CHAPTER 17

91 8 13
                                    

PASADO alas onse sila dumating sa farm. Pumasok ang Van nila sa malaking gate pumarada sa harap ng two story house gawa sa kawayan & kahoy napapalibutan ng bulaklak at matatas na puno ng mahogany . Sinalubong sila ni Fenech at ng mommy nito.

"Magandang umaga sa inyong lahat! Welcome to our farmhouse sir & mam" masayang pagbati ng mommy ni Fenech

"Good morning din po misis" sagot ni Jazz

"Good morning po" sabat din ni Elijah

"Maraming salamat sa pag anyaya ky Jazz pumunta dito pati kami sinama niya" sabi ng mommy Amy niya

"Its ok madam mas marami mas masaya" nakangiting sagot

"Sarap talaga ng hangin sa farm" puri ng daddy Kim

"Yes sir tama po kayo diyan" sagot ni Fenech

"So lets get inside guys the food is ready" anyaya ng mommy ni fenech

Pumasok sila sa bahay diritso sa likuran bahagi ng bahay sa terrace may mahabang mesa na kahoy kasya ang twenty ka tao nakaharap sa malaking garden.
May dalawang katulong na nakatayo sa gilid ng mesa hawak ang banner "WELCOME SY FAMILY".

"Wow may pa banner pa kayo misis" natuwang sabi ni jazz

"Si fenech ang ng isip niyan"

"Nako thank you baby girl"

"Sarap ng pagkain" natatakam na sabi ng Daddy Kim

Nakahanda sa mesa ang Native tinolang manok,inihaw na isda may katabing maanghang na suka,pinakbet & atchara ang dessert naman hinog na mangga at sa tabi ng mga pinggan nila nkalagay ang buko juice hinde pa naalis sa buko.

"Grabe sarap talaga ng pagkain niyo" puri ni Elijah

"Maraming salamat talaga ang swerte niyo may farm kayong ganito" dagdag ng mommy Amy

"Actually pinamana nalang po ito sa akin ng parents ko"

"Wow mabuti naman hinde niyo naiisipan ibenta?" Tanong ng Daddy Kim

"Ay nako hinde po talaga kasi yan lang pamana sa akin at napagkaka kitaan din"

"Talaga?" Tanong ng mommy Amy

"Opo kasi meron kaming mga organic vegetables,dito kumukuha yung ibang restaurant & maliit na taniman ng bulaklak dahil meron kaming flowershop sa manila at kaunting mga alagang baka,kalabaw,kambing & kabayo"

"Magandang negosyo yan" sagot ni Elijah

"Oo nga eh! By the way feel at home lang po kayo !! iiwanan ko po namin kayo dito, ang katiwala nalang po bahala sa inyo kasi kailangan namin bumalik sa manila may birthday po kasi kaming pamilyang dadaluhan" paliwanag ng mommy ni Fenech

"Nakaka hiya naman" sabi ng Mommy Amy

"Huwag na po kayo mahiya masaya nga kami at nakapunta kayo dito sa farmhouse namin. Mag eenjoy po kayo dito "

"Maraming salamat po talaga"

PAGKATAPOS mag lunch hinatid sila ng katulong sa mga kwarto nila sa second floor kung saan may dalawang stair sa magkabilang gilid sa labas ng bahay. Sa baba kasi ang living area,mini bar,kitchen & staff room. Pag akyat mo sa second floor sa magkabilang gilid may tig dalawang kwarto at sa gitna meron "jacuzzi" open area ang bubong transparent kaya maliwanag may dalawang egg chair naka harap sa likuran ng bahay makikita ang kabukiran kung saan meron dalawang kubo sa unahan at sa di kalayuan maaninag ang mga hayop at taniman & may sala set gawa sa kawayan sa gitna bahagi ng stair. Pagpasok naman sa kwarto bubungad ang malapad na kama gawa sa kahoy,side table na may nakapatong na Lampshade,rocking chair nakaharap sa bintana,maliit na round table sa tabi ng built-in cabinet,at pinto papasok sa bathroom.

EVERBODY's GOT SOMEBODY BUT METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon