Epilogue

42 8 8
                                    


  Matapos ang pangyayari na iyon. Natakot ako na magmahal muli, hindi na ako ulit naniwala sa tadhana. Itinuon ko ang lahat ng oras ko sa pamilya, trabaho, at kaibigan.

Akala ko hindi na muli gigising ang basag na puso ko sa kadiliman. Akala ko magtatagal ang pagsarado nito, pero mukhang tama nga sila.. Maraming namamatay sa akala.

Isang araw, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung para kanino, saan, at bakit. Pero sa tuwing nag-iisa ako, nakakadama ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko.. tibok ng puso na parang nagmamahal ulit.

Ngumiti na lang ako, ngumiti na parang may minamahal. Hanggang sa nagpakita na.. Ang taong hanggang ngayon pala ay minamahal ko pa.

"J-jestin..?"

"Thea..namiss kita." Sabi niya saka niyakap ako.

Doon na bumuhos ang mga luha ko, panaginip. Panaginip ang lahat. Mahal ko pa siya... Mahal na mahal..

Hindi ko pa rin pala siya nakakalimutan, kung ang isip ko ay nakalimot na ang puso ko naman ay hanggang ngayon ay tumitibok pa para sakaniya.

Pumunta ako sa puntod niya, nilagay ko ang puting rosas sa tapat ng pangalan niya.

"Ash Jestin Garcia. Ang taong mahal ko at mamahalin ko pa." Sambit ko.

Pati sa kabilang buhay hindi pa rin napuputol ang pisi na nagdudugtong sa puso naming dalawa. Kung patuloy itong tumitibok, patuloy rin akong minamahal niya.

Biglang lumakas ang hangin na parang binabalot ako nito. Parang isang mainit na yakap, tumulo nanaman ang luha ko..

"Sarranghaeyo Jestin." (Mahal kita)

Hanggang sa bumuhos na ang luha ko at ulan na parang nakikisabay sa pinagdadaanan ko.

"Every seconds, every minute, every hour. My heart beats for you. Only for you.. Ginuguhugma kita."  

Tinadhana Ba? [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon