Day 3

120 6 0
                                    

Okay, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Baka kasi may gagawin na namang kabulastugan si Ryle. Sabi kasi ng mga kaibigan ko ang sweet niya at kung wala daw akong planong sagutin eh sa kanila na lang. ABA! Manigas sila. Hinding-hindi ko pakakawalan tong Ryle KO ano. Nasa labas na ako ngayon, este nasa corridor pala. Nanonood ng. Activity sa. Gitna ng ground ng school. Yung mga kasama ko kasi sumali sa activity maliban sakin at kay Mami Leah. Isa sa mga bridge naming dalawa pero biglang nawala na parang bula ang loka. Ano ba yan. Napakaloner ko. Shet yan. Ano kaya ang magandang gawin?

Okay may nagtext. I'm expecting Ryle's text to be honest but sabi niya nasa kaibigan niya daw siya at may ginagawang project. Hindi nga ako naniniwala eh kasi baka kung ano-ano na naman ang gagawin behind my precious back,chos!

Back to the topic, si Mami Leah lang pala. Nagtext kasi ako kung nasan siya kasi mag-isa lang ako nung iniwan niya.

"Nak, nasa tapat lang ako nung kinauupuan mo. Punta ka na lang dito. Dalian mo!" Pagkabasa ko sa text. Anebeyen. Pupuntahan na nga lang tas pinagmamadali pa ako, but sige na lang. Kesa maging loner ako at baka magtampo yun. Nung makarating ako sa kinauupuan ko. Shet. Kaya pala kinakabahan ako eh!!

"Oy! San ka pupunta nak?!" Shet, nakita ako. Tumalikod kasi ako agad nung makita sila.

Humarap ako sa kanila at ngumiti ng pilit. "Ahhh.. Wala Mi, hehehehe." Excuse ko na rin sabay lagay ng kamay ko sa ulo ko. Nubayan. Nakita pa kasi ako, walang lusot.

"Mag-usap kayo ni Ryle,dali. Ano ba naman yan. Hindi matino yang status niyo eh." Sabi niya tapos umalis. Alam niyo yung kahit ang ulo sa paligid ang awkward naming dalawa. Tapos bigla siyang nagsalita. Breaking the silence between us.

"Kamusta?" Tanong niya,

"Parang antagal nating di nagkita ah?" Pamimilosopo ko, duh. Kahapon--este nung last last day lang nagkita kami eh. Natawa na lang siya sa sinagot ko.

"Di naman. Patingin nga nung kamay mo." Sabi niya. Ako namang si uto-uto sinunod agad. Nabigla ako nung hinawakan niya ang kamay ko. He filled the spaces between my finger and then pinisil pisil iyon. Ako naman pinipigilan ang kilig na kanina pa bumabalot sa katauhan ko. Shet. Ryle! Ano ba yan!!!

"Rinbee, ang laki ng kamay mo." Sabi niyang natatawa tapos pinisil ulit yung kamay ko. Samantalang ako, nahihiwagaan sa "RINBEE" na yan.

"Eh di ako na yung malaki ang kamay. Teka nga! Anong Rinbee yan? Eh Venice Rin ako." Sabi ko naman sa kanya na may halong reklamo. Gawin ka ba namang pagkain? Tapos piniga niya yung kamay ko.

"Aray!!" Reklamo ko.

"Eh kasi kahit kelan ang slow mo. "RIN" is your second name right? And Vince is mine. Kung gagawin mong bisaya yung Vince eh, "BEANS" ang magiging pronounciation." Paliwanag niya. Natatawa naman ako dun,

"Pffft. Asan ang hustisya? Bakit ganyan ka kamais huh, Ryle?" Tanong ko.

"Sayo lang naman eh. Sayo lang naman ako ganito." Sagot niya tapos nabigla ako nang mau inabot siyang teddybear na may t-shirt at may nakaprint na "ME." Di ko na alam. Nalilito na ako sa words na mga binibigay niya pero it's all unexpected. Nang binigay niya yun, bigla niya akong niyakap at sa yakap na yun ay may kasamang halik sa noo.~which was the sweetest action that a man can give. Respect yun. And I think, his efforts are all enough to tell me he's serious.

-TBC

His way of courtship (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon