PROLOGUE
Marami na akong nabasang mga love story na talaga naman nakakatuwang basahin kasi minsan, alam ko ‘yung feeling nung bidang character dun sa kwento at ‘yung mga pinagdaanan niya bago niya makamit yung EVER AFTER na pinapangarap niya.
Ako kaya? Kelan ko kaya makakamit yung sarili kong EVER AFTER?
Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ikwento ‘yung love story ko. Hindi naman kasi ‘yun worth story-telling o kung ano pa man.
Basta ang alam ko lang, nainlove ako sa taong alam kong never magiging akin.
Ang sakit lang isipin na, ang unfair ng love sa akin. Iniisip ko pa lang na NEVER akong mapapasama sa radar ng mga tipo niyang babae, parang gusto ko na ring sumuko.
Ano bang meron sila na wala ako?
Haist. Ewan ko ba kay Cupido. Sa dinami-dami naman kasi ng lalaki, eh bakit sa kanya pa niya ako pinana. Nagkamali lang ba talaga si Mr. Cupido o sinadya niya talaga na mainlove ako dun sa lalaking yun?
Ang hirap kaya ng kalagayan ko. Wala akong karapatang magselos kapag nakikita ko syang may kasamang ibang babae.
Eh sino lang ba naman ako sa buhay niya?
I’m just one of the ordinary girls in his eyes. <//3
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
Teen FictionShane was trying to move on from her break-up with Josh. Ipinangako niya sa sarili nya na hindi na siya maiinlove kaagad. Pero, anong gagawin niya kung ang isang tao mula sa kanyang nakaraan ang magbalik muli sa buhay niya to turn it upside down? Pa...