Nakita ko siyang natutulog sa desk niya, napangiti ako dahil sa sobrang cute niya. Kukuhanan ko sana siya ng litrato pero naalipungatan at nagising siya, tinanong niya pa 'ko no'n kung anong oras na.
"Miss, anong oras na? Nasa'n na 'yung mga kablockmates ko?" tanong niya.
"Alas-diyes ng u-umaga, nauna na 'yung mga kasama mo. I-iniwan ka nila dahil mahimbing 'yung tulog mo." kinakabahan kong sagot.
Nginitian niya ako at bigla niyang hinawakan ang isa kong balikat saka umalis siya bigla. Natulala ako sa ginawa niya, pakiramdam ko nanghina ang mga tuhod ko. 'Yon ang una naming pag-uusap.
Nakita ko ulit siya, nginitian niya ako at tinanong niya ako kung anong oras na. Sinagot ko siya, at nginitian niya 'ko. Paalis na ako, pero hinawakan niya pa ang pulso ko. Nilingon ko siya—nagpasalamat siya sakin ang sabi niya pa no'n ay natatandaan niya 'ko.
Sobrang natuwa ako sa mga sinabi niya. Inaamin ko hinahangaan ko siya. Nagising ako na may ngiti sa labi, sinasabihan pa ako ng nanay ko na baliw na raw ako kasi mukha akong tanga na ngumingiti mag-isa.
Ilang araw ang lumipas, nagtagpo ulit ang landas namin. At kung siniswerte ka nga naman, magkaklase pa pala kami. Sa tuwing magkakabunggo kami, magngingitian kami na parang tanga. Parehas kaming nahihiya na magsalita. Natatawa nalang ako sa tuwing naaalala 'yon.
Isang araw, nagkasama kami sa isang project. Marami kami pero parang may sarili kaming mundo. Doon ko nalaman ang pangalan niya, naging close kami. Inaasar niya akong singkit dahil kapag tumatawa ako halos hindi na makita ang mga mata ko. Inaasar ko naman siyang antukin dahil halos buong period ng klase namin—gusto niyang matulog.
Naging magbestfriends kami, ang bilis 'di ba? Pero wala akong pakialam nung panahon na 'yon, basta masaya ako na naging magkaibigan kami . Lagi kaming magkasama umuwi, kumain, gumawa ng projects, at kung ano pa. Inaasar pa nga kami ng mga kablockmates namin na bagay kami. Pero parehas lang kaming natatawa sakanila.
Pero isang araw, hindi ko alam kung paano nangyare. Ang alam ko lang, ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing tinitignan ko ang mga mata niya. Gusto ko na ata siya.
Sa sobrang kaba ko na gusto ko siya. Umiwas ako sakaniya. Nagsimula na siya magtaka sa mga kilos ko. Hindi na ako sumasabay sakaniya, lagi na akong mag-isa tulad ng dati.
August 16,2015
Ang araw na 'to, na sasagutin lahat ng mga tanong ng puso ko. Nakita ko siya na may kasamang iba. Sabi nila 'yon daw ang 'yung nililigawan niya. Nakaramdam ako ng sakit at selos. Hindi ko alam, basta naiinis ako sakaniya. Nung nakita niya ako, hinabol niya 'ko at tinatanong niya ako kung bakit ko siya iniiwasan?
"Thea, umiiwas kaba?" tanong niya habang hawak ang dalawang balikat ko.
"Hindi ah, busy kasi ako." deny kong sagot sakaniya no'n.
"Alam kong nagsisinungaling ka, Thea." sabi niya.
Napayuko na lang ako at huminga ng malalim bago ko sagutin ang tanong niya.
"Umiiwas ako kasi baka magselos 'yung nililigawan mo," sagot ko sakniya habang nagdadasal na sana makalusot ako.
Magsasalita pa sana siya kaso umalis na ako sa harapan niya, ayokong marinig ang tungkol sa babaeng nagpapatibok ng puso niya. Masasaktan lang ako.
Doon ko nga nalaman na hindi ko lang siya gusto, mahal ko pa siya.
Dinamdam ko 'yung araw na nalaman kong may nililigawan siya. Binigay ko ang makakaya ko para maiwasan siya. Pero hindi ko inaasahan na 'yung sakit na nararamdaman ko, mapapalitan niya pa 'yon ng saya.
Nagkakagulo sa may grounds, may balita na may lalake daw na kakanta. Dahil curious din ako pumunta ko sa grounds. Nakita ko siya na nakatayo sa gitna at may hawak siyang malaking bear, bulaklak, at mikropono. 'Yung itsura niya—mukhang may hinahanap, tumalikod ako dahil ayokong makita ang espesyal na araw niya. Pero napatigil ako...
"Naomi Thea Gutierrez, " banggit niya sa pangalan ko. Napahinto niya ako dahil do'n. Humarap ako sa kinaroroonan niya, nakita ko siyang papunta aa direksyon ko at agad niya akong niyakap.
"Namiss kita, Thea." sambit niya habang yakap ako.
"Ano bang kalokohan 'to, Jes? Magseselos 'yung nililigawan mo sa ginagawa mo eh." sabi ko habang tinutulak ko siya palayo.
"Bago mo akong ipagtulakan please, makinig ka muna sakin." sabi niya sakin bago siya magsalita ulit sa mikropono.
"Naomi Thea Gutierrez, patawad dahil pinagselos kita. Oo, alam kong mahal mo ako, 'wag kang mag-alala. Quits lang tayo. Noong araw na iniwasan mo ako, sabi ko kailangan na kitang ligawan. Nagpatulong ako kay Jessa na mukhang pinagselosan mo ng sobra at nasabi mo pa siya ang nililigawan ko. Nagpatulong ako sakaniya ng plano para ligawan ka. Hindi ko inaasahan na iiwasan mo 'ko ng todo. Nasaktan ako sa ginawa mo. Ginawa ko 'yong lakas ng loob para humarap sayo, ligawan ka sa harap ng tao. Kaya please, 'wag kang aalis d'yan. Makinig ka sa kakantahin ko kung hindi, hahalikan kita sa labi mo" banta niya sa'kin bago siya kumanta.
Kinanta niya 'yung Tulad Mo By: TJ Monterde, iyon ang una ko siyang narinig kumanta. Napakaanghel ng boses niya, naramdaman ko 'yung pagmamahal niya nung kinanta niya 'yon. Umiiyak na ako sa sobrang kilig at tuwa. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko ng mga oras na 'yon. Hanggang sa tinanong niya na 'yung pinakahihintay kong marinig.
"Pwede ba kitang ligawan, Naomi Thea Gutierrez? " tanong niya.
"Oo naman, Ash Jestin Garcia " sabi ko sakaniya habang nakangiti.
Tuwang-tuwa siya, binuhat niya pa 'ko at inikot-ikot. Parehas kaming tuwang-tuwa, pakiramdam naming dalawa sa amin lang umiikot ang oras at mundo.
Pinagbutihan niya ang panliligaw sa'kin. Nakuha niya rin ang loob ng mga magulang ko. Ilang buwan ko siyang pinahirapan sa panliligaw. Minsan nga nagkasakit siya pero 'di pa rin siya sumusuko sa'kin. Hanggang sa dumating ang araw ng pasko. Sinagot ko siya sa harap ng parents ko at parents niya. Sa sobrang tuwa niya at saya, muntikan niya na akong halikan. Kitang-kita ko sa mata niya at ngiti niya 'yung saya at pagmamahal.
Umabot ng iIang taon ang relasyon namin. Legal kami. Nakagraduate na kami ng college. Naging matibay ang relasyon namin kahit minsan ay nagkakatampuhan kami. Pero naging parte na 'yon ng cycle ng relasyon namin. Away-bati tapos kilig. Ang akala ko hindi kami magkakahiwalay, 'yon pala akala lang 'yon.
Habang nasa trabaho ako, tinawagan ako ng mama niya. Muntik ko ng mabitawan ang telepono ko sa ibinalita niya sakin. Nasagasaan siya, at nasa Ospital daw siya. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at umalis para puntahan siya. Umiiyak ako habang papunta sakaniya.
Pagdating ko sa ospital, naguluhan ako sa nakita ko. Ang mga magulang niya—umiiyak. Tinanong ko si Tita pero umiling lang siya, nanghina ang tuhod ko dahil do'n. Wala na pala siya...
Iniwan niya 'ko...
Ang sabi niya pa noon Itinadhana tayo pero mukhang tama ako dahil pinagtapo lang tayo.
BINABASA MO ANG
Tinadhana Ba? [One-Shot]
Short StoryUna ko siyang nakilala sa isang room. Natutulog siya ng pagkahimbing-himbing. Napangiti ako dahil do'n. Malaanghel ang kaniyang mukha, parang noong nagsaboy ng kagwapuhan si God-nasalo niya lahat. Sa bawat ikot ng mundo, sa bawat pagtakbo ng oras...