CHAPTER 16

84 6 4
                                    

NAGIGING spy bigla si Jazz pasimpleng sinisilip ang kotse ng asawa sa tuwing umuuwi ito tinitingnan niya baka meron naiwan na gamit at ang hinde gawain na ibaba ang maruming damit ng asawa binababa niya para maamoy kung amoy pabango ng babae o hinde kaya bahid ng lipstick.
Nagkaroon ng pagkakataon si Jazz tingnan ang cp ng asawa habang naliligo sa banyo diritso sa inbox ang pangalang Jane ang naka kuha ng pansin sa kanya agad binasa ang convo

Me: did you enjoy my company?

Jane: yup! I'm lucky 2 hav u hahaha

Me: i told u,jst tel me & i'll be der

Jane: hw abt ds saturday?

Me: sure !

Jane: don't b late 8pm sharp

Me: of course takot ako sau hehehe

Jane: hahaha see you

Narinig ni Jazz tumigil na yung shower agad binalik ang phone ng asawa sa side table dali daling lumabas at pumasok sa kwarto niya.

FRIDAY afternoon nagkataong sabay na umuwi ang mag asawa kapapasok lang sa kanya kanyang kwarto ng tinawag sila ni Manang Maymay at sinabing andyan ang Daddy Kim & Mommy Amy nila. Parehong nataranta ang dalawa ni lock ang kwartong ginamit ni Elijah baka kasi pumanhik ang magulang nila malamang dun natutulog si Elijah.

"Hey mom,dad! " sabay beso ni Jazz

"Where's Elijah?'" Tanong ng daddy Kim niya umupo inalalayan ng mommy amy nila naka walker kasi ito

"Pababa na po siya " pilit ngumiti

"Hi daddy,mommy "! Bati ni Elijah pababa ng hagdan

"Mabuti napadalaw po kayo mom" sabi ni Jazz

"Paano hinde na kayo dumadalaw sa bahay kami nalang pumunta dito" pagtatampong ng daddy kim

"Busy po kasi" sagot ni Elijah tumabing umupo sa asawa

"What do you like to eat dad? Mom? " tanong ni Jazz

"Busog kami dumaan kami sa favorite restaurant namin ng daddy mo! May dala kami diyang Palabok !

"Sa sunday na yung first year anniversary niyo anong plano niyo ?" Tanong ng daddy Kim

Nagkatinginan ang dalawa pareho kasi nilang nakalimutan na mag 1 year na silang kasal sa linggo.

"Don't tell us nakalimutan niyo?" Napa iling ang mommy Amy nila

"Nope! Actually mom i'm planning to have vacation sa batangas meron kasi akong student na may Farm dun matagal na akong ini invite ng mommy niya kaso lang busy masyado " Maagap naka isip ng palusot si Jazz

"Palagi nalang kayong busy give time to relax most especially sa unang anniversary niyo " sabi ng mommy

"How about sumama nalang kayo sa amin mom para naman maka langhap ng Fresh Air si Dad maganda daw dun sa farm Fresh Air & Fresh Food malayo sa pollution "

"Good idea Jazz i like that! Matagal na din hinde kami nakapunta ng daddy mo sa farm "

"Inaalala mo talaga ako kahit para sa inyong dalawa yang anniversary" Napangiting sabi ng Daddy Kim

"Anytime pwede ako pumunta dun sa farm ng student ko so saturday morning ?" Sabay sulyap sa asawa

"SATURDAY morning good ! so we can go home early " sagot ni Elijah

"Amang mag overnight tayo dun !" Sabay hawak ng braso ng asawa

"Overnight?" Nabigla sa narinig first time tinawag siyang Amang ng asawa

"Yes Amang! overnight tayo dun" pilit naging sweet sa asawa naalala niya bukas na yung date ng Jane na katext nito kaya nagulat

"Sige uwi na kami para makapag impake kami ng mommy mo"

"Excited na yung daddy niyo so mauna na kami mga anak"

"Ok mom,dad see you tomorrow " nakangiting sabi ni Jazz

"Bye mom,dad " inalalayan ang ama

Napangiti si Jazz sa ginawa niya! Ang bilis niya nakapag isip para hinde matuloy ang date ng asawa ! Paakyat na siya ng ;

"Jazz is it true you have plan about our wedding anniversary ?"

"No! Ano gusto mo magtampo magulang mo?"

"You're saying you lied to my parents?" Tumaas ang boses ni Elijah

"Technically NO naging plano nalang agad siya ng tinanong ako " Nakangiti pa rin dahil galit ang asawa niya sapagkat hinde matuloy ang date nito

"My GOD sake Jazz gumagawa ka ng desisyon without asking me ?"

"How can i asked you kung palagi kang wala sa bahay daig mo pa ang binata kung gumala !So ano gusto mo sasagot ko? Eh d sana ikaw yung sumagot ng tinanong tayo kanina " Hinde mapigilan maiinis dahil mas importante pa ata ang ka date compare sa Anniversary nila

"May lakad ako sa Saturday hinde mo ba alam yun? "

"Malamang hinde ! Kung ayaw mo sumama e di huwag kami nalang " Sabay talikod at pumasok sa kwarto

MADALING ARAW gising na si Jazz! Nilabas sa cabinet ang maliit na maleta naglagay ng tatlong pares ng underwear,dalawang pares ng swimwear,damit,short & pantalon. Nagdala siya ng sleeping pillow para sa byahe,toiletres,towel & dalawang pares ng footwear. Bago natulog kagabi tinawagan niya ang mommy ni fenech ang student niya at natuwa ito ng malaman pupunta siya sa farm. Binigyan nalang siya ng sketch papunta sa farm at dun na sila magkita.

Alas syete dumating ang parents nito may dalang Hi-Ace Van may kasamang driver,katulong & private nurse. Bumaba na si Jazz suot ang black long sleeves shirt at maikling maong short pinaresan ng sneakers may sunglass nakapatong sa ulo. Bitbit ang maliit na maleta at may nakasabit na red sling bag. Nauna si Elijah bumaba naka nakasukbit ang Backpack suot ang red polo shirt & maong pants penaresan ng rubber shoes. Sinama na nila ang dalawang katulong para naman maka pamasyal.

"Oh tara excited na ang daddy niyo "

Sa likuran bahagi nakalagay ang mga gamit nila bumili ng makakain ang mommy nila habang nasa byahe.
Magkatabi ng upuan ang mag asawa nasa kabila naman ang magulang ni Elijah sa likuran bahagi naman naka upo ang katulong at private nurse.

Nag stop over sila sa isang fastfood chain para makapag almusal

"Amang what do you like to eat?" Malumanay na tanong ni JAZZ

"Kahit ano" nagtatakang sagot ng asawa

"Alam mo Elijah ganun din ang mommy mo sa akin kapag kumakain kami sa labas siya mismo ang umoorder para sa akin " Napangiti ang daddy Kim niya

Napailing nalang si Elijah kasi ang totoo ngayon lang naman ngyari biglaang pagiging sweet ng asawang si JazZ



♡THANK YOU FOR READING♡

VOTE na kung na eenjoy niyo ang story & COMMENT naman kung meron kayong masasabi !!! THANXXXX

EVERBODY's GOT SOMEBODY BUT METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon