May event sa school namin ngayon, halatang walang klase. Syempre naman enjoy na naman ang mga estudyante kasi hndi na naman sila mabibigyan ng sakit ng ulo sa mga subjects nila, and as for me- accounting suject. Kung tinatanong niyo kung ano yung course ko? Halatang business administration ako! Kala niyo accountancy ano? Porque merong accounting na subject, accountancy na agad? Aba, discrimination yan mga kaberks! Hehehe. Pero joke lang.
Kanina pa ako daldal ng daldal pero di niyo pa alam ang pangalan ko. I'm the prettiest, the hottest, pinag-aagawan at ang crush ng bayan pero syempre joke lang ulit! Ano ka ba, yung ganda ko tinatago ko yan kasi aba! Pag makita nila yun panigurado magkakandarapa sila sakin. Ayoko naman makasakit ng damdamin diba? Pero syempre joke lang ulit yun. K. Mukha na akong clown kakajoke, natawa ba kayo? hahahahaha. Venice Rein Jurado, totoo yung apelyido ko wag niyong tingnan yang last name na yan kasi gusto ko na mapalitan yan ng Mendoza. Hahahaha. Ryle Vince Mendoza. Oo, siya yung taong mahal ko pero kailangan ko lang mapatunayang seryoso siya.
"Oy Venice! Nananaginip ka na naman ng gising. Kanina ka pa namin tinatawag ah. ano ba!" Pagrereklamo ni Judiel, matalik kong kaibigan simula nung naging college ako.
"Sorry naman diba! Minsan na nga lang ganito eh." Sagot ko naman sa kanya ng nakasimangot na mukha.
"Ano ba kasi sinasabi mo diyan at nagrereklamo ka na naman?" dagdag ko pang reklamo.
"Kasiang sabi ko nandiyan ang manliligaw mong masugid! Mukhang ngayon ko lang siyang nakitang nag-effort ng ganyan ah. Halatang gusto ka talagang mapasagot." Pantutukso pa niya na naging rason kung bakit pati yung iba naming kasama naki-epal na at pinagtutukso akooooooooo. Kahit kinikilig ako, (oo,aminado ako dun) nanahimik na lamang ako kasi kinakabahan ako. Yung loko kasi may dalang isang rosas at pupunta sa kung saan ako nakatayo kasama ang mga kinikilig kong mga kaibigan. Aba! Sa sobrang kilig nila, pinaghahampas pa nila ako. Parang sila pa yung nililigawan eh. Ansaya lang.
Nang dumating na siya sa kinaroroonan ko ay bigla akong pinagtutulak ng mga kaibigan ko sa kanya. Sinamaan ko nga lang ng tingin, patay kayo sakin mamaya! (Pero deep inside kinikilig). Binigay niya agad ang roasa na may sulat sa gilid ng "PLEASE." Di ko alam kung bakit nagpi-please tong mokong na to. Talagang tinotoo niya ang sinasabi ko sa kanyang ligawan ako personally kasi hindi sa lahat ng oras eh sa text lang kami magkakausap, sa text lang kami ikakasal at sa text kami gagawa ng mga supling. PWEH! DELETE! Hindi rin kasi kami nakakapag-usap ng matino kapag personal kaya medyo conscious ako sa mga galaw ko. Ang awkward kasi na kahit maging jollyt ako makipag-usap, siya tititig lang ant ngingiti. Kaloka!
"Bakit nandito ka?" wala sa sarili kong tanong.
"Nandito ako para makita ka." Sagot niya na nagong rason kung bat naghiyawan ang mga kaibigan ko. Ngumiti lang siya at tinitigan ako. Hoshet. Hoshet. wag ka mamula Venice. hihihi! landeee.
Pagkatapos nun ay nagsimula na ang opening remarks at kasama ko siya pati ang mga kaibigan kong kanina pa kilig na kilig sa aming dalawa.
~~~~~~
Bitin ano? hahahaha! First Day pa lang yan. :) hahahaha!
(c) TeddyCuddles11
Real Fact from this story: this is a story of my friend in college na nakwento sa akin dati and napasabi saking magsulat nito. Hahaha. Never imagined that in just 4 hours of writing (Wala kasi iPad ko that time) Nakatapos ako ng isang short story.