Day 4 (ending)

140 7 1
                                    

Day 4

Dahil hindi natuloy yung awarding ceremony, nabored na naman kami sa kahuli-hulihang araw, mag-isa na naman ako. Asan na naman kasi yung tatlo kong magagaling na kaibigan?! Pati si Ryle di rin nagpaparamdam. Great, just great. Langya eh, naglalakad ako na parang timang. Parating nakatingin sa phone kasi di ako sanay na walang kadaldalan. Naglalakad ako ngayon mag-isa sa mall. Haaaaaaay. Natutuyo na yung laway ko, walang makausap. Tinext ko naman sina Grace, Judiel at Mami Leah kung nasan sila pero sinagot lang nila ako ng, "pupuntahan ka namin diyan, san ka ba?" Oh diba? Tinanong ko sila, tinanong rin ako pabalik. Tsk. Tapos pati anino nila hindi ko makita, mga walanjo talaga. Nagpunta ako sa may gitna ng mall. Nagliliwaliw kasi di ko nga alam kung san pupunta, wala rin akong kasama. Eh diba, enjoy. Kaasar! Di ko rin malaman sa sarili ko na napatingin ako sa taas. Parang nahagip ng mata ko yung si Patrick, kaibigan ni Ryle. Di ko alam ah pero parang kinakabahan ako.

Maya maya napatingin ako kasi nakita ko si Grace na papalapit sakin na ikinagulat ko. Binigyan niya ako ng tinapon ko dati na papel na nagsasabing, "PLEASE."

"Di mo natapon yan, namisplace mo kaya kinuha ko. Gulat ka no?" Saad niya at kumindat pa. Aba yung lokaret, may kindat kindat pang nalalaman. "Aray!" Reklamo niya. Binatukan ko nga. Tas narinig kong sumigaw si Pat, "hoy! Wag mo saktan girlfriend ko!" Napatingin tuloy ako sa taas pero tulad ng inaasahan, di ko sila nakita. Galing magtago! Anong kalokohan meron sila ngayon? At ako yung napagtripan? Hahahahahahaha.

Hindi pa ako nakarecover at dumating na rin si Judiel na may dalang balloon, syempre nakita ko ang malaking nakasulat sa balloon na "ANSWER."

"Sabi ni Ryle, mahilig ka raw sa balloon kaya lang di ka niya nabigyan nung second day kasi may laro ka at maraming dala kaya chocolates na lang. Kaya heto, pinabibigay niya. Enjoy ka girl, time na to!" Sabi niya pagkatapos niya binigay ang balloon at lumayo.

Seryoso?? Ano nangyayare?? Naguguluhan ako! Natatawa na naiiyak. Natatawa kasi gumagawa mami ng eksena dito sa mall. Mga walangya talaga. Buti na lang nakacivilian kami dahil baka malaman ng school ito at baka may magreklamo. Napapaligiran na kami ng mga tao. Tsaka nahihiya na rin ako. Mag-isa lang ako dito tas naghihintay ng susunod na mangyayare. Naiiyak kasi parang nagegets ko na kahit magulo pa rin sakin at unexpected na ganito siya kadeterminado na mapasagot ako ng "OO." These tears symbolizes joy. Pinahiran ko na nga. Baka iba pala to, sayang ang pagdadrama.

Nakita kong paparating si Mami Leah, pansin na pansin ko ang malaking teddy bear na dala-dala niya. Bigger than what Ryle gave me yesterday. It's huge, hirap ngang dalhin ni Mami Leah eh. It says, "ME." Akala ko walang meaning yung mga yun pero nagsisimula na pala siya. Pagkarating niya sakin, bumulong siya agad.

"Tumingin ka sa taas nak." Tas binigay yung bear. Tumingin naman ako sa taas tapos nakita ko ang tatlong kaibigan ni Ryle. Nakatalikod pa ang mga ito ng tumingin ako. Maya maya'y nakita kong bumungad ang mga letrang talagang sasabihin ko sa kanya. "Y-E-S" sabi ng mga usisero't usisera. Naghiyawan ang ilan nung nagpakita si Ryle, wearing the shirt that says, "RINBEE." I don't know what to say but my tears told me. Natawa ako habang pinapahiran yung luha ko. Narinig ko ang "aweee" ng mga tao. Okay na sana eh, ang korny nga lang nung "rinbee", pinush pa eh. Porket natawa ako. Tig-adik talaga. Hahahahahaha.

"Ayieeee!! Sasagutin na niya yan~!" Sabi ng ilan sa madla. Kinikilig sila ha, infairness at atat din. Nagpanggap akong galit, pinahid ko ang luha ko and then sumigaw.

"Hoy bumaba ka nga diyan!!!" Sa sigaw kong yun, nagulat ang mga tao. Napa-aray, napa-awww!! At napa-grabe naman si Girl.

"Ayoko nga!" Sigaw ni Ryle pabalik.

"Ihuhulog kita!" Pagbabanta ko. Tas ang ibang nasa paligid namin, nagbabantay sa kung anong susunod na mangyayari. Buti nga wala pang security na dumarating eh.

"Edi ihulog mo," sagot naman niya ulit sakin na nakapagpangiti sa loob ko.

"Matagal ka nang nahulog sakin! Di na kailangan! At ako rin naman, matagal nang nahulog. Nagpakipot lang!" Tahimik pa rin ang madla sa sinabi ko. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari kasi nagsihiyawan sila at nakita kong papababa si Ryle at tumakbo sakin upang yakapin ako.

Nang makarating siya sa kinatatayuan ko, niyakap niya ako agad at bumitaw rin kasi nagsalita. "Anong sabi mo ulit? Di ko kasi nagets eh." Napahampas na lang ako sa dibdib niya.

"Sabi ko sinasagot na kita..." Nakangiti kong sambit habang nakatingin sa mga mata niya.

"Sinasagot mo na ko?" Hindi siya makapaniwala. Hahahaha.

"Oo nga. Sinasagot na kita. Paulit-ulit tayo? Unli ka ba o alltext? Globe o smart?" Sabi ko tas natawa na lang siya at hinalikan ang noo ko.

"Reserved yung kiss ko sa lips mo sa kasal natin." Sabi niya tas hinampas ko na naman siya. Natawa na lang din ako sa kanya. Di alintana ang mga reaction ng tao sa aming dalawa.

"I love you, Rinbee." Sabi niya habang nakahawak sa pisngi ko. Noo sa noo kami.

"I love you too, Rinbee." Nakangiti kong sagot at narinig ko na lang ang hiyawan ng mga nakakita nung niyakap niya ako ng mahigpit tsaka binuhat at pinaikot ikot.

~~~~FIN

Courtship is not just a matter of time, it also takes so much effort for you to know if that person is worth it to have you. This is not just of how long you've been courting someone, but it is how you show that you are sincere in that span of time she gave for you to know at to show that you're worth it to be in a serious relationship. You don't need to have those flowery words, you don't need to have too much money at not too materialistic. You just need a "real" words para masabing, mahal mo siya. Mapapanindigan mong, kaya mo ipakita yung pagmamahal mo kahit kayo na. Yung magiging consistent ka kasi alam mong mahal mo siya at mahal ka niya. Kung nasa relasyon na kayo, dun ka mas mag effort. Dun kasi malalaman ng babae kung mahal mo siyang talaga. Dun niya malalamang, sa lahat nang nanligaw sa kanya, magsisisi ba siyang pinili ka niya? Sa lahat ng taong gustong gusto siya, sayo niya napiling makipagrelasyon. And also, choose the right girl. Choose the right one, choose the person you know who will never break your heart like others did na halos lahat na ng effort nagawa na pero pinaasa lang pala.

---(c) TEDDYCUDDLES11

~~~~~~~~~

Enjoy reading! :))) please read my other stories and one-shots. Comment na rin, :) mas trip ko ang comment kesa sa votes eh. Hihi. Thank you for reading na rin! Love love.

Fact: this is somewhat a real story but I changed it a little bit para sa privacy ng taong nasa story. :)) my first year treat on wattyland pips. :))

Happy first anniversary watty! :) belated pala. XD

His way of courtship (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon