Chapter11

44.8K 664 7
                                    

Cassy,

       May maya pa sunod sunod na katok ang narinig ko sa may pintuan kaya dali dali kung binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko kaagad si Kakai na nakatayo sa may pinto nagghihintay.

"O bakit Kai anong nangyari kung makakatok ka parang may sunog..."tanong ko kaagad kay Kakai.

" Bakit ka ba kasi naglocked ng pintuan. Halika ka dali sa may garden, bilisan mo dyan. Pinapatawag tayo ni Doc.."sabi agad ni Kakai sabay hila sa akin.

"Ha! Bakit daw?..nagulat ako sa sinabi ni Kakai.

    "Aba malay ko. Lika ka na bilisan mo...hila ni Kakai sa akin

       Sa isip isip ko naman, "patay! yari ako nito baka alam na nila kung anong nangyayari sa amin ni Enzo. Paano nato hindi pa ako tapos sa pag aaral? ano ng mangyayari sa akin.  "Yan na nga bang sinasabi ko sa Cassy matigas ulo mo "pinagalitan ko sarili ko. Mga ilang minuto nakalabas na kami ng kwarto at nasa may garden na kami. Huminga ako ng malalim at dali daling sumunod kay Kakai na sumiksik sa iba pa naming mga kasama sa bahay. Ng nasa garden na kaming  lahat ng mga tauhan ni Doc, nagtipon tipon at handa ng makinig sa sasabihin ni Doc. Halos hindi na ako makahinga sa takot kung anong mangyayari sa akin. Habang nakatayo kami at naghihintay ng sasabihin ni Doc. Yung mata ko naman umiikot, hinahanap si Enzo ng bigla akong siniko ni Kakai.

      "Hoy! hinahanap mo sya ano?..mahinang tanong ni Kakai.

   "Oo, asan kaya sya.."bulong ko kay Kakai.

  "Nakita ko sya umalis after nilang magbreakfast. May pinag usapan yata sila ng Dad nya kanina mukhang seryuso dai. Tapos ayun nakita ko na lang umalis dala dala sasakyan nya.."bulong din ni Kakai pabalik sa akin.

    "Anong pinag usapan nila, narinig mo ba?..tanong ko agad sa kanya.

   "Hindi, anong akala mo sa akin tsismosa lang teh. Bakit ba kasi hinahanap mo sya? Ikaw ha may gusto ka dun no.."muntik ko na hampasin si Kakai sa sinabi nya dahil napalakas ang boses nya.

    Tuluyan na akong natakot, pinagpapawisan na ako sa nerbyos at kung ano ano ng tumatakbo sa utak ko sa oras na to. Maya maya pa nagsalita si Doc, hanggang sa natapos  magsalita si Doc at nag alisan na rin ang lahat. Wala akong naintindihan kung ano pinag uusapan, ang narinig ko lang na si Kakai at ang ibang tauhan lang ang maunang makakauuwi. Sa isip ko "paano naman ako? ng bigla akong tinawag ni Doc.

   "Cassy please stay. Gusto kitang makausap ng personal.."sabi ni Doc kaya nagpaiwan ako.

    "Opo Doc..."sagot ko nalang, iniwan na rin ako ni Kakai.

   "Have a seat ija..."alok nya sa akin.

      Naupo naman ako at naghihintay sa sasabihin ni Doc. Sobra na akong kinakabahan pero hindi lang ako nag papahalata. Sa isip ko naman, "asan ka na Enzo ikaw naman ang nag umpisa nito kaya sana nandito ka para dalawa tayong masasabon ng Tatay mo"sabi ng utak ko.

      
      "Cassy I want you to go with Enzo. Sa place ng grandmother nya sa Bohol, magbabakasyon sya doon ng ilang araw.."diretsong sabi ni Doc sa akin.

      "Hu! Sa Bohol kasama si sir Enzo?....gulat na gulat kung tanong kay Doc.

      Sa isip isip ko nagbibiro ba to? Sa kabilang banda nahimasmasan din ako. Akala ko kasi may alam na si Doc sa mga nangyayari sa palagid nya o sa nangyayari sa amin ni Enzo ngayon.

     "Yes sa Bohol, its Enzo's first time to go there and visit his grandmother. So I want you to go with him para hindi naman sya mabored. Cassy gusto ko sana na ako ang sumama pero hindi ko na kayang bumyahe ng malayo anak. Kaya me and my wife decided na ikaw na lang ang sasama sa kanya.."mahabang paliwanag ni Doc sa akin.

        "Pero Doc paano yung pag uwi ko. Naka promised po ako kay Nanay at Tatay na dalawin ko ang putod nila.."sagot ko kay Doc.

     "I knew Cassy after mo samahan si Enzo makakadalaw ka rin at makakauwi ka rin. Pero sa ngayon samahan mo na muna ang anak ko. At isipin mo na lang na this is my advance gift para sa malapit mong pagtatapos ng pag-aaral mo..."ngiting sabi ulit ni Doc.

     "Pero Doc bakit po ako, si Sir Marco na lang po kaya..."suggestion ko pa.

   "Anak busy si Marco, wala akong ibang maisip ko di ikaw lang.." titig nyang sabi.

     Nag isip na muna ako saglit, sa isip ko, "akala ko makakaiwas na ako sa kanya yun pala mas lalo lang kaming pinaglalapit" simpling buntong hininga ko. Ano pa nga ba magagawa ko nag disisyon na kayong isama ako kaya okay na" sabi ulit ng utak ko.

     "Sige po,papayag na po ako at maraming salamat po sa advanced nyong gift sa akin. Tanawin ko po to na malaking utang na loob sa inyo Doc.."sagot ko na lang sa kanya.

       "Okay then you need to pack your things cause your going to leave tomorrow morning. Your staying there for two weeks and have fun okay?..."masayang sabi ni Doc at tumayo na rin sya.

     "Thanks po..."sagot ko na lang din sa kanya at inalalayan syang tumayo.

      Naiwan ako sa garden na nag iisip at the same time nagliligpit ng pinag kainan nila. Sa isip isip ko, hay....sinasadya ba to? Ang buong akala ko makakaiwas na ako yun pala hindi tapos kasama ko pa sya two weeks na kami lang. Ano ng mangyayari sa amin doon, "Cassandra handa ka na ba? " tanong baliw kung isip. "Nanay ko po bahala kana promise susubukan kung umiwas, sabi ko pa ulit at tinuloy ko na lang ang ginawa ko. Honestly disappointed ako sa nangyayari, nakaplano na lahat ang tungkol sa pag uwi ko tapos eto palpak din pala. Pagkatapos ko magligpit pumasok na ako sa kwarto, naabutan ko si Kakai na masayang naglipit ng gamit nya.

     "O bakit ganyan mukha mo?  Para kang binagsakan ng langit..."nagtatakang tanong ni Kakai.

     Bumuntong hininga ako at ikinuwento kay Kakai kung anong dahilan bakit ako mukhang binagsakan ng langit. At ayan na naman si Kakai nagmamaktol kasi bakit daw ako lang ang kasama ni sir Enzo at bakit hindi sya kasama. Pero maya maya bigla akong tinukso ni Kakai.

    "Girl makakasama mo sya for two weeks, ayeiiii Cassandra ikaw na ang mapakamaswerte..."masayang panunuksan ni Kakai.

    "Kai wag mo na nga gatungan ang nararamdaman ko. Mali to eh.."nag alala kung sabi kay Kakai.

    "Basta kung anong mangyari piliin mo yung masaya ka..."masayang yakap ni Kakai sa akin.

    Napabuntong hininga na lang ako at yumakap kay Kakai na mahigpit.  "Bahala na nga si Batman" sabi ko sa sarili ko. Maya maya lumabas na ako ng maids room at tumulong maglipit sa kusina.

My First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon