Kabanata 1

10 0 0
                                    

Aero Ryselle Matatag

"Ale, magkano po yung calamares nyo?"

Kasalukuyan kong binabagtas ang kahabaan ng EDSA para maghanap ng mapapasukan. Tanghali na rin kaya sobra ang init ng araw kahit na ilang buwan na lang ay pasko na, pati na rin ang pagkulo ng tiyan ko. Nag titipid kase ako dahil mahal ang pamasahe kaya't ang mga pagkain ng kalsada ang pantawid gutom ko.

"Apat na piso kada piraso, kuha ka na lang diyan." Sabi nung magtitinda saka binigyan ako ng basong plastic.

Medyo malapit lapit na rin naman ang pupuntahan ko para makapaghanap ng trabaho may nag bigay kase sakin na address ng pwede konh pasukan. Sana nama'y huwag akong pagkaitan ng tadhana. Ilang beses na rin kase akong tinanggihan. I hate rejections tangina.

Bumaba ako sa isang magarbong bahay este mansyon na ata to sa sobrang laki.

"Ne, 500 lahat." Pag sisingil nung driver.

"Hala, ang mahal naman po eh dyan lang naman ako sa palengke galing."

"Aba, malayo yun ah! Sa panahon ngayon wala nang mura. Mag bayad ka na lang."

Padabog kong ibinigay ang limang daang pera at umirap.

"Godbless you po!"

Naisahan ako dun bwiset. Nakita ko naman yung metro at hindi 500 yun. Irereport ko kaya to. 497 yung nasa metro, sayang tres ko jusme.

Okay, moving on. Ibinaba ako ng pesteng driver na yun sa isang mansion. Well, hindi naman totally mansion pero mas malaki ito sa mga bahay na nakikita ko samin.

Halata din namang mayaman ang nakatira dito dahil sa mga guards na nakabantay dito. Pero dahil nga makapal ang mukha ko, lumapit ako sa gwardya para magtanong.

"Manong may mapapasukan po ba dito? Binigay po kase sakin yung address na to. May trabaho daw po akong makukuha."

Nakuha ko ang atensyon ng gwardya. Kase nga sa iba nakatingin, lagi naman. "Hindi ko alam ija eh. Ano bang pangalan mo? baka sakaling ibinilin ka sakin nina Ser."

Naks chansing masyado si manong guard. Baka i-add na ako nito sa facebook. Ganda ko naman po.

"Aero Ryselle Matatag po"

Nagliwanag ang mukha ng baliw na gwardya at tinuro ako. "Ay ikaw pala. Nako ikaw nga yung bilin nina Ser. Osya pumasok ka na!"

Nang makapasok ako sa ubod gara na mansion, sinalubong ako ng katulong. Siguro akala nya bagong kasamahan nya ako dito. Oh well.

"Magandang umaga, Madame. Hinahanap na po kayo ni Ser sa itaas." saad nito.

Madame? Eh mamamasukan nga ako dito hindi magarbong bisita.

Sa paglalakad ko patungo sa taas, madami na akong nakikitang garlands, christmas tree, lights, at balls. Ilang araw pa naman bago mag pasko, bakit ang excited naman nila?

Ayoko mang isipin, madaming pinapaalala sakin ang lecheng mga dekorasyong ito. Jusko, akala ko ba move on na.

Pumasok ako sa isang silid na kung saan may lamesa sa ginta at upuan at may sofa din sa gilid. Pinaupo naman ako ng chimay na yun.

"Hintayin nyo na lang po dyan si Ser. Dadating na din po yun."

"Sanay nanaman ako maghintay." bulong ko.

"Ano po yun, Madame?"

"Wala ah!" sabay ngiti ng peke. Plastic ako eh pake nya ba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

50 Days of ChristmasWhere stories live. Discover now