Lu's POV:
I'm still waiting.
Waiting for her to make up her damn mind.
Tangina.
Alam ba ng babaeng to na hindi ako marunong mag-antay?!
"Uy, ano na?"
She took a deep breath.
"Para sa isang tambay, may sense ka naman pala."
Ano daw?
Ako tambay?!
Tangina talaga.
"Hoy, magdahan-dahan ka nga sa mga sinasabi mo ah. Kung maka-tambay ka..."
"Eh bakit, am I wrong? May trabaho ka ba?"
Yun lang.
"Wala."
"Like I said eh di tambay ka nga!"
Bitch.
Halikan kita ulit diyan eh!
"So ano, lalaitin mo na lang ba ako o papasok tayo dun?"
"Tama ka naman eh, 150k yun at hindi ko yun pinulot lang. Dapat lang na sulitin ko bawat sentimo nun...So, okay, let's go back."
"That's the spirit!" Tinapik ko siya sa likod.
"Hoy, ano ba, hindi ko pa nakakalimutan ang pambabastos na ginawa mo sa akin, wag ka masyadong kumportable diyan."
Ito talaga, init ng ulo ni Madam!
"Okay fine, I won't touch you then." I raised my hands in surrender.
"Tanga ka ba?"
Tangina talaga, pumupuro na sa akin to ah!
"Paano sila maniniwala kung di mo ko hahawakan?!"
She took my hand and wrapped it in hers.
"Lucien Han, show those people that you are the best damn boyfriend in town. Gusto kong mamatay sa inggit ang lahat ng babae sa labas at gusto kong maabaliw sa selos si Patrick. Kaya mo ba yun?"
It was weird.
I kinda like her bossing me around.
"Sus. Piece of cake!"
Kagaya nga ng sabi ni Loxley bumalik kami sa main hall para sulitin ang talent fee ko.
When we walked in pinag-uusapan na ng mga tao roon ang nangyaring kissing scene namin.
"Holy shit, Bes! Boyfriend ba talaga yun mg Evil Witch?! Ang pogi niya Bes!!! At ang sarap!" Kilig na reaksiyon ng isang beki sa mga kaibigan niya.
Mga officemates sila ni Loxley.
"Oo nga eh. Papable! San niya kayang lupalop napulot yun? At ipinakilala pa kay Bell! Jusmio, mukhang architect din yun, hay, sana pumasok din yun sa company!"
"Loka!" Hinampas siya sa braso ni Bekimon, "kapag pumasok yun sa Thompson, daig pa nun ang Yamashita's treasure no, sigurado bantay sarado yun sa Bitchesang bruha na yun no."
Evil Witch.
Bitchesa.
Bruha.
Mukhang living legend itong si Lox sa kumpanya nila ah.
"Pero alam niyo tingin ko di niya jowa yun." Sabat ng isang cute na koreana na naka-off shoulder. "Tingin ko lang ah, binayaran niya lang yun para magpanggap na jowa niya. Eh di ba kasi alam naman natin na may something sila ni Patrick tapos ngayon bigla siyang nagbitbit ng lalake dito sa event. Baka naman ayaw na sa kaniya ni Patrick kaya napilitan siyang mag-arkila ng syota!"