Monumento by Kyla and Kris Lawrence

19 0 0
                                    

Monumento by Kyla and Kris Lawrence

Kyla: 

Ikaw ang sumisindi
sa aking napupunding pangarap.

Lalong tumitindi
ang apoy ng pagsisikap. 

Ako ang pinipinta
larawang sinisintang hangarin. 

‘Di mo iniinda ang pahirap sa damdamin.
Hulog ka ba ng langit. 

Tila anghel ka na walang kasing bait.
Palaisipan kung bakit.
Datapwat subalit. 

Mahiwaga nga ang pag-ibig.

Chorus: 

Konting bato, konting semento.
‘Di pa rin kuntento. 

Para ipakita ang pagmamahal sa’yo.
At parang santo sa kumbento. 

Bidang star sa kuwento.
Idol ka, taas kamay ako sa’yo.

Ikaw ang dakila, syento porsyento.
Hayaan mo’t ipagtatayo kita… Ng monumento.

Vamp: Mento, mento, mento. Mo-monumento. Mento, mento, mento.

Kris: 

Sa dami ko nang sablay
at dami nang pasaway na banat. 

Ang dapat sa akin ay…
sa presinto na lang magpaliwanag. 

Buti na lang wagas kahit na ang dalas magkulang.

‘Di ka nababanas pangiti-ngiti ka lamang.
Parang nananaginip. 

Ayaw gumising na sa pagkakaidlip.
Sobrang napapaisip. Dedma sa bad trip.

Ibang klase nga ang pag-ibig

(Repeat Chorus)

Bridge:

Sa bawat sulok, kanto at rotonda
Ibabantayog, walang kokontra...

(Modulate to last Chorus)

Coda:

Sa Edsa, Caloocan o Luneta.
Kahit saan ipagtatayo kita… Ng monumento.

(Repeat Vamp)

Song BookWhere stories live. Discover now