"Insan, ang aga mo ah. " bati ni Charles kay Dylan."Syempre. First day ko eh." sagot ni Dylan at umupo na sa upuan katabi ng pinsan nyang si Charles at Chad.
Nasa computer laboratory sila na first class nila. Si Dylan ay isang transfer student. Lumipat sya para makasama ang dalawa nyang pinsan.
"Sa umpisa lang yan. Tingnan mo next week." sagot din ni Chad.
Biglang bumukas ang pinto. Niluwa nito ang tatlong babae na kumuha ng atensyon ni Dylan. Umupo ang tatlo g babae sa harapan malapit sa teachers table.
"Goodmorning babe!" sigaw ni Chad.
"Babe?" pagtataka ni Dylan.
Lumingon sa kanila ang isa sa tatlong babae.
" same to you babe" sagot ng babae at nag-wink. Sa tatlong babae mapapansin agad na sya ang pinaka-sophisticated. In short, sosyal. Eh kasi, isa lang naman syang model. Sya si Kim Chun, comercial model, magazine model at sya rin ang model ng school nila."Hay nako, ang aga ng landian nyo." sabi ng isa pang babae na may nakapusod ang buhok.
"Kayo na ang may poreber" sagot din ni Charles.
Bigla ulit bumukas ang pintuan at niluwa nun ang hindi katandaan na lalaki na may suot na salamin
"Andito na pala ang new transfer student natin." sabi ng lalaking may salamin.
"Good morning, sir Mark" bati ng buong klase
" good morning, before we start pwede ba magpakilala muna ang new student."
Tumayo si Dylan na medyo tinutulak at inaasar pa ng dalawa nyang pinsan.
"Good morning, My name is Dylan Smith from Manila. And I am looking forward to get some new friends aside from my 2 monkey cousin that sitting beside me" pagpapakilala ni Dylan at nagtawanan ang iba nilang kaklase.
"Well, another Smith, Another sakit sa ulo ba ito. I'm expecting na matino ka sa dalawa."
"Goodluck sir" sagot ni Charles
"Well, dahil naki-sit in naman na sa atin ang tatlo sa SSC ng school, hayaan na din natin sila magpakilala sa new student natin. Para alam din ni Dylan kung sino pwede nya malapitan. Girls ?" si Sir Mark
Unang tumayo ang may pinaka mahaba at wavy ang buhok sa tatlong babae na may suot na salamin.
"Good morning, Class 4-B! I know kilala nyo na ko hihi. Pero sabi kasi ni Sir Mark eh." hinubad nya ang salamin nyang suot
"Ang cute pero epal" bulong na sabi ni Dylan na narinig ng babae na may maikling buhok.
"Ako si Shane Alcantara. Ang SSC president. Kami ang boses ng mga estudyante kaya kung may mga concern kayo, dont hesitate to talk to ask"
Sumunod naman tumayo ay ang model na si Kim chun. Mahaba at straight ang buhok nya. At sya ang may pinaka maikling palda sa tatlo.
Kumindat sa kanya si Chad. At tinulak ni Charles si Chad
"Ang landi mo insan" sabi ni Dylan
"Hi, ako si Kim Chun ang SSC Vice President. Ako din ang may hawak sa music at tourism club. Kapag may problema kayo connected doon, patay kayo"
Nag-taas ng kamay si Dylan. "Pano kung yung reklamo ko yung kalandian nyo ni Chad in public. Ang sagwa eh, nakakapangit sa image ng school"
Bigla binatukan ni Chad si Dylan. "Gago ka insan"
Tiningnan lang ng masama ni Kim si Dylan.
Sumunod na tumayo ang babaeng may suot na retainer at hangang balikat ang buhok.
"Ako si Angela Cortez. Ang SSC secretary. Ako ang may hawak sa News and Photography Club."
"Angel na nerd pare" sabi ni Dylan pero hindi sya pinansin ni Angel
"Yan ang pinaka masungit sa kanila. Wala yan pakielam sa iba. At mahirap makausap." sabi ni Chad
"Ewan ko ba kung bakit naging kagrupo nila Kim yan. Sa kanilang tatlo sya lang ang nerd at walang class" sagot pa ni Charles.
"Baka naman kasi sya taga-gawa ng assignment at projrct ng dalawa." si Dylan. At may biglang tumamang ballpen sa noo ni Dylan. "Aray shit!"
"San galing yan?" tanong ni Charles
Tumingin sa paligid si Dylan. At asar na tumayo.
"Sino nambato? Hindi yun nakaka tuwa ah. Pano kung tumama sa mata ko!""Mr. Dylan Smith " teacher Mark
"Eh sir kasi- "
"Please sitdown at makinig ka sa klase" sabi ni teacher Mark"Sorry sir"
Sa totoo lang asar na asar na si Dylan pero nag pipigil sya dahil ayaw nya masira ang first day nya sa bagong school.
Habang si Angel ay ngingiti-ngiti at nakatingin sa kanya ang dalawa.
"Ikaw may gawa nun noh?" sabi ni Shane
"Ang yabang kasi." simpleng sagot ni Angel
"Dapat lang sa kanya yun." dugtong pa ni Kim
"Buti nga hindi ko sya binulag eh. Kung ano ano napupuna kabago-bago"
Napailing nalang si Shane
YOU ARE READING
The Angelic Demon
RomanceNa-in love ako sa isang nerd sa hindi ko malaman ang dahilan. Isang Nerd na malayong malayo sa klase ng mga babae na nai-date ko na. Pero isang lihim ang natuklasan ko sa pagka-tao nya. Isang lihim na nakakatakpt at nakakamangha. Isang lihim na hind...