♫♪Prelude♫♪: Cassé Symphonie

88 0 1
                                    

Nasa backstage ako habang pinakikinggan ang music n'ya...

Gusto ko dito para masalubong ko agad s'ya mamaya. Hindi ako umupo sa tabi ng tita ko kahit na may nakareserve na upuan sa akin. Malamang hinahanap na ako nun.

Sumilip ako sa stage.

Manghang mangha.

Ang ganda.

Ang ganda talaga ng music.

Ang sarap pakinggan.

Ang ganda rin nilang tingnan.

Para akong nasa langit.

Tinitingnan ko 'yung sabay sabay na pagtugtog ng mga strings, woodwinds, pati na rin 'yung percussions sa likod. Napaka-flawless. Lalo na 'yung paggalaw ng kamay n'ya. Ang galing-galing!!

Beethoven's Symphony No.9 Op.125

Kumikislap ang mga mata ko sa panunuod at pakikinig.

Anu kaya ang feeling ng nandun?

Panagarap ko rin makasali sa isang orchestra.

Sa orchestra n'ya.

Naalala ko nun isang araw...

"Magaling!! Mabilis ka talagang matuto."

"Talaga maestro? Yehey!! Ibig sabihin po pwede na kong sumali sa orchestra n'yo?"

"Hahaha. Sinabi ko naman sa'yong hindi pa pwede."

"Ayyyssstt!! Ang daya n'yo. Pinilit ko na nga masterin 'yung Violin Sonata No. 17, 18, at 19 ni Mozart para makasali ako ehh."

"May regalo ako sa birthday mo. Siguradong matutuwa ka."

"Talaga Maestro?! Yehey!! Salamat po!! Aabangan ko po 'yan"

"Basta sa birthday mo..."

*malakas na palakpakan*

Ahh!! Tapos na pala 'yung concert. Nag-standing ovation 'yung mga tao.

Ang galing galing!! Naeexcite ako.

Umalis na sila ng stage.

Teka... nasan s'ya? Akala ko pa naman masasalubong ko s'ya dito.

"Tumawag na kayo ng ambulansya!!" may sumigaw.

Ha?! Bakit?!! Anung nangyari kay maestro?

"Maestro!! Maestro!!" nakapalibot lahat ng members ng orchestra kay maestro.

Sa ospital...

Flat line.

"Doc!! Doc!!" tumawag ng doktor sina Mr. Antoine.

"I'm sorry..."

Nagtatakbo ako sa palabas, habang sumisigaw at umiiyak...

"Maestro!! Andaya mo!! Nasan na 'yung promise mo?!!"

Pagbalik ko sa kwarto, nandun si Tita.

"May nagpapabigay."

Isang violin na matagal ko nang pinapangarap.

May sulat sa loob, binasa ko.

Para sa'yo tong violin.

Tuparin mo ang mga pangarap mo.

Pati na rin 'yung pangarap ko sa'yo.

Pumunta ka sa Europe.

Happy birthday, Aaron.

-- Maestro

Twisted Fates (Cassé Symphonie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon