Chapter 1

10 0 0
                                    


Picture.

"Ang gaganda talaga ng mga bulaklak na ito!" Sabi ni Ady habang nakatitig sa mga bulaklak na naka display

"Ngayon ka lang ba nakakita ng mga bulalak, Ady? Ba't parang manghang mangha ka, eh mga rosas lang naman yan." Inis na saad ni Xia sa kanya

Kanina pa ako nanunuod sa kanilang dalawa na nag aaway. Eto naman kasing si Ady, talak ng talak tungkol sa mga Rosas. Kesyo ang gaganda daw nila at ang babango, kaya siguro na aalibadbaran na etong si Xia sa kanya

"LANG? ROSAS LANG?! LANG TALAGA XIA? ang gaganda kaya nila. Di hamak na mas maganda at mas mabango pa nga sila kesa sayo!"

"Aba at! ikaw? Isang goth? Mahilig sa bulaklak? Weirdo ka talaga."

May point din naman si Xia, ang alam kasi namin na kinahuhumalingan nitong si Ady ay mga voodoo dolls at trolls lang, Cute daw kasi. Yong kwarto niya ay parang bahay ng mangkukulam, lahat ng makikita mo doon ay kulay itim. May voodoo doll nga doon na kamuka namin ni Xia eh. Halos lahat ng suot niya kulay itim, pati buhok niya na hanggang batok (naka C) lang ay itim na itim din. Ewan ko ba't nahilig siya sa mga kulay itim, Pero bagay naman sa kanya dahil sobrang puti niya. Kaya nagtataka lang kami bakit gustong gusto niya ngayon ng mga bulaklak. Di bagay sa kanya eh

"FYI. Weird people are unique. Kaunti lang ang katulad ko, kaya I'm so special." Pagmamayabang ni Ady

"Special daw! Baka special child. Abnormal ka kasi" saad ni Xia habang tumatawa

"At grabe kang tomboy ka! Napaka judgmental mo" saad naman ni Ady sabay irap Kay Xia

Si Xia naman ay medyo boyish. Hindi siya tomboy huh, astig lang talaga kung manamit at kumilos tong si Xia. Mahilig siya sa loose shirts at pants, yan ang usual get up niya. Lagi din siyang naka ballcap na nakabaligtad, nasa likod yong parang dila ng cap. Pero nakalugay naman Yong maganda at mahaba niyang buhok.

"Tomboy? Ako?" Paglilinaw ni Xia

"Sino pa ba? Edi ikaw!"

"Tomboy? Sabihin mo nga Ezra, sino ang mas judgmental saming dalawa?! Sabihin mo Ezzzz!" Xia na nag papatulong saakin. Dinamay pa talaga ako eh

" uhm. Pwede tumigil na kayo? Baka gusto niyo ipadampot ko kayo sa mga nagkalat na Army at Police dito" panakot ko sa kanila

Hindi kasi yan titigil sa pag aaway kung walang natatalo sa kanila. Nandito kasi kami ngayon sa kakaopen lang na shop na pay mamay-ari namin. Maraming police at Army dito dahil isa lang namang Army si Dad. At di lang basta bastang Army, siya lang naman ang General ng Philippine Army.

"Alam niyo? Buti pa umuwi na tayo." Pagyaya ko sa kanila

"Buti pa nga Ezra!" Sangayon naman ni Xia

"Teka muna Ez! Pwede ba akong manghingi ng flowers? Please??" Ady sabay pout. Nagpa cute pa talaga. TSS

"Go ahead! Pero siguraduhin mo lang na Hindi ka makikita ng tatay ko na kumukuha ng mga bulaklak, kundi BANG!" Panakot ko sa kanya at umakto na parang may hawak akong baril at pinaputok ito

"Anong 'BANG' tong naririnig ko Ezra?"

"Ay Pokemon!!" Gulat na sigaw ko ng biglang sumingit si Daddy sa usapan namin

"Ahh.. I mean, Si Ady po kasi tinatakot ko na kapag kukuha siya ng mga bulaklak, ay ipapabaril ko siya." Paliwanag ko

"Bakit mo naman siya ipapabaril? At tsaka kung gusto niya ng bulaklak, ba't di mo siya bigyan? Di rin naman yan magtatagal at mamamatay din yan." Sabi naman ni Daddy at tumango nalang ako

Kumuha si Daddy ng mga iilang piraso ng bulaklak na naka display sa bawat sulok ng shop

"Oh, hija. Okay na ba itong mga bulaklak? Ngayon ko lang nalalaman na mahilig ka pala sa bulaklak." Bahagyang natawa si Daddy at ibinigay kay Ady ang mga bulaklak na kinuha niya

Fearless HeartsWhere stories live. Discover now