Chapter 3

148 4 3
                                    

Continuation

TIFFANY'S POV

"B-bakit naman ayaw mo na syang maalala" tanong ko umupo naman sya sa sofa

"Hmm basta mahihirapan lang akong kalimutan sya kapag nakikita ko pa yang mga ala-ala nyang binigay sakin" sabi nya

"Sabagay." Sabi ko. Binalik ko na yung necklace na nakita ko pero pagharap ko nasa harapan ko na agad sya

"Ah pupunta na ko sa garden" Sabi ko pero hinarangan nya ako

"Sorry nga pala kanina i didn't mean to do that" sabi nya with matching seryosong face kung lalaki siguro toh sobrang gwapo nito

"ah yun ba kalimutan na natin yun" sabi ko sakanya and again hinawakan nya yung bewang ko kaya nag-init ang mga pisngi ko

"I have a deal" seryosong sabi nya na napatingin ako sakanya

"A-anong deal" sabi ko, seryoso guys nakaka-akward yung position namin

"Papayag kang maging fake girlfriend ko" sabi nya kaya naalala ko yung sinabi sakin ni jessica same sa gustong mangyari ni jessica

"Sabi ko magiging fake girlfriend kita" sabi nya ulit. Gusto ko mag salita pero walang words na nalabas sa bibig ko

"Hey miss hwang. Silence means yes" sabi nya

"B-bakit? anong dahilan" Sabi ko

"Gusto ko lang madama ni nickhun kung paano masaktan ng todo" sabi nya. Tama nga yung hula ko may atraso si nickhun sakanya

"B-bakit ako pa madami namang pwedeng babae ah" sabi ko pero umiling sya

"Nahahalata ng mga kaibigan ko na may gusto sya sayo" sabi nya kaya napatawa ako

"oh bakit ka tumatawa" tanong nya

"Kahit naman hindi tayo magpanggap hindi parin ako papayag na maging girlfriend nya" sabi ko kaya ngumiti sya punyemas makalaglag panty talaga e.

"So girlfriend na kita?" Tanong nya

"Fake girlfriend" sabi ko sayo

"Pero make sure na walang makakaalam magsisimula yung deal natin after a month para hindi masyadong halata" sabi nya. MONTH!? Antagal naman ata.

"Hmm so pagnilayuan na ko nickhun tsaka lang tayo titigil?" tanong ko sakanya

"Pwede narin ,hanggang sa makita kong naghihirap na sya" sabi nya

"To make our deal perfect kailangan nyo kaming protektahan ng bestfriend ko hanggang sa makagraduate tayo ng college" sabi ko

"Yun lang pala easy." sabi nya

" Sure yan ha kahit tumigil tayo sa fake relationship" sabi ko tumango sya at humiwalay sakin
hindi ko din alam kung bakit ako pumayag ng ganun ganun lang.

YOONA'S POV

Masyado atang matagal yung dalawa sa loob. Sumilip ako kaya nakita ko yung pusisyon nila. Ibang klase talaga tong si kim taeyeon. Bumalik nalang ako sa kanila na may halong ngiting nakakaloko

"Bakit ganyan itsura mo baby?" Tanong sakin ni yuri pero umiling lang ako.

"Gutom ka parin ba eto cake" sabi nya pero umiling ulit ako. Maya maya bumalik na yung dalawa

"Oh bakit antagal nyo ata" Tanong ni sooyoung napatingin ako kay taeyeon

"Nagpatulong lang akong ilagay yung ....mga box " sabi ni taeyeon kaya ngumiti ako. Kahit kailan talaga tong babaeng toh

All With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon