Bata pa lang ako ay pinapangarap ko ng magkaroon ng malafairytale kind of story. ‘Yung tipong damsel in distress ang drama ko?
Pero, syempre, sa Disneyland lang matatagpuan ang ganitong klaseng pangyayari. Ang lagi kasing ending nung akin, ako ‘yung niloloko o kaya minsan, trip lang ako kaya niligawan ako. Oh di ba, ganyan kaextreme yung mga love experiences ko.
Kaya tuloy, minsan napapaisip ako, bakit ganun ‘yung mga lalaki sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, kung magmahal naman ako totoo pero bakit parang ‘yung mga lalaking nagugustuhan ko, hindi kayang ibalik ‘yung ibinibigay ko sa kanila?
Okay fine. Dapat daw walang hinihiling kapalit kapag nagmamahal. Pero ang gusto ko lang naman sabihin, konting effort rin naman paminsan minsan no?!
Naranasan niyo na bang makasalubong sa hallway ‘yung crush mo? Ikaw, kilig na kilig kasi nakita mo siya after ng ilang days mong paghihintay na masulyapan kacutan niya, pero siya, di man lang niya magawang lingunin ka o ngitian ka?
Ang sakit di ba? </3
At naranasan mo na bang magkacrush sa isang taong akala mo may gusto sa’yo pero ‘yun pala, kaya lang niya kinuha ‘yung number mo eh para magtanong about dun sa kaibigan mong gusto niyang ligawan?
Punyeta naman. Nakakainis!
‘Yung ex kong si Josh, akala ko talaga siya na. Kasi nakasix months kami halos. ‘Yun pala, another mr.wrong na naman siya. Another paasa moments na naman.
Hindi pala sapat ang six months para maging batayan mo kung kayo nga ang para sa isa’t isa.
Hayst. Minsan talaga parang gugustuhin ko na lang na ipasok ang sarili ko sa mga animes na napapanuod ko. Kasi buti pa ‘yung mga bida dun, kahit broken-hearted sa umpisa ng story, happy ending naman lagi.
<//3
Kaya ang bago kong motto: Don’t fall in love easily.
Setting aside the drama...
So, ito ‘yung kababata ko bumalik galing Ireland. Nakatingin akong parang tanga sa kanya dito sa labas ng bahay namin habang hawak-hawak ko ‘yung bike ko. Ano ulit sabi niya? I’ve grown cuter?
Naks. Akalain mong may nacucutan pala sa akin.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Eh may dapat ba akong sabihin? So, what naman kung sabihan niya ako nun? Hay naku, hindi na ako mahuhulog sa mga ganung salita. Baka mamaya...
“Uy, Shane, pakilala mo naman ako dyan sa kasama mo. Bago mong boyfriend? Naks. Idol na talaga kita.”
Lumingon ako and I saw my lifetime mortal enemy, Kristine looking at Zach with her famous flirty smile. Aisst. Pero nadagdagan lang ata ang inis ko nang makita kong nakangiti si Zach kay Kristine. I made a face. Naku, ngitian na niya lahat ‘wag lang ang mangkukulam na ‘yun.
Haist. Sana pala, hindi ko na lang muna pinauwi si Justin. Huhu. I miss her na! Lesson learned: ‘Wag makipag-asaran sa best friend mong pikon para may kakampi ka sa oras na umeksena ang mangkukulam mong kapitbahay.
Hindi ko pinansin si Kristine. Pakialam ko ba sa kanya. “Zach,” I said, trying to get his attention back at me. Buti na lang ay agad siyang lumingon sa akin. Akala ko kasi ay tuluyan na siyang nahyponotize ni witchy-bitchy Krisitine. Sorry kung mean. But I just hate her since forever. “You still want to go?”
“Ya, sure.” sagot niyang nakangiti. “But... I don’t have a bike.” he said, sheepishly.
Ayy oo nga pala. Sino nga palang nagsabi sa akin na kuhanin ko ang bike ko?
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
Teen FictionShane was trying to move on from her break-up with Josh. Ipinangako niya sa sarili nya na hindi na siya maiinlove kaagad. Pero, anong gagawin niya kung ang isang tao mula sa kanyang nakaraan ang magbalik muli sa buhay niya to turn it upside down? Pa...