Pasko
Ano nga ba ang pasko sa isang tulad ko? Isang musmos na matagal nang naulila at nag hahangad ng pagmamahal ng isang magulang.
Saktong gabi ng bisperas ng pasko nang mangyari ang isang trahedyang nakapagpawasak sa buhay ko at nakapagsimula ng di kanais nais na kinabukasan na mag isa.
Ni isang kamag anak ay walang nag malasakit. May kaya lang kaming pamilya at alam kong hindi sapat ang iniwang pera ng aking magulang para makatagal ako.
Nakakalungkot man isipin ay ang gaya kong kakatapos lang mag aral ay papasok na agad sa mundo ng mga matatanda at makikisalamuha sa iba't ibang tao.
"Ate, baka naman may bakanteng pwedeng applyan dyan. Kailangan talaga eh."
Araw-araw kong dinaranas ang init ng sikat ng araw para makaraos at makahanap ng matinong trabaho.
"Pasensya na neng, malulugi na kami pag nag dagdag pa kami ng tao. Hanap ka na lang sa iba."
Pero kahit anong pilit ko parati akong pinag dadamutan ng tadhana. Kahit anong sikap ko, parati na lang ako pinag sasarhan ng pinto. Pero ika nga nila, kapag may nag sarang pinto, asahang may bubukas na bintana.
Alam kong hindi ako dapat sumuko. Simula pa lang ito ng lahat at sisiguraduhin kong magkakaron din ng katapusan ang lahat.
Ako si Aero Ryselle Matatag.
Hindi ako pinalaking mahina.
