kahit hindi naging maganda ang simula natin, naging maayos naman tayo. Naging sobrang close pa nga tayo eh. Ano ba talaga ang nangyari? May nagawa ba kong mali? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Tungkol ba ulit ito sa pagpa-parkour ko habang nag-aaral? Kasi kung tungkol doon, anong point? Kaya nga pinagbuti ko ang pag-aaral ko para wala kang masabi."

Now that he brings back the topic, I don't know how to start my explanation. Matindi ang pagtatalo sa isip ko kung sasabihin ko ba o hindi. Kung maiintindihan niya ba o mas lalo lang siyang magagalit. He's right when he said that we are so close before the dilemma occurred. For a year, we became the greatest team that the world has ever seen. Treated each other as best friend and simply became happy.

Ngunit lahat ng iyon ay mabilis na nagbago nang isang araw paggising ko, may biglaang bagay akong napagtanto. Bagay na nagdulot sa'kin ng pangamba, takot at kaba. Dahilan upang humantong ako sa desisyong hindi ko man lang pinag-isipan.

"Alindog?" pukaw ni Maru sa atensyon ko. Kung saan na pala kasi ako dinala ng pag-iisip. Tuloy, sandali akong natulala.

"Ano, may problema ba?" muli nitong tanong.

Kung gaano ako nahihirapan ngayon, alam kong ganoon din si Maru because everything was suddenly. Ito na siguro ang perfect timing na inaantay ko. Karapatan niyang malaman ang tungkol dito upang masolusyonan din namin 'to pareho. I breathe deeply and exhale deliberately before letting the words to come out.

"I am attracted to you, Maru." Direkta kong sabi at wala nang paliguy-ligoy pa.

Surprise is evident on Maru's expression after hearing those. Hindi ito nakakilos at halos hindi na rin kumukurap.

"Maru? Hoy Maru! Ayos ka lang ba?"

Hinawakan ko ito sa magkabilang braso saka inalog-alog.

"Ha? Teka lang ha. Ulitin mo nga. Para kasing nabingi ako bigla."

Halata pa rin ang gulat sa tono nito.

"Paulit-ulit ka naman eh! Sabi ko, attracted ako sayo! Kung itatanong mo kung bakit, aba malay ko! Ni hindi ko nga alam kung kailan at paano ito nagsimula. Alam mo namang hindi pa ko nagkaka-boyfriend. I've never been in love and this is the first time I got attracted to someone. Siguro dahil sa pagiging sobrang close natin. Kasi naging palagay ang loob ko sa'yo. Isa pa, hindi ka naman kasi mahirap magustuhan. Mabuti kang tao and you are an opposite of what you've been through before. You are a great guy Maru, kaya masuwerte ang babaeng mamahalin mo."

Maru's face cease in confusion right after listening with my last sentence.

"Ang babaeng mamahalin ko? Ang gulo naman? Akala ko ba gusto mo ko? Ba't parang sa tono mo, ipinamimigay mo na agad ako?" Taranta nitong tanong.

"I said I am attracted to you but that doesn't mean na mahal na kita. Kaya nga maaga pa lang inaagapan ko nang hindi mauwi roon."

"Bakit kailangan mong agapan? Bakit kailangang pigilan? Ano namang masama kung magkagusto ka sa'kin at mahalin mo ko? Krimen ba 'yun? Pucha! Wala naman akong nababasang ganiyan sa batas ha!"

Now he's becoming irritated, pero bakit? Imposible namang may gusto rin siya sa'kin.

"Sa batas hindi pero sa mata ng tao, oo! Maling mali iyon Maru. Sa layo ng agwat ng edad natin baka isipin pa ng tao na boy toy kita! A young man considered as an object for sexual desire at ako naman...cougar! Kapag nalaman 'to ng parents ko, baka this time itakwil na nila ko. You already know my story Maru. I've been a greatest disappointment for them during the death of my kuya. Kundi dahil sa katigasan ng ulo ko hindi naman siya mamamatay. Hindi magluluksa ang pamilya ko at hindi sila magagalit sa'kin. I worked so hard just to regain their trust and forgiveness. Sinunod ko lahat ng utos nila after that tragic incident. Kung anong gusto nilang kurso para sa'kin, kung ano bang dapat kong pag-aralan, bilhing libro, suoting damit, pati sa zero love life ko. Kapag sinabi nilang hindi puwede at hindi nila gusto, walang tanong akong sumusunod. Buong buhay ko de numero ang kilos ko. Tiniis ko lang. I deprived myself all my life but in the end, I succeeded. Napatawad nila ako at nabawi ko ang tiwala nila. Ngayon ko pa lang 'yun nakukuha Maru at ayokong masayang 'yun nang dahil lang dito! Just because this useless and meaningless attraction! I can't loss my family for the second time. Baka ikamatay ko na kapag nangyari pa 'yun."

Sobs and tears already come out as I finish my dialogue. Para bang lahat ng sakit mula sa nakaraan ay bumalik habang idiniditalye ko ang lahat. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Maru nang mga oras na iyon pero sa pagtitig sa mga mata niya, nakikita ko ang pag-aalala at pag-aalinlangan.

Mahabang kapayapaan. Matagal bago muling naibuka ni Maru ang kaniyang mga labi.

"Edi anong gusto mong mangyari?"

Kalmado na ito ngunit halatang marami pa ring iniisip.

"Tulungan mo ko na mawala ito."

"Sa papaanong paraan?"

I compose myself first before telling him my plan.

"Let's have...an open relationship status."

Pretty Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon