Chapter 1:Ms. Snow White

54 1 0
                                    

Hello!Ako si Reychelle C. Fransisco.17 years old.Nag-aaral sa France Academy.Scholar ako dito.Actually hindi lang naman ako yung scholar dito.Kaya kaming magkakapwa iskolar ang naging magkakaibigan.

"Reychelle tara na dito!!!"sabi ni Marie."Oo na!!"sabi ko at saka tumakbo na papunta sa kanila na nasa may tapat na ng room namin.Section B-3 ako.Hindi naman kasi ako ganun kayaman para mapasok sa A-3.Yung sobrang mayayaman lang ang nasa First Section.

"Lutang ka na naman.Okay ka lang ba?"sabi ni Katerina."Haha.Wag niyo na lang ako pansinin."sabi ko sa kanila.

Pumasok na ang teacher namin sa first subject at nakinig na lang din ako.

"Okay class dismissed."sabi ni mam.Wow.Ang bilis ng oras!Break time na agad!

Lumabas na kami at dumiretso na sa rooftop.Oo sa rooftop.Ayaw namin sa mataong lugar.Kasi.Iniinis lang nila kami.Psh.Yabang.Porket mayayaman sila.

"Guys alam niyo ba na may Train to Busan 2?"narinig Kong sabi ni Ayen."Oo nga pala."sabi ni Joyce.

Hinayaan ko na lang sila mag-kwentuhan at syempre nagsasalita rin ako.

Nag-bell na at pabalik na sana kami nang bigla akong may narinig na kaluskos sa may likod ng building.

"Guys sige na may naiwan lang ako."sabi ko at pinauna na silang maglakad.Nang masigurado ko nang nakaalis na sila agad akong tumakbo papunta sa likod

"Aray.."narinig kong boses ng isang lalaki."Pare!Nandito!!"narinig ko namang sabi ng isa pa."gagu!Eskwelahan na ito!Baka mahuli tayo!"sabi naman ng isa pa."Pero..Kailangan natin patayin yung lalaki na iyon.Lagot tayo kay boss."narinig kong sabi ng lalaki.

Nakita ko naman yung lalaki agad naman akong lumapit dun sa lalaki.Kung titingnan mo,kasing edad ko lang siya binuhat ko siya.Nilagay ko ang braso niyo sa likod ng batok ko at saka siya binuhat paalis doon.

Nang nasa harap na ako ng building naghanap ako ng pwede kong mahingan ng tulong.Tiningnan ko ang lalaking kasama ko.

Dinala ko siya sa clinic.Nag-aalala ako dito sa lalaki na ito.Baka mamaya kung ano na nangyari sa kanya.

Punong-puno siya ng pasa sa katawan at andami niyang dugo sa katawan niya.Nang makarating kami ng clinic.Puno na ng dugo niya ang katawan ko at lalo akong nataranta.

"Nurse!Nurse!!"taranta kong sabi at lumabas naman ang nurse."Ano nangyari?"tanong ng nurse."Andaming nawalang dugo sa kanya.Ano nangyari sa kanya?"tanong niya sa akin.

"H-hindi ko po alam."sabi ko at hiniga na siya sa kama."Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital."sabi ng nurse at tinawagan ang pinaka-malapit na ospital para makapagpadala ng ambulansya.

Tapos ilang minuto lang ang lumipas dumating na agad ang ambulansya.Sobra ang pag-aalala ko sa lalaki na ito.

Nakita ko ang mga estudyante na nagbubulungan pero hindi ko sila pinansin at dere-deretsong sumakay sa ambulansiya.

Kulang na lang umiyak ako sa sobrang pag-aalala sa lalaki na ito kahit hindi ko naman siya kilala.

Mabilis kaming naka-rating sa ospital.Tapos agad siyang dinala sa emergency room.

Makalipas ang 30 minutes lumabas ang doktor at sinabi."Misis huwag na po kayong mag-alala.Ayos lang ang asawa mo."sabi ng doktor.

"Asawa?Hindi ko po siya asawa.Nakita ko lang po siya sa likod ng school namin."sabi niya.

"Aahh...akala ko asawa mo ang lalaki na nasa loob.Kita ko kasi na sobra kang nag-aalala sa kanya."sabi niya.

"Maraming nawalang dugo sa kanya.Kailangan niyang salinan.Type AB ang blood type niya.Alam kong mahirap maghanap---"

"Ako po.Magdo-donate po ako."sabi ko.Blood type AB din ako eh."Well that's fast.Let's go."sabi niya at dinala ako sa kung saan para makapag-transfer na ng dugo.

*after several hours.*

Ansakit pala mag salin ng dugo!Pero okay lang basta mabuhay yung lalaki na yon!Baka ako pa masisi kapag namatay iyon eh.

Pumunta ako sa room niya.Nang pumasok ako walang tao.Pinagmasdan ko muna siya.

Gwapo pala siya.Matangos ang ilong,mapula ang labi niya,mahabang pilik-mata at perfect jaw line.Gwapo siya in short.

Tumingin ako sa oras.Kanina pinalagay ang name ko at pinapirma ako sa isang papel nung doctor tapos bayad na daw ang bills.

Late na rin kailangan ko nang umuwi.Mukha na nga ako ngayong murderer dahil may dugo pa yung uniform ko.

Pero hayaan mo na.Umuwi na ako sa bahay.Baka mapagalitan pa ako Nina Mama at Kuya.

Someone's POV

"What the fuck?!"sigaw ko sa dalawa kong tauhan.

"Sorry po boss.School na po kasi ang mapapasu---"

"Wala akong pakialam!!!Dapat pinatay niyo na siya!!!Arrrggghhh!!!"sigaw ko.

Grr!!

Mamatay rin kayo!!Mapupunta rin sa akin mga kayaman niyo!!

At ako mismo ang papatay sa inyong pito.

Snow White And The Seven Monsters.Where stories live. Discover now