♫Symphony No.1♫: I am Music

54 0 0
                                    

♫SYMPHONY NO.1♫: I AM MUSIC

*Italicized = thoughts

[THIRD PERSON POV]

Two weeks pa lang simula ng mag-start ang classes sa Stadtfield College of Music.

Pero sa ilang estudyante, typical na araw na ang turing nila sa mga araw na dumadaan.

Break time.

Magkakasama sa paboritong tambayan sa canteen sina Harriet, Jazz, at Daniel. Medyo problemado sila at masama na naman ang mood ni Jazz… pero totoo! Typical na araw lang talaga ‘to… para sa kanila. Maya-maya, nagtatatakbong paparating si Shaine.

“Guys! Guys! May ipapakita ‘ko sa inyo! ‘Eto na talaga!!” excited atnagsusumigaw si Shaine habang papalapit sa mga kabarkada. (^__^)

“Ano ba Shaine?! Ang aga aga ang ingay mo! Pwede bang pakihinaan ‘yang bibig mo? May inaayos kami dito ehh.”sagot ni Harriet na halatang medyo irritated. (>__<)

Third year na si Shaine Salazar saVoice Department. Si Harriet Ocampo naman ay nasa Winds Depertment (Flute). Si Jarren Jazz Ocampo, ang kakambal ni Harriet (hindi nga lang halata) ay estudyante naman sa Strings Department (Violin) gan’un din si Daniel Ortega (Cello). Magkakababata sila kaya hindi nakakapagtaka kung bakit magkakabarkada sila kahit magkakaiba sila ng department.

“Kasi naman! Harriet! Tingnan mo ‘to! Naka-feature sa magazine si Louis Moreau! Ang gwapo gwapo n’ya talaga! Tingnan mo oh? Ang daming pictures! Ang tagal kong inabangan ‘to! Omaaygooshh!!” nakangiting inabot ang isang sikat na magazine na kanina pa n’ya niyayakap. Parang walang narinig si Shaine sa sinabi ni Harriet.

“Weh?! Patingin nga! Whaaaaah! Si Louis Moreau ba talaga ‘yan?! ‘Yan ba ‘yung pictures nung nakaraan n’yang concert sa London? Grabeh! Ang gwapo nga! Astiiig!!” nakalimutan bigla ni Harriet kabadtripan.

“Ou! HAHAHA! Kaya nga ako kinikilig kanina pa ehh…”

“Hayan na naman kayo sa Lou-is Mo-ru n’yo! Sino ba kasi ‘yan?!” sumabat na si Jazz na kanina pa iritang-irita. Habang si Daniel, tahimik lang.

“It’s Lou-is Mo-reau! Okay?!” Shaine corrected.

“Jazz, don’t tell me hindi mo kilala si Louis Moreau?” tanong ni Harriet.

“Si Louis Moreau ‘yung sikat na musician sa buong Europe. Sobrang galing no’n at ang gwapo pa! Ang galing n’yang mag-violin, mag-piano, basta lahat na ata ehh! Sinasabi ko sa’yo… kaya nga ako naiinlove sa kanya ehh… kahit na sa TV at sa net lang namin napapanuod ang mga concerts n’ya…” sagot naman ni Shaine.

“Sikat pala sa buong Europe ahh?! Eh pa’no nakaabot dito?! Saka hindi ko s’ya kilala… Huh!! Baliw na baliw kayo sa isang taong wala namang paki sa inyo…”

“Whatda?! Ano bang problema mo, Jarren Jazz?! Paki mo ba?!” Tsk! Ang ayos ayos ng sinasabi ko, anong mali d’un?!

“Ahh… ehh… Shaine, pasensya ka na ahh. May pinag-uusapan kasi kami kanina dito bago ka dumating ehh. ‘Di ba nga, Daniel?!” Naku… gagawa na naman ba ng gulo ang kapatid ko?

“Ahh… ou nga.” sagot ni Daniel. Tahimik talaga ang nilalang na ‘to.(-__-)

“Bakit ba tayo napunta d’yan sa Louis na ‘yan?! Pinag-aaksyahan n’yo ng panahon ‘yang walang kwentang taong ‘yan!!”

“Aba!! Sumosobra ka na ahh!! Hinihingi ko ba opinion mo?!” naiinis na si Shaine.

“Teka! Teka! ‘Wag kayong mag-away! Jazz?! Ayusin natin ‘yang problema mo!” naiinis na rin si Harriet.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted Fates (Cassé Symphonie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon