Chapter 01: 150K

106 5 12
                                    

Lu's POV:

Mahilig ako sa masarap.

Masarap humalik.

Masarap sa kama.

Yan ang mga gusto ko.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinatos ko ang offer ng babaeng mukhang dean sa dati kong school.

"Simple lang ang gagawin mo. Papasok tayo dun at sasabihin mong boyfriend kita. Wala kang gagawin kundi ngumiti at akbayan lang ako the whole time. 50,000 pesos. Okay na ba yun?"

Fifty thousand...

At kailangan ko lang daw ngumiti.

Mukhang desperada na ang isang 'to. Para alukin ako ng ganung halaga para lang sa ngiti ko.

Hindi ako nakasagot dahil nagulat ako sa biglaan niya na lang pakikipagdeal sa akin.

"Okay fuck it." She cussed, "150,000 pesos! Okay na ba yun?!"

SHIT.

Ang mahal din ng ngiti ko ah.

Sa totoo lang hindi naman ako pulubi. Hindi ko naman kailangan ng pera niya eh. Sadyang natutuwa lang talaga ako sa pagkadesperada niya.

"Call." I said to her.

She immediately took out a checkbook and wrote the amount.

Mukhang may kaya to ah.

Not the stinkin' rich type pero mukhang may ipagmamalaki naman.

She was the type of a hardworking girl and I think she worked in a company where she was a boss.

Kilala ko ang mga tipo niya. Sila yung nagpakasubsob sa pag-aaral during college to get a high paying job.

Mukha namang malaki ang sahod niya.

Dressed in Chanel, and Louboutins on her feet.

Designer brands.

She looked at me from head to toe at umiling siya.

"We have to do something about that." Itinuro niya ang suot kong kupas na jeans at shirt.

"Bakit, what's wrong with what I'm wearing?" Tanong ko.

Judgmental ito ah.

"You have to tell my officemates na you're an architect. Sa hitsura mo, mukhang hindi ka nila paniniwalaan."

Wow.

Solid nun ah.

Ngayon lang may chicks na umalipusta sa akin ng ganito.

"Sa guwapo kong 'to, magdududa pa ba sila?"

Well, guwapo naman talaga ako. At hindi ko lang iyon imagination okay. Kahit tanungin niyo pa lahat ng nakafling ko.

Oo. Fling lang.

Wala akong ginigirlfriend na babae.

Bakit ba naman kasi kailangan magpatali sa isa kung pwede ko namang tikman lahat hindi ba?

Di ko lang talaga magets yung mga lalakeng stick to one.

Malamang mga pangit yung mga yun.

O siguro, hindi sila masarap kaya takot sa adventure.

Takot mareject.

Ako, hindi ako nag-aalala dun. Ang yummy ko kaya.

Kaso eto lang si Madam Dean eh walang tiwala sa hotness at looks ko.

Hinarang niya ang isang lalakeng papasok sa Solstice at inalok ng pera para ibigay sa akin ang suot niyang coat. Hindi pa siya nakuntento at pati yung sapatos binili pa niya.

Nasisiraan na talaga siya.

"Isuot mo." Pagkabigay niya sa akin ng instant wardrobe, "I'll wait for you here. Bilisan mo."

See, sabi sa inyo boss siya eh.

Ang bossy niya.

Paglabas ko halos malaglag ang panga niya.

Naturally attractive na nga ako, mas guwapo pa kapag nabihisan.

"Okay na ba?" Kininditan ko siya.

"Pwede na."

Pwede na?! Sus.

Tibo ata to eh.

Bago kami bumalik sa bar inakbayan ko na siya.

That's the deal right. Akbayan ko siya.

Mabango naman siya eh.

Sobrang bango actually.

At tsaka maganda naman pala. Makinis din at maputi.

Yun nga lang kung magbihis, pang university Dean talaga.

"I'll do the talking okay. Just shake their hand and smile. Tsaka stay close to me hanggang matapos ang party."

"I only have to smile?"

"Yeah." Nagtaka siya sa tanong ko. "Basta stick to the plan."

Huh.

Smile lang ba. Panis yan.

Pero I could do better than that.

Just watch.

Happily (Hopefully) Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon