"Goodmorning!" masayang bati ni Sundae nang makatayo siya sa kanyang higaan.
Nakatira siya sa pinakatuktok ng bundok , mag-isa siyang namumuhay dito , minsan ay nangangaso siya. Ngunit hindi siya hinahayaan ng mga tao sa lugar nila na gawin niya iyon.
Diyosa ng Kagubatan at Kagandahan ang pagkakakilala sakanya sa lugar sa ibaba ng bundok.
"Nandito nanaman" aniya nang may nakitang kalalakihan na sumisilip sakanya mula sa bakuran nito.
"Mahal na Diyosa!" tawag ng mga ito sakanya, tumayo siya at dumungaw sa bintana "magandang umaga" bati niya at kinawayan ang mga ito.
Bakas sa mukha ng mga lalaki ang kasiyahan dahil pinansin sila ng babae.
"Kami ay nagdala ng prutas! Ito na lamang ang kainin mo sa umagang ito!" may itinaas ang mga lalaki na supot na puro mga prutas ang laman.
"Salamat, ngunit ako ay mangangaso maya-maya at 'yon ang magiging pagkain ko sa buong linggo" pagtanggi niya
"Kami na lang ang mangangaso para sa 'yo! Hindi iyan gawain ng isang babae!" anang isang lalaki.
"Salamat sa inyong mga alok ngunit hindi ko talaga matatanggap ang mga iyan" umiling pa siya para ipaalam sa mga lalaki na tumatanggi siya.
Napailing na lang siya nang hindi tumigil sa pagaalok ang mga kalalakihan.
"Madali lang naman 'yan, wag ka lang didikit sa kanila" anang isang boses matanda sa loob ng bahay niya.
Ang matandang babaeng matagal nang nakatira sa tinitirhan niya ay nagsalita. Hindi niya iyon nakikita ngunit naririnig niya ito.
"Maari kang lumabas" ani pa nito. Kinain na ni Sundae ang iba't ibang klase ng gulay na nakahain sa hapag niya "tandaan mo lang ang sinabi ko" dagdag pa ng matanda.
Isinuot ni Sundae ang puting kapa at sinuot niya rin ang puting bota at humarap siya sa napakalaking salamin sa sala ng bahay niya. Napaka ganda aniya sa sarili habang sinusuklay ang mahaba niya itim na buhok.
"Aalis na ho ako" paalam niya , humangin ng malakas hudyat na pinapalabas na siya ng matanda. Natawa na lang siya.
Sakay-sakay siya ng kanyang kabayo pababa ng bundok at sa bawat dadaanan niyang kalalakihan ay sumusunod sakanya ; ang mga kababaihan naman ay may inggit sa mga mata nang sundan ng tingin si Sundae.
"Huwag na huwag niyo akong hahawakan!" sigaw ni Sundae nang makita niyang malapit na magdikit ang mga balat niya sa balat ng mga ito.
"Napaka-ganda...isang dyosa! dyosa!"sigaw ng isang matanda na sinundan ng iba.
Itinali ni Sundae ang kanyang kabayo sa isang bakal na nakatayo sa gilid ng kalsada at pumasok na sa isang tindahan.
Lahat rin ng tao sa loob nito ay halos mabali na ang leeg masundan lang ng tingin ang dalaga.
"Huwag kayong lalapit" pagmamakaawa niya sa mga taong nakatingin sakanya , kumuha siya ng isang lubid at itak at binayaran ito sa nagtitinda "Ilapag mo na lang ang sobra" ani Sundae sa nagtitinda.
Sumakay uli si Sundae sa kanyang kabayo at umalis na ; hindi pa rin siya tinitigilan ng mga nakasunod sakanya.
"Yah!" sigaw niya at pinatakbo ng mabilis ang kabayo , naiwan sa likod ang mga sumusunod sakanya.
"Paalam mahal na Diyosa!" sigaw ng mga ito habang kinakawayan siya.
Napanguso si Sundae sa itinawag sakanya , masaya siya dahil mabilis lang siyang nakilala at nagustuhan pa ng mga tao sa lugar nila may kalungkutan din dahil ano naman kaya ang mararamdaman nila kapag nakilala nila ang tunay na siya.
BINABASA MO ANG
Sovereign of My Own World
FantasySundae Gullienne Summerfield. The most beautiful woman alive ; long eye lashes , pointed nose , natural rosy cheeks , a-cara delevigne-eyebrows , kissable lips , perfectly-curved body-like barbie-----everyone says she's a goddess from Mt.Olympus. S...