Chapter 3

3 0 0
                                    

Wesley University

Ezra's POV

"Ezra! Anong bang nangyayari dito?!" Sigaw ni Kuya Fred na pumagitna saamin

"Yang lalaki na yan kuya! Binuhusan niya ako ng kape!" Gigil na Paliwanag ko habang nagpupumiglas. Hawak hawak kasi ako ngayon nila Xia at Ady sa braso.

Parang lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko, kapag nakikita ko ang mukha ng lalaking iyon!! Sarap niya tadyakan sa mukha eh!

"Ezra kalma ka lang! Gumagawa ka ng eskandalo dito eh." Bulong ni kuya Greg saakin ng mahalata niya na naka tingin na saamin ang mga tao dito sa shop

"Uhm, pasensya na po kayo ma'am, sir. Wag niyo na lang kaming pansinin. Tuloy niyo na lang yong mga ginagawa niyo. He he" mahinahong saad ni kuya Fred sa mga costumers

"Hoy hoy hoy! Sino kayo?! Tumabi nga kayo diyan! Pupunuin ko ng pasa ang mukha ng babaeng yan! Kaya tabi diyan!!!" Sigaw nong lalaking kulot kina kuya habang pinipilit na nagpupumiglas dahil gaya ko, hawak din siya ng mga kaibigan niya

"Hoy hoy hoy ka rin! Kami may Ari ng shop na to. Kaya kung ako sayo, umalis na kayo dito bago ko pa kayo ipa dampotbsa mga police!!" Sigaw ni kuya Greg at isa isa niyang tinuro ang apat na lalaki

"Aba aba. Kayo pa may ganang magpakulong saamin! Ako na nga tong sinuntok ng babaeng yan kahapon! At tsaka para malaman niyo, abogado ang tatay ko at police ang mga Tito ko!! Kaya ipapademanda ko kayo!!!" Galit na sigaw niya

"JD. Kalma lang. Alis na tayo dito bago pa tayo ipakulong" pabulong na sabi ng kaibigan niya pero nagpumiglas parin siya

"Wala kaming pakialam kung abogado tatay mo oy. Saamin tong shop na to, kayo Ang nanggulo kaya kayo ipapademanda namin!!" Sigaw no kuya Fred

"Teka! Chase bitawan niyo nga ako!!" Sigaw niya don sa mga kasama niya at Dali Dali naman silang bumitaw

"Wala din akong pake kung kayo Ang may Ari ng shop na to! Sisiguraduhin Kong masasara to at Ipapademanda ko rin kayo!! Humanda ka babaeng dugyot at kayong mga unggoy! Mabubulok kayo sa kulungan!!" Sigaw niya sabay turo sakin at kina kuya. Tinawag pa akong dugyot?!

"Hooooooy! Ang O.A mo ha!! Okay lang naman sa amin na ipa demanda mo kami pero ang tawagin na Unggoy? Hindi na kami papayag diyan!!! Umalis ka nga dito sa shop namin! Simula ngayon ban ka na sa shop na ito! Alis!" Sigaw ni kuya Greg at akmang susuntukin niya yong lalaki pero pinigilan naman siya ni kuya Fred. Tinawag nila yong guard na nasa labas at kiniladkad yong lalaking yon palabas ng shop habang sumisigaw.

Pagkalabas niya ay pina upo ako nila kuya. Kumuha naman ng tissue sila Ady at Xia para punasan yong kape na nasa damit at balat ko na natapon, or should I say TINAPON nang kulot na lalaki saakin. B*esit siya. Ang init ng kapeng tinapon niya saakin! Naku naku! Kung ako sa kanya wag na siyang magpapakita saakin, kundi mapapatay ko talaga siya. Ngayon palang mag iisip na ako kung paano ko siya papatayin!!!

"Naku naman Girl. Grabe yong lalaking yon. Pogi pa naman Sana!" Sambit ni Ady habang pinupunasan ako

"Pogi? Seryoso Ady?! Pogi na yon para sayo? Pa check up kana sa Mata mo, mukhang may deperensya na eh. Tsk" galit na saad ni kuya Fred

"Oo nga Ady! Mas cute pa nga si Crab sa kanya eh!! Tsaka tinawag pa talaga niya kaming unggoy at dugyot?! Para ba kaming unggoy at dugyotin? Haaaist! Kabanas yong lalaking yon!!" Inis na saad no Kuya Greg

"Ehh, Sino ba si Crab kuya?" Tanong ni Xia

"Naman Xia, si Crab! Yong aso naming bulldog!" Sagot ko naman

"Abay malay ko. Dami niyo kayang aso na bulldog!" Sabi ni Xia

"Buti pa umuwi na tayo. Para makapagpahinga narin kayo. Mag gagabi narin, hali na kayo. Ihahatid ko na kayo Xia, Ady." Saad ni Kuya Fred saamin

Fearless HeartsWhere stories live. Discover now